—CLARE
Kasama ko na silang tatlo at papunta na kami sa milktea cáfe na lagi naming tinatambayan, di naman malayo sa school kaya nilalakad nalang namin. Pagdating namin sa cáfe naghanap na sila ng table ako naman pumunta sa may cashier para umorder, "Hi ma'am clare, ano pong order niyo?" kilala na kami dito since lagi kaming tumatambay dito, minsan nga pag may project kami dito narin kami gumagawa ang komportable kasi dito. "Hello, can i order yung milktea na lagi naming binibili?", tumango naman siya at nagsalita na "Yun lang po?" tumingin ako sa menu nila and since available yung isa ko pang favorite ayun yung pinadagdag ko, "Isang order ng cheesy nachos and fries, yung good for four", "Okay ma'am , the total of your bill is 780 pesos po". Inabot ko naman yung 1000 peso-bill ko then kinuha yung change at receipt, at tsaka bumalik sa table namin.
"Anong inorder mo?" Bungad ni Yna, "Edi yung palagi nating inoorder, Two Hershey's , One Wintermelon, and One Cookies n' Cream Milktea. Tapos nagadd ako ng cheesy nachos and friens kasi kanina pa ako nagcacrave don" umoo naman sila sa sinabi ko then puro kami nagcecellphone while waiting sa order namin. After ilang minutes, dumating narin yung mga foods namin tapos pagkaalis nung waiter nagsimula na kaming kumain at magchikahan. "Clare, ano palang nangyari kanina nung magkabungguan kayo?" Tanong ni Kyline "Di ko agad siya nakilala since kausap ko si Hyeongjun sa phone that time, pero nung magkabungguan kami sinabi ko muna kay Hyeongjun na ieend ko muna yung call tapos ayun pag ka sabi ko sa kanya na di man lang siya nagsorry, lumingon siya sakin sabi sorry daw nagmamadali siya babawi nalang daw siya sakin.", yung mga reaksyon naman nila di mo alam kung okay ba sa sinabi ko or hindi, picturan ko sana kaso baka ako ang mapagtripan kaya seryoso mode muna. "May pa bawi bawi pa siyang nalalaman, e nawala na nga lang siya bigla. Naiwan kang may trauma sa nangyari sayo noon, buti nga lang andito kami at dumating si Hyeongjun nun e. Paano nalang kung di sila nagtransfer sa school natin, edi hanggang ngayon nagluluksa ka padin." inis na sabi ni Solace habang iniinom yung milktea niya. "So ano bumawi ba?" dagdag na tanong ni Yna, "Nung lunchtime nagpaabot siya kay Hyunsuk ng hershey's milktea, kaso nung iinumin ko na sana kinuha ni Hyeongjun tapos tinapon niya. Ibibili nalang daw niya ko ng bago". "Tama lang naman yung ginawa niya, lalo na kung Kuya mo ang nakakita non baka iaabot palang sayo pinatapon niya na agad sa inutusang magabot sayo nun" pagpapaliwanag ni Yna. Kaya lahat kami nakatingin sa kanya at nakangiti na para bang may halong pangaasar, tinarayan niya lang kami at nagsabing "What? Aasarin niyo na naman ako kay Yohan? I'm over with him. Naka move on nako, wag kayong ano dyan"
"Masyado ka namang defensive HAHAHAHAH", pang aasar ni Kyline sa kanya kaya natawa na lang kami ni Solace, si Yna medyo napahiya sa sinabi niya pero agad na nagpokerface ulit, kaya nagpatuloy nalang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan tungkol sa kung anong ganap na sa buhay nila.
BINABASA MO ANG
keeper. | song hyeongjun
Fanfiction"could i keep you forever?" [ x1 series : 1 ] -taglish start : 070919 end : -