- 33 -

24 3 10
                                    

—CLARE

Ang aga ko ngayon sa totoo lang, ginanahan ako e simula nung magbati ulit kami ni Hyeongjun, though small problem lang naman nagkaayos na agad kami. Sabay kami ngayon baka nagaantay na yun sa labas or papunta pa lang. Lumabas na ako ng kwarto para magalmusal pag ka baba ko nakita ko si kuya kumakain nadin. Wow ang aga niya na din ha pansin ko lang nagiging maaga na to magising hmmm i wonder kung dahil kay— okay shut muna. "Ang aga mo ngayon ah, oh kumain kana dyan" proud na sabi ni Kuya, kala mo talaga mabait e. "Pansin ko lang bakit ang aga mo na din, di halatang magkapatid talaga tayo no?" bawi ko naman sa kanya, "Masama ba magbagong buhay?, Tsaka kailangan ko rin to dahil ako na nga yung President sa council namin" kaya napa ahh nalang ako siya naman tinuloy na niya yung pag ubos sa kinakain niya habang ako naghahain palang. Mabagal naman kasi siya kumain kaya pag tapos niyan ilang minuto lang din tapos na ako.

Habang nakain kami ng tahimik bigla nalang napatigil si Kuya sa kinakain niya, na para bang may nakalimutang sabihin. "Oh kuya? Bakit ka napatigil dyan?", kaya medyo natauhan siya sa sinabi ko at biglang nagsalita "Nakalimutan ko palang sabihin na mamaya na uwi nila mama at papa, kaya ayusin mo na kwarto mo baka makalat yun nako ichecheck pa naman ni mama mga kwarto natin" medyo nagulat ako pero okay naman sakin na umuwi sila since ilang buwan din silang wala dito at si manang lang kasama namin minsan. "Kuya yung kwarto ko laging malinis, ewan ko nalang sa kwarto mo" pang aasar ko sa kanya. Siya lang naman makalat samin e, idadamay niya pa ako sa pagpapaalala niya "Edi wow, dalian mo na dyan feeling ko may tao na sa labas e" kakatapos niya lang kumain kaya tumayo muna siya para tignan kung tama yung sense niya, ako naman inubos ko na yung kinakain ko.

"WHAT THE?!, BAKIT ANDITO KA HA?!" nagulat naman ako sa sigaw ni kuya, minadali ko nang tapusin yung kinakain ko at uminom ng tubig para pumunta sa may pinto. Pagka punta ko naman dun, pati ako nagulat dahil hindi lang naman si Hyeongjun na nakabusangot ang nandito. PATI SI HYEONSU TUPANGINA.

"Hi Clareee!, tara na kanina pa ako nagaantay dito" from busangot to pacute na mukha ni Hyeongjun. Lmao bakit ang cute? "Hi reiii! sabay na tayoooo wala kasi akong kasabay, kaya pinuntahan na kita dito" biglang singit naman ni Hyeonsu. Jusko naman porket nagkaayos na kami bumalik na naman siya sa dati, di ko naman siya pinayagang manligaw e T_T.

"No!Kami ang sabay!" Hyeongjun

"Bakit bawal ba akong sumabay?" Hyeonsu

"Oo bawal!" Hyeongjun

"Di kita nanay para sundin" Hyeonsu

"ARGH sinabing sakin siy—" Hyeongjun

bakit ang cute nila mag away? Kaso naririndi na ako e.

"PWEDE BA TUMIGIL MUNA KAYONG DALAWA?"

"para walang away sabay na tayong tatlo, tumahimik na kayo ha"

Kinuha ko muna bag ko  at aakmang magpapaalam at aalis na sana kaso pinigilan ako ni kuya sa harap nila, kaya pati silang dalawa nagtaka. "Hindi kayo maglalakad. Sa akin kayo sasabay para sure na safe.", lalo pa akong nagtaka dahil ang seryoso niya pero wala naman akong magagawa kasi nakakatakot talaga siya pag seryoso. "Hyeonsu hyung, sa front seat ka umupo, Hyeongjun and Clare sa back seat kayo umupo" tumango naman ako, si Hyeongjun tuwang tuwa pero si Hyeonsu medyo disappointed wala naman kasi siyang magagawa e, naging overprotective sakin si Kuya dahil din sa ginawa nila noon sakin. Di nalang siya umangal alam niya rin kasing seryoso si kuya kahit tinawag padin siyang hyung, kaya sa harapan na siya sumakay at kami naman ni Hyeongjun sa likod nila.

keeper. | song hyeongjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon