- 20 -

31 3 32
                                    


—CLARE

Nakauwi na ako sa bahay, pero wala parin si Kuya baka mamaya pa ang uwi non nagpaalam na muna ako kay manang na sa kwarto muna ako para magpahinga saglit. Nagchat yung tatlo sa group chat na mga nakauwi na sila, sabi ko naman magpapahinga muna ako dahil medyo kulang ulit ako sa tulog. Napagusapan pa naman kanina na paano kung bumalik yung isa, hindi ko nga alam kung anong gagawin ko pag andito na naman yun e, baka bumalik lang yung nangyari sakin noon. Sa ngayon ayoko muna magpaka stress tungkol sa kanila, matagal nang tapos yun at kung sino yung mga importanteng tao na hindi ako iniwan sa kanila ko itutuon atensyon ko. Not with the two of them anymore.

Nang makapagpalit ng suot at humiga sa kama ko, biglang tumunog yung phone ko mukhang may nag message.

Kang Hyeonsu
active now

Hyeonsu : hi rei ❤️

Clare : what the fuck? |backspace

Clare : what do you want?

Hyeonsu : i need you.

Clare : itigil mo nga yang kalandian mo, sa girlfriend mo yan sabihin wag sakin.

Hyeonsu : wala na kami ni Bella.

Clare : dapat ba akong matuwa? |backspace

Clare : sml?

Hyeonsu : sungit mo naman

Hyeonsu : btw, nabigay ba sayo nang kaklase mo yung favorite milktea mo?

Clare : nabigay niya

Hyeonsu : ayun good, peace offering ko yun for you kasi di ko talaga sinasadya na mabunggo ka, nagmamadali kasi ako kanina e.

Clare : pero di ko nainom

Hyeonsu : WHY?

Clare : tinapon ko, hindi ko na favorite yun

Hyeonsu : i'll buy you another one, ano na bang favorite mo?

Clare : di mo na kailangan malaman pa

Hyeonsu : i need to know

Clare : no you don't

Hyeonsu : because i will court you again.

Clare : t-tangina? |backspace
seen

Kim Clare logged out

Hyeonsu : kahit umayaw ka pa wala ka ring magagawa, dahil in the end tayo padin ang pinagkasundo. |backspace

keeper. | song hyeongjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon