Ligaw

7.9K 129 7
                                    

Yma’s POV

“Oso pa beh ang herana. Marahil ikaw ay nagteteke. Sinoe be toe mukhang gagoe nagkandarapey sa pagkente. At nasisitunadoe sa kebeh.”

“Punoe ang langit ng bitwin at key lamig pa neng hengin. Seyong tingin eko’y nababaliw giliw at sa ewitin kong itoe sana’y maibigan moe. Ibubuhoes ko ang buong pusoe ko. Sa isang mounting herana pera sa’yo…”

 

“Ate, huhuhuhu. Please pakisabi sa manliligaw mo stop na!” pakiusap ni Anna sa akin habang tinatakpan ang dalawang tenga niya

“Oo girl. M-Maawa naman siya. Magpatulog naman din siya.” Segunda ni Yuma na tinatakpan din ang mga tenga

“P-Papasukin mo na hija.” Nakikiusap na rin si nanay

“A-Ate, s-sige na naman!” pagmamakaawa pa ni Ken

Hahahaha. Natatawa ako sa mga reaksyon nila.

“Oo na. Papapasukin ko na po siya.”

Tinawag ko na sina Ryan at ang kasama niyang gwapo pero klarong Pinoy. Umaakyat ng ligaw si Ryan sa akin. Slang ang pagkakanta niya ng ‘Harana’ ng Parokya ni Edgar pero nagdurugo na daw ang mga tenga ng pamilya ko kaya pinapasok ko na lang sila. Hahaha. Kakilig nga.

Hindi ko alam na seseryosohin pala ni Ryan ang sinabi ko na hindi niya ako pwedeng maging girlfriend hangga’t hindi niya ako nililigawan. Ganyan kasi ang pagkakaintindi ko sa mga dalagang Pilipina. Dapat pahirapan muna ang pagkuha ng mga kamay ng mga magagandang dilag dahil hindi kakaiba at mahahalaga tayo, hindi tayo basta basta.

Umupo si Ryan pero bumalik na sa kotse ang kaibigan niyang si Jace.

Umupo kami ni Ryan sa sala habang bumalik na ulit sa pagtulog sina nanay, Ken at anna. Habang si Yumi naman ay naghahanda ng meryenda para sa bisita ko.

“Uhm, flowers for you.” Iniabot sa akin ni Ryan ang isang boquet ng flowers pagkaupo naming

“Hmmm…Thanks.” Ang ganda ng mga bulaklak. First time ko atang makatanggap ng mga ganito

“Anything for you babe.” Dumating na si yma dala ang meryendang hinanda niya.

“Uhm, Ryan, you sing very well.” Pagpuri ko kay Ryan. Totoo naman talaga. Maganda namang ang boses niya kaya lang dapat pumili siya ng magandang kanta na alam niya ang lengwahe

“Diyos na mahabagin! Uy, friend baka makarma ka sa mga pagsisinungaling mo!” bulong ni Yumi na rinig na rinig ko naman

Pinanlakihan ko siya ng mata at buti naman nakaintindi siya dahil pumasok na siya sa kwarto niya

Whatever it Takes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon