- 14 -

28 1 0
                                    


—HYEONGJUN

Binaba agad ni Clare yung tawag may nakabungguan daw siya, di na ako nagtanong kasi magkukwento naman yun sakin. Inayos ko nalang yung papel na kailangan namin dito student council, ako muna ang nandito si Wonjin hyung na President naglilibot sa buong building may kailangan siyang iannounce sa bawat room kasama niya si Minkyu which is our Vice President, since Secretary ako sakin nakaassign itong mga papel na need sa student council. Habang nagaayos ako biglang pumasok si Junho na hingal na hingal.

"Oh? Mr. Treasurer what are you doing here?". Lakas ko makaenglish wow, tiningnan niya naman ako ng masama kaya okay seryoso siya tahimik na ako. "Wag mo kong ma english english dyan, may pinapasabi si Yohan hyung sayo." Bigla naman akong kinabahan kasi for sure about ito kay Clare, "Bakit may problema ba?" , nagtataka kong tanong sa kanya. "Bumalik na si Hyeonsu hyung, nagchat sakin si hyung na nasa meeting pa sila kasama yung Head Professor, at pinagusapan nila yung about sa mga bagong transfer sa college building."

Di ko alam kung magugulat ba ako o hindi dahil napagusapan na namin siya ni Clare last week, na paano kung bumalik si hyung para sa kanya. Ayoko namang bumalik yung trauma niya noon, hindi ko naabutan yung pinaka buong pangyayari kay Clare noon dahil kakatransfer lang namin galing SU (Starship University) that time. "Hyeongjun, tikom mo yang bibig mo baka pasukan ng langaw." ngumisi pa siya pagkasabi niya non, edi ako na naka nganga hays. "May pa ngisi ngisi kapa dyan, umalis kana nga ako na kakausap kay hyung mamaya about sa pagbalik ni Hyeonsu hyung." Tumango nalang siya kasi tamad magsalita yan robot nga kasi diba. Joke lang, sabi niya tao daw siya hindi robot may feelings daw siya.. kay Kyline HAHAHAHAHA.

Okay nababaliw na naman ako, parang hindi problemado sa kung ano pwede mangyari dahil sa pagbalik ni Hyeonsu hyung dito sa PDX University.

After a few hours has passed..

—CLARE

Nakatunganga lang ako ngayon habang nagdidiscuss yung teacher namin, wala ako sa mood makinig dahil sa nakita ko kanina. Bakit pa siya bumalik? Umalis na nga lang siya na parang bula na, tapos after ilang months kasama na niya yung impaktitang babae na dahilan kung bakit nasira yung relasyon na meron kami. Oh diba? para akong tanga na naiwan dito, traumatize pa sa nangyari sakin noon. Andami kong gusto itanong sa kanya, pero wala na akong lakas ng loob dahil sa nalaman kong sila na pala. Yung mga pangako niya napako na, buti nalang hindi ako iniwan ng mga taong importante sakin lalo na nung dumating si Hyeongjun dito, siya yung pinaka tumulong sakin para maging okay kalagayan ko.

"Besh, kanina ka pa nakatunganga dyan." Nagulat ako nang biglang may magsalita, si Dongpyo lang pala "Tinatamad ako makinig e tsaka hindi lang naman ako, tignan mo mga kaklase natin mga inaantok na". Nilibot niya ng tingin yung mga kaklase namin at napagtantong mga inaantok nga, "Nakakatamad naman kasi sir mag discuss jusme, tapos nagugutom na ako" natawa naman ako sa sinabi niya, matanda na kasi tong teacher namin ang hinhin pa magturo buti nga hindi siya strikto e. "Pyo, kakabreaktime lang natin kanina, gutom kana agad? ang takaw mo talaga ano" , "Gurl kanina pa yun at tanghali na oh malapit na mag 11:30, gusto ko na maglunch" Di ko rin pala namalayan na kanina pa pala kami nagvacant at malapit na maglunch, alam na kaya ni Hyeongjun na andito si Hyeonsu?, e si Kuya kaya? hays.. nagulat ako nang bigla akong hinampas ni Pyo kaya hinampas ko siya pabalik pero napalakas kaya napalingon si sir, magsasalita pa sana siya kaso nagring na yung bell kaya nakahinga ako ng maluwag. "Okay class dismissed, ituloy nalang natin itong discussion bukas, Ms. Kim and Mr. Son make sure na nakikinig kayo sa discussion, next time na makita ko pa kayong ganyan ipapatawag ko na kayo for detention. Goodbye everyone" nagpaalam na kami kay sir at since lunch time na lumabas na kami ni Dongpyo para pumunta ng cafeteria doon nalang namin sila iintayin lahat.

keeper. | song hyeongjunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon