Bad News

8.7K 137 1
                                    

Nagising akong wala na si Ryan sa tabi ko. Nag-ayos na lang ako ng sarili at nagbihis na.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nanonood ng tv.

“Uhm, good morning, have you had breakfast already?” masayang tanong ko sa kanya

“Not yet. Cook for us.” Cold niyang sabi. Anong nangyari dito? Akala ko ba okay na kami?

Naghanda na lamang ako ng pagkain.

Buong umaga ay di nagbago ang trato niya sa akin. Mas lumala pa nga eh. Ang cold niya. Kung kakausapin ko siya ay tango lang ang sagot niya. Kung magsasalita siya ay hindi aalpas ang sentence niya ng 7 words.

--

Magtatatlong buwan na ako dito sa Amerika. Parati pa rin akong nagpapadala ng pera kina Yumi pero siyempre nagtitira ako para sa sarili ko. Gusto ko rin kasing makaipon.

Yun nga lang ay hindi nagbago ang pakikitungo sa akin ni Ryan. Simula nung gabing yun ay naging cold na siya sa akin. Pero hindi sa kama, gabi-gabi pa rin niya akong ginagalaw pero hindi na yung pareho nang gabing yun, naging mas marahas na siya.

Linggo ngayon kaya’t wala kaming trabaho. Nandito ako sa kusina habang inaayos ang mga stocks sa cabinet nang biglang sumama ang pakiramdam ko. Nahihilo ako at medyo sumasakit ang puson ko. Hilong hilo ako. Maglalakad na sana ako para tawagin si Ryan nang magdilim ang paningin ko.

--

Nagising ako sa isang putting kwarto. Nakita ko na may nakakabit na IV sa kamay ko at luminga ako sa paligid. Nakita ko ang nurse at mukhang chinecheck niya ako..

“Uhm, miss, what happened to me?” matamlay kong tanong sa kanya

“Oh don’t worry miss you’re both okay. Oh look here’s your husband.” Nakita ko namang papasok si Ryan ng kwarto. Ano daw sabi ng babae? Both? Husband?

Umalis naman ang nurse at umupo si Ryan sa isang stool malapit sa kama.

“Uhm, w-what happened?” panimula ko

“You passed out so I brought you here.”  Galit niyang sagot. May problema ba?

“Uhm, is there a problem? Am I sick?” nagpapanic kong tanong

“No you’re not sick but you’re pregnant.” Binigyan niya ng diin ang you’re pregnant. Para namang bombang sumabog sa harapan ko ang narinig ko. Ako buntis? Paano na to? Paano na yung mga pangarap ko?

“W-what?” di-mapaniwalang sabi ko

“Yes and that’s because you’re stupid. You know for a fact that we’ve been fucking and you haven’t protected yourself!” napataas na ako boses niya

Naiiyak na lang ako. Bakit ba ako lang sinisisi niya?! Sino ba ang nanggagapang tuwing gabi ha, ako ba, ako ba?!

“We’ll get rid of that thing once you’re discharged.” Iniwan niya na ako at lumabas.

Nagpalipas pa ako ng isang gabi dito sa ospital dahil sabi ng doktor kailangan pa daw imonitor yung kapit ng bata. Umuwi na si Ryan dahil bawal ang watchers dito, pero may nurse naman na nakaassign sa akin kaya hindi ako natatakot kahit mag-isa lang ako.

Napaisip ako sa sitwasyon ko. Gustong ipalaglag ni Ryan yung bata, yung anak ko, yung anak niya. Alam kong tempting ang desisyon na yun dahil yun ang pinakainstant na solution sa problema naming pero magagawa ko ba yon? 21 pa lang ako pero magiging ina na ako. May trabaho ako pero makakaya  ba ang kita ko doon para sa aming dalawa. Sigurado kasi akong itatanggi ni Ryan ang bata, gusto nga niyang ipaglaglag eh.

Bigla kong naisip, ako, katulad din ako ng batang dinadala ko; walang may gusto at di pinagplanuhan. Ganito siguro ang naramdaman ng nanay ko nang pinagbubuntis niya ako. Kaya niya siguro ako iniwan dahil ayaw naman niya talaga sa akin. Naranasan kong mamuhay ng walang pamilya at ang hirap. Walang nagmamahal sa’yo. Walang mag-aalaga sa’yo kapag may sakit ka. Walang babati ng ‘happy birthday’ sa kaarawan mo. At ayokong maging ganon din ang anak ko. Itatama ko ang mga maling nagawa ng nanay ko sa akin. Siguro kaya ito binigay ng Diyos sa akin ay para maitama ko ang mga mali at para magkaroon din ako ng pamilya sa katauhan ng anak ko. Nakapagdesisyon na ako. Hindi ko ipalalaglag ang anak ko. Kung hindi man siya papayag ay lalaban ako. Siguro mahihirapan ako sa pagpapalaki sa anak ko pero gagawin ko ang lahat para hindi niya maranasan ang mga naranasan ko. Ipadadama ko sa kanya ang pagmamahal na hindi ko naransan mula sa tunay kong mga magulang.

Whatever it Takes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon