Genesis

8.6K 122 3
                                    

Yma’s POV

“So, do you plan to go back here?” tanong sa akin ni Claire habang nag-aayos kami ng mga products sa dairy section.

“Well, it depends. If I’ll get a job immediately in the Philippines  then I’ll stay there but if I can’t get a job there then I’ll probably be back.”

“I know I’m selfish saying this but I hope you can’t get a job there so that you’ll come back here. I’ll really miss you sis.” Niyakap niya ako pagkatapos. Sis kasi ang tawag niya sa akin

“Hahahaha…” napatawa na lang ako. Pero nalulungkot pa rin ako, 3 buwan na ang nakalipas nang mamatay ang anak ko, at napagdesisyunan ko nga na bumalik na sa Pinas. Miss ko na rin kasi talaga sina Yumi pati na rin ang bansang kinalakihan ko kaya yun babalik na ako. “I’ll miss you too.”

“Are you sure I’m the only one you’ll miss?” panunuya sa akin ni Claire

Napatiim-bagang naman ako “Don’t say talk things about that murderer!” napataas ang boses ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko. Umiiyak pa rin ako tuwing gabi lalo na kapag nakikit ko ang garapon na kinalalfghgikhyyagyan ng abo ng katawan ng aking anak.

“If you say so.” Cool lang na sagot ni Claire.

“Have you given your resignation letter to Ma’am Cynthia?” tanong sa akin ni Claire

“Yep, I gave it to her last week.” Nagpaalam ako sa kanya at tumungo ako sa ladies room na pawing para sa employees lamang.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicles roon at sinirado ang coverseat ng bowl. Umupo ako roon at nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Masakit pa rin para sa akin na pag-usapan ang nangyari. Hindi mawala-wala ang galit at poot sa puso ko. Wala akong inagrabyadong tao ngunit bakit puro pagdurusa na lang ang nararanasan ko.

3 months pero walang nabawasan sa sakit na nararamdaman ko. Buti na nga lang at hindi ko nakikita ang demonyong dahilan ng lahat ng ito.

-----

Busy ako sa pag-aayos at pag-impake ng mga damit ko nang marinig kong may nagdoorbell. Iniwan ko muna ang mga gawain ko at tinungo na ang pintuan.

“Hello!” nagulat ako nang makit ko ang taong pinagbuksan ko ng pintuan

“H-hi.” Niyakap niya ako at ganoon din ako sa kanya

“I heard from Claire that you’re leaving.” Malungkot na pahayag ng nanay ni Ryan. Dinala ko siya sa sala at inanyayahang umupo sa couch

Whatever it Takes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon