“Miss?! Miss?!” napamulagat ako mula sa aking imagination ng alugin ako ng isang mama
“Ano ba?!” inis kong tanong. Tsk. Dahil sa kanya nawaglit ko tuloy ang magandang imagination ko
“Ang sabi ko, mag-eextend ka pa ba? Aba time na oh!” Naiinis na sabi niya. aba’t! ako ang customer dito dapat galangin din niya ako!
“Tsk. Oo nga. Oh eto!” sabay abot sa kanya ng 10 pesos para sa pag-eextend ko pa ng isang oras dito sa internet café. Madali naman palang kausap dahil pagkatapos kong abutin sa kanya ang bayad eh bigla na lang umalis. Tsk.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa screen ng computer.
“Hey, Yma are you still there?” tanong ni Ryan, yung German na ka-chat ko
“Of course.” Type ko
“So, can I have your email already?” pagkuwa’y tanong niya
Hindi ako nakapagreply kaagad. Kanina ko pa nga iniisip ang mga posibilidad kung ano ang mangyayari kapag binigay ko sa kanya ang email ko eh. Ang layo na nga ng narating ng imagination ko eh. Sigurado naman akong kapag binigay ko ang email ko eh hindi ito ang huling pagkakataon na makakachat ko siya. At base sa mga naisipan kong mga posibilidad may mga pangit na mangyayari at may mga magaganda rin.
Nagsimula akong magtipa “ yma_cruz@yahoo.com” hindi ko muna kaagad na sinned iyon bagkus nag-isip muna ako.
Kung isesend ko ang email ko, maaring magkatotoo ang dream ko na magkaroon ng kaibigan sa USA para makapunta ako roon pero ayoko rin mangyari ang mga naisip kong mangyayari sa akin.
Tsk.
Isesend ko ba o ano?
Send o ano?
Send?
No?!
Send?!
Hmp!
Kung isesend ko, ano na lang ang iisipin niya sa akin? Na isa akong easy-to-get na girl. Hmp. Bakit ba kasi ako nahumaling sa mga chat-chat na yan. Baka mapahamak pa ako nako!
Pero kung hindi ko naman isesend eh masasayang ang kagwapuhan ng kachat ko at baka hindi na ako makatagpo pa ng isang gwapong katulad niya.
Pero…hindi naman ako ganun kababaw para maging ganito kadesperado.
Dinelete ko ang mga naunang tinype ko at nagtype ng panibagong mensahe para sa estranghero “I’m sorry I can’t.”
Huhuhuhuhu. Ginto na nga naging bato pa! huhuhuhu
Naghintay ako ng ilang sandali sa reply niya.
At pagkatapos ng 170920410709174708656 years nagreply rin siya “It’s okay. I had a great time with you anyway.”
“=)” smiley na lang ang tanging naireply ko
“I gotta go Yma. Anyway here’s my email, ryan_98@gmail.com if you want to talk to me. Gotta go. I still have class. Bye!” nag-disconnect na siya pagkatapos
Nag-iwan siya ng email. Isasave ko ba?
Save o hindi?
Save? Pero nagdesisyon na akong itigil na ang pagkahumaling ko sa pagchachat.
Hindi? Pero sayang naman.
Hmp! Hay, bakit ba kasi ako binigyan ng brilliant mind! Clinick ko ang close button at tumayo na upang lisanin ang internet café na yon.
----
“Oh, yma anak, napaaga ang uwi mo ah? Kala ko ba magchachat ka pa?” hehehe. Sanay na sa akin ang nanay ni Yumi. Dito kasi ako nakatira sa kanila. Okay naman kay nanay na gabi na ako umuwi gawa ng nahuhumaling ako sa pagchachat
“Sus. Ang sabihin niyo nay, nabasted yan sa kachat niya!” pambubuska ni Yumi sa akin habang katabi ang mga kapatid niyang nanonood ng t.v
“Hay naku, hindi noh.” Depensa ko naman. Nagpaalam ako kina nanay at tumungo na sa silid ko.
Tsk. Kinuha ko ang mga libro ko at binuksan yon. Kung palagi na lang akong magchachat habang nagbabakasakaling makahanap ng isang poringer na aahon sa akin mula sa kahirapan eh baka tatanda akong walang narating sa buhay. Buti na lang at ginamit ko muna ang nangangalawang kong utak bago ako nagdesisyon. Buti na lang talaga at hindi ko binigay ang email ko. Ayoko na. Paulit-ulit na lang naman eh.
Siguro nga tama ang mga matatanda na may oras para sa lahat ng bagay. May oras sa pagchachat. May oras sa pagboboy-hunting. At may oras din sa pag-aaral. 19 pa lang ako. Ang bata ko pa. Ang dami ko pang pwedeng marating sa buhay, iyon ay kung mag-aaral ako. Hmp! Nagsasawa na rin akong makita na palaging itlog ang nakukuha ko sa mga quizzes.
Hahahaha…
Ang dami ko namang natutunan nang dahil sa chat na iyon...
BINABASA MO ANG
Whatever it Takes (COMPLETED)
Romance"The worst part of holding the memories is not the pain. It's the loneliness of it. Memories need to be shared." ― Lois Lowry, The Giver PLEASE READ: Ieedit ko po ang story para maayos ang mga typo ang grammatical errors.