This is dedicated to SybilLeen na tinadtad ng votes ang story kong Buhay Arranged Marriage. Thank you talaga.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yma's POV
Lunes na ngayon at buti na lang may pasok tong kriminal na to. Wala kasi siyang ginawa kahapon kundi galawin lang ako. Masakit na masakit na nga ang katawan ko eh pero wala naman akong magagawa. Galit na galit siya kasi itinulak ko raw ang mama niya. Triny kong magpaliwanag pero ayaw niyang makinig.
May pasok siya ngayon kaya maaga akong nagising at naghanda ng pang-almusal. Madali akong natapos kaya’t naupo muna ako at nagmuni-muni habang hinihigop ang mainit na chocolate. Palinga linga ako at napansin ko ang kalendaryo na nakadikit sa may ref.
OH no! 2 linggo na pala akong nandito. Malamang nag-aalala na sina Yumi sa akin dahil hindi ko man lang sila matawagan. Susulat na lang ako sa kanila pero baka hindi pumayag yung kriminal. Ano bay an. Pero susubukan ko na lang.
Narinig kong may tumikhim sa likod ko kaya napatingin ako. Si Ryan pala.
Nag-almusal na siya at ako pero tahimik lang kami. Kinakabahan ako dahil baka magalit siya sa sasabihin ko. Woah. Kaya ko to! Keribells lang!
Uminom muna ako ng tubig. “Ahm, ano, ah, Ryan can I write to my friend in the Philippines?” tumingin siya sa akin. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam kung galit ba siya o ano. “Uhm, ano kasi, I promised her that I will contact her.”
Hindi pa rin siya kumibo. “I won’t tell her. I promise. I just want to tell that I am okay. Please. She’s the only family I’ve got.” Naluluha ang mga mata ko nang tingnan ko siya
“Okay. Give me the letter later and I’ll mail it.” Tumayo na siya at paalis na sana nang
“T-Thank you!” pahabol ko
“Don’t expect this does not come with an incentive coming from you.” Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya pero binalewala ko na lang. umalis na siya.
Niligpit ko naman ang mga pinagkainan naming. Nagmamadali akong maglinis at maglaba dahil excited na akong magsulat. Buti na lang nga may dala akong ballpen tsaka 5 piraso ng papel nang pumunta ako dito.
Nagsulat na ako
BINABASA MO ANG
Whatever it Takes (COMPLETED)
Romance"The worst part of holding the memories is not the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared." ― Lois Lowry, The Giver PLEASE READ: Ieedit ko po ang story para maayos ang mga typo ang grammatical errors.