Maayos naman na ang kalagayan ko. Mag-iisang buwan at kalahati na ako dito at mag-iisang buwan na rin ako sa trabaho ko.
Hay naku sa wakas. Nakuha ko na ang paunang sweldo ko. Hindi ko kasi kinukuha ang weekly k okay Ms. Cynthia dahil gusto ko buwanan ko yon makuha para maipon.
At ito na nga. Naghanda na ako ng sulat para maipadala ko na ito.
Dear Yumi,
Hi, kumusta na kayo diyan? Maayos naman ako dito. May trabaho na ako sa isang local supermarket. Katulad ng ipinangako ko sa’yo nang umalis ako, ito yung paunang sweldo ko. Pasensya na dito ha. Ingat kayo. Miss na miss ko na kayo.
Pasensya na kung wala akong padalang chocolates ha, mas gusto ko kasing tulungan muna kayo. Hayaan mo, sa susunod sisikapin kong magpadala ng chocolates diyan ha. Ingat kayo. Grabe. Pasko na. Pasensya na ha hindi ako makakauwi, mahal kasi ang pamasahe. Merry Christmas sa inyo diyan. Ingat kayo lagi. Mahal ko kayo.
Love,
Yma
Matapos ay isinilid ko na sa envelope ang sulat. Kinuha ko naman ang sobre kung saan nakalagay ang sweldo ko. Binilang ko ulit yon. Alam kong iniisip niyo na parang ang tanga ko naman dahil binibigay ko lahat ng sweldo ko sa ni hindi ko kamag-anak pero gusto ko lang kasing magpasalamat dahil nung ako naman yung nangangailangan ay pinakin, binihisan at binigyan din nila ako ng matutuluyan. Sa kahit ganitong paraan ko man lang sila mapapasalamatan lalo pa at alam kong makakatulong naman talaga ako.
“You’re gonna give all your salary to your friend?” nabigla ako sa pagsalita ni Ryan kaya natapon ko yung sobre, nagkalat tuloy yung pera.
“Ah, y-yeah…” pinulot ko naman ang mga bills
“Why?” nagtatakang tanong niya
“Hmmm, because I want to thank them for taking care of me even though I am not a member of their family.” Isinilid ko na ang pera sa sobre ng sulat at sinarado na yon
“uhm, Ryan, can you send it to my friend?” nahihiyang tanong ko
BINABASA MO ANG
Whatever it Takes (COMPLETED)
Romance"The worst part of holding the memories is not the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared." ― Lois Lowry, The Giver PLEASE READ: Ieedit ko po ang story para maayos ang mga typo ang grammatical errors.