12. One Moment

1.7K 85 6
                                    

"KUMUSTA ang balat mo?" tanong ni Zefro.

"Walang nagbago, Maestro."

Naroon na sina Crissa at Zefro sa inuupahang bahay ng lalaki. Simple lang ang bahay, gawa sa kahoy at kawayan, kugon ang atip. Pagkakita ni Crissa sa bahay ay nahulaan kaagad niya kung bakit iyon ang napiling tuluyan ni Zefro, dahil hindi iyon nalalayo sa kubo nito. Fifteen minutes away iyon sa university via jeep or tricycle. May isang kuwarto at gawa sa kahoy lahat ng kasangkapan sa loob—mula sa mga upuan sa kusina hanggang sa sala set. Ayon kay Zefro ay kasama sa inuupahan nito ang lahat ng kagamitang nasa loob ng bahay.

Tumuloy si Crissa sa nag-iisang kuwarto sa bahay at sinilip ang tulugan. "Hindi na sumasakit pero hindi na rin naalis," patuloy niyang lahad tungkol sa balat niya sa dibdib. "Hindi na rin ako dinadalaw ng mga weird kong panaginip—Wow!" bulalas niya nang nasa loob na ng silid. "Mas okay 'tong tulugan mo ngayon, 'lambot! Sumasakit ang likod ko sa papag sa kubo mo, eh. At ang presko rito, ha? Puwede ba akong makitulog dito paminsan-minsan?"

Hindi pinansin ni Zefro ang mga huling sinabi ni Crissa. "Hindi na bumalik ang dating kirot sa dibdib mo?" sa halip ay tanong nito. Mas interesado talaga ito sa balat kaysa sa pagpapa-cute niya.

"Hindi na pero may mga pagkakataong nanghihina ako—hindi ko alam kung bakit. Bumibigat din ang dibdib ko minsan..."

"Minsan? Gaano kadalas ang 'minsan' na 'yan?"

"Depende sa mga taong nakakasama ko."

"Ano'ng ibig mong sabihin? May mga taong nagpapabigat sa dibdib mo? Sino-sino?" Nasa anyo nitong hindi nagustuhan ang narinig.

"Isa lang naman."

"Sino?"

"Ikaw, Maestro."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ako?"

"Mas madalas kasing payapa ang puso ko. Relaxed ako. Nag-iiba lang ang pakiramdam ko sa mga pagkakataong nakikita at nakakasama kita. Hindi ko nga maintindihan, eh. Parang masyadong sensitive ang pakiramdam ko 'pag ikaw na ang involve?"

"May mga bagong kakilala ka bang nakikipaglapit sa 'yo ngayon?"

Hindi na siya nagulat na bigla-bigla nitong inililiko ang topic kapag feelings na niya ang pinag-uusapan. Nagkibit-balikat na lang siya. "Walang bagong mukha. Mostly familiar faces. Bakit mo naitanong?"

"Magagawa mo naman silang iguhit, hindi ba? Gusto kong makita kung mas gumaling ka sa pagguhit ng iba't ibang klase ng mukha. Lahat ng mga kaibigan mo, noon at lalo na ang mga bagong dating sa buhay mo ngayon, iguhit mo. Gusto kong makita ang mga mukha nila na iginuhit mo."

"Sige..." Naupo si Crissa sa kama. Natukso siya sa lambot kaya ibinagsak na niya ang sarili. "Ano'ng dinner mo, Maestro? Dito na lang kaya ako matulog ngayon?"

"Kumuha ka muna ng mga personal na gamit sa dormitoryo mo. Sabay na tayong lumabas. Bibili ako ng hapunan sa labas."

Bumalikwas siya. "Sasamahan na kita. 'Tapos, samahan mo rin ako sa dorm?"

Tumango ito.

Ngumisi siya. "Yes!" Mabilis pa sa kidlat na nakalabas siya ng silid. Nauna na siyang lumabas ng bahay at ilang minuto pang naghintay bago naisara ni Zefro ang pinto. Hinintay niya ito. Tulad ng dati, sumenyas ito na mauna na siyang maglakad. Sa pagkakataong iyon ay walang isang hakbang ang pagitan nila.

"Ilang days ka dito sa city, Maestro?"

"Limang araw pero hindi ako laging nasa bahay. May mga inaasikaso rin ako sa labas. Sabado at Linggo, uuwi ako sa kubo ko."

The Maestro (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon