Chapter 7: My Two Targets

172 9 0
                                    

KHALEB

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang-dama na ang ugong nito...

Emo na naman ako samantalang ka-lalaki kong tao. Yung kanta kasi ng Up Dharma Down, kakaiba ang mga liriko, habang pinapakinggan parang lalong nakakapagparamdam ng iba't ibang emosyon. Tinanggal ko ang earphone ko, may kumakatok. Maaga pa naman, sino naman sa apprentice ang darating ng ganitong oras?

Bubuksan ko na pero sana hindi siya, ayaw kong ganito kaaga siya ang makikita ko. Baka masira na naman ang buong araw ko.

CAMILLA

Nandito ako sa pinto ng The Patriot Publication Office, naisip kong sumali dahil nalaman ko nga na ang dalawang pwedeng si Henry Fission ay parehong editorial staff dito.

Ilang beses na'kong kumakatok, wala pa atang tao sa loob, napaaga ata ang punta ko. Aalis na dapat ako nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

Humarap ako and I'm quite sure he's Khaleb. This time dapat ngumiti ako at maging sweet sa kanya dahil kailangang mapalapit s'ya sa'kin, mas okey kung mahuhulog ang loob ng lalaking 'to sa akin. Bakit, maganda naman ako ah. Marami kayang nanliligaw sa akin pero deadma lang ako. Hindi ako interesadong magkaroon ng boyfriend, pero kung yun ang paraan para makaganti sa lalaking nagpalungkot sa mommy ko sa mga huling araw ng buhay n'ya, bakit hindi?

Hinawi ko ang buhok ko, humarap ako sa kanya showing my sweetest smile, pati boses ko ginawa kong mahinahon unlike the first time na nagkita kami sa room na halos sigawan ko siya.

"Hi! Pasensya na kung naka-ilang katok ako o naistorbo kita, I just want to know if pwede akong sumali dito sa publication. Matagal na akong nagsusulat sa school paper namin but I transferred here yesterday. Gusto ko lang ituloy yung pagsusulat ko."

Ewan ko ba, para akong tanga kasi habang nagsasalita ako, nakahawak ako sa ID lace ko. Kinakabahan ba ako? Kung oo, bakit naman?

"Ano bang forte mong isulat, we only need layout artist and photo journalist, kung hindi mo yun kaya, maghintay ka na lang sa ipopost namin sa bulletin."

Gusto ko sana siyang tanungin na bakit parang ang sungit n'ya kaya lang hindi ko pwedeng pairalin ang pagiging maldita ko, kaya dali-dali akong sumagot.

"Marunong akong kumuha ng larawan at magsulat ng caption. If you want, I can show you some samples of my shots."

*************************************

KHALEB

Pamilyar sa'kin ang taong 'to, oo s'ya nga yung bagong classmate ko na namilosopo sa akin. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, gusto niyang sumali at maging apprentice ko.

Mas okey naman pala s'ya kapag nakangiti e, kahapon kasi kulang nalang malusaw ako sa sobrang sama ng titig n'ya sakin. May malalim pa siyang dimple bagay sa maamo niyang mukha. Light lang yung make-up niya hindi kagaya ng mga nakikita ko sa campus na mukha ng clown sa kapal ng blush on at lipstick. Teka lang, hindi naman ako bading pero kaming mga lalaki, marunong din kaming mag-critique kung bagay ba sa kababaihan yung make-up nila sa mukha.

"Di ba ikaw yung kaklase ko na naabutan kong nakaupo sa silya ko kahapon?"

"Oo, sorry pero hindi ko sinasadyang umupo dun."

"Sige, ayos na yun. Pwede ka ng pumasok at magregister as our new photojournalist. Yung mga shot mo makikita ko rin naman kasi malapit na yung founding anniversary ng pamantasan kaya icocover mo yun."

"Talaga? Thanks! Sige, I'll do it just inform me kung kelan."

*************************************

CAMILLA

Antipatiko! Ako pa ang nagsorry samantalang s'ya di man lang humingi ng pasensya sa manner n'ya. Sapakin ko kaya 'to. Kalma lang Camilla, ang mahalaga isinali na n'ya ako rito sa pub.

Ilang saglit pa, nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Grabe, sinipa ba o talagang mabigat lang ang kamay ng papasok? Kulang nalang lumipad yung pinto.

"Bakit ba ang kulit mo ha Khaleb? Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na huwag mong papakielaman yung mga libro sa locker ko!"

High blood yung guy, hindi ko s'ya agad natignan para kasing nakakatakot siya. Dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko para makita siya.

Nahatak ko yung ID lace ko, siya yun, yung isa pang guy na dapat kong mahanap, si Enrico Tuazon, ang top 3 sa campus crush at literary editor ng pub. Parang gusto kong mahimatay, ang gwapo naman ng lalaking 'to sa personal. Tama ako, hindi siya purong Pilipino, ang tangos talaga ng ilong niya at maputi. Mukha siyang suplado o dahil lang ba galit siya.

"Gaano ka naman kasigurado na ako ang nakialam n'yan? Yan ang problema sayo Enrico, padalos-dalos kang mag-isip!"

"Huwag ka ng magdahilan, hindi na magbabago isip ko, ikaw lang, wala ng iba. Binabalaan kita, kahit EIC kita..."

Napatigil si Enrico nang mapansin niyang naroon ako sa loob ng pub, napatungo ako, ayaw kong isipin niya na usisera ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, nakakatakot pala makawitness ng isang lalaking galit na galit yung kulang nalang sapakin n'ya sa mukha yung kausap niya.

"Kapag naulit 'to, aabot tayo sa punto ng pisikalang laban. Kayang-kaya kong patulugin ka ng suntok."

"Akala mo ba natatakot ako ha? Sino ka ba sa akala mo Enrico, bakit kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka?"

Tumunog ang lamesa, nahulog yung mga ballpen at gumulong sa sahig. Pati ba naman ang walang muwang na mesa, dinadamay? Luluhod sana ako para damputin pero biglang may humawak ng kamay ko. Nang tignan ko, si Enrico, ang lambot ng kamay niya, pero malamig. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

"Miss pwede bang lumabas ka muna, gusto ko sanang dalawa lang kaming mag-uusap dito."

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon