- 16 -

37 3 3
                                    

—HYEONGJUN

Pagkatapos ng paguusap namin sa chat ni Yohan hyung nagmadali na akong pumunta ng cafeteria, saktong dating ko ako nalang pala ang inaantay dito puro kami 00 liner hanggang 04 liner dito since magkalapit lang ang building ng jhs at shs students.

"Andyan na si Hyeongjun! Finally!" Pag cecelebrate ni Dongpyo, dahil halatang mga gutom na sila. "Pasensya na kayo ah kausap ko pa kasi si Yohan hyung kaya natagalan ako", buti nalang at naintindihan nila, magsasalita pa sana ako kaso inunahan ako ni Clare "Wag kana bumili ng lunch mo nabilhan kana namin ang tagal mo kasi e". "Oo nga hyung, kanina pa ako gutom ayaw lang namin maunang kumain kasi yun yung sabi ni Wonjin hyung" pagpapaliwanag ni Dohyon, kaya medyo nakonsensya ako kasi inantay pa nila ko. "Alam niyo kumain na tayo, umupo kana Hyeongjun para makakain kana din" utos ni Minkyu kaya nagdiwang naman ang lahat at nagsimula nang kumain.

"Clare di pala kita masasabayan pag uwi mamaya ha" Napalingon naman agad sila saking lahat na tila mga nagtataka kung bakit ko yon sinabi. "Wala naman tayong meeting mamaya ah? Bakit di ka sasabay?" Nagtatakang tanong ni Eunsang, magsasalita pa sana kaso inunahan na naman ulit ako ni Clare. "Okay lang yun baliw, sasabay nalang ako kila Solace tutal miss ko na yung dalawang baliw na yun", nakampante naman ako nung sinabi niya yon kaya nagpaliwanag narin ako kung bakit di ako makakasabay. "May mini celebration daw kasi tayo mamaya sabi ni Yohan hyung, lahat tayong X1_Ma boys" napa ahh naman sila sa sinabi ko "After class ba?" Tanong ni Minhee "Malamang, alangan namang bukas diba hay nako Minhee hyung" pambabara sa kanya ni Donghyun. "Ikaw ba kausap ko? Si Hyeongjun kausap ko e, kainis to" natawa nalang kami sa kanilang dalawa minsan talaga di maiwasan ng dalawang to magaway lalo na kung related kay Yunseong hyung. "Tumahimik na nga kayong dalawa nasa harap tayo ng pagkain magaaway pa kayo" pag awat sa kanila ni Yunseong hyung. Nag agree naman kaming lahat sa sinabi ni hyung kaya itong dalawa natahimik din, ba naman si hyung lang naman makakaawat sa kanilang dalawa everytime na nagaaway yan.

Habang nakain kami may biglang sumulpot sa may likod ni Clare which is nasa harap ko kaklase niya ata to e, kinalabit naman siya nito kaya napalingon kaming lahat. "Oh Hyunsuk, may sasabihin kaba?" Tama ako classmate nila hehe. "Uhm may nagpapabigay kasi sayo nitong Hershey's Milktea, peace offering niya daw dahil sa pagkabungguan niyo daw kanina" medyo nahihiya pa siya nung sinabi niya yon pero inabot niya na kay Clare na mukhang nagulat naman sa sinabi nito. "Ah sige Hyunsuk salamat" nginitian niya naman ito at tumango nalang yung kaklase niya, nagbow rin siya samin tsaka umalis sa table namin. "May nakabungguan ka kanina?Sino?", nagtatakang tanong ni Wonjin hyung sa kanya, "Ah..oo si ano..", "sino?" Dugtong ni Jungmo hyung. "Si..Hyeonsu..", nagaalanganin niya pang sagot, ako naman naalarma agad dahil sa sinabi niya. "Bumalik na si Hyeonsu hyung?" Tanong ni Jinwoo, pero ang tumango lang sa kanya ay si Junho dahil kami palang ang nakakaalam nun bukod sa mga nasa college building. Dahil puro sila mga mukhang madaming tanong sa utak nagsalita na si Junho, "Kanina lang siya bumalik, sinabi lang sakin ni Yohan hyung at alam na ng mga nasa college building yung about sa mga bagong transferees sa kanila, nasabi ko na rin to kay Hyeongjun kasi si Yohan hyung mismo nagpasabi na sabihin agad sa kanya.". Lahat naman sila napatingin sakin pati narin si Clare, "Alam mo na?" tanong niya. "Oo pero kanina ko lang din nalaman", "Anong gagawin niyo Hyeongjun?" Dagdag na tanong pa ni Tony. "Di ko pa alam kay Yohan hyung, baka mamaya malalaman natin" nag okay naman silang lahat, kaya nagpatuloy na kami sa pagkain. Iinumin na sana ni Clare yung milktea kaso kinuha ko na agad "Hoy milktea ko yan." Kaya tinaasan ko siya ng kilay "Ibibili nalang kita ng bago itatapon ko na to", kaya tumayo ako para itapon yun sa trash bin. Pupunta na sana ako sa Milktea stall kaso pinigilan niya ko, "Wag na, may tubig naman ako okay na to" binigyan niya naman ako ng satisfied look with smile kaya nginitian ko naman siya at umupo nalang ulit.

"Sana all may lovelife." Hirit ni Hyunbin, kaya natawa naman kami sa kadramahan niya "Alam mo kumain kana lang pare-parehas lang tayo dito walang lovelife maliban kay Hyeongjun" banat sa kanya ni Suhwan hyung. "Pati kay Junho kaya" singit ni Changwook at Dongyun na natatawa sa sinabi nila, at halos lahat samin nagets yun pati si Clare kaya nagtawanan kami maliban kay Junho na nakapoker face ngayon. "Nananahimik ako dito ha, umayos kayong dalawa dyan", bawi ni Junho sa kanila at pinagpatuloy nang kainin ang pagkain niya. Nagpatuloy narin silang lahat sa pagkain ng mga binili nila, habang naguusap ng kung ano ano, pero ako tumingin muna kay Clare na saktong lingon niya din sakin at nginitian na naman ako. Lumakas na naman kabog ng dibdib ko kaya, nakisali narin ako sa kanila bago pa ako asarin ng mga bugok na to.

Poprotektahan kita Clare promise ko yan sayo, I love you and i'll keep you no matter what happen.🦋

- 💫 -

a/n : Hyunsuk ng CIX hehe, tamang promote lang ng movie star yiz naman xist.

keeper. | song hyeongjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon