Chapter 15: Behind the Name

156 4 0
  • Dedicated kay Jessica Buñales
                                    

HENRY FISSON

“There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment.”     

Hindi ko plinanong mahalin siya, nagkataon lang na tumibok ang puso ko noong oras na una ko siyang nakita. Umiiyak siya noon dahil sa pagkakaunawa ko yung taong gustong-gusto n’ya ay hindi niya katulad ng nararamdaman. Madalas siyang binabalewala at hindi pinapahalagahan.

Nakaupo siya sa lilim ng punong ito na madalas kong puntahan, nang makita niya ako, mabilisan siyang tumayo’t yumakap sa’kin. Tila huminto ang oras at bumulong s’ya sa akin, bakit siya pa, bakit ang sakit sakit na?

Type. Save. Post.

Gaano karaming beses kong uulitin ang ganitong uri ng mga sulatin na nagpapahayag ng bigong pag-ibig na kailanma’y di matutugunan ng sagot, ng haplos, ng tibok, ng saya.

**********************************

NADINE

 

“Ayokong pumunta sa Foundation Week, wala ako sa mood mag-documentation, tinatamad ako.” Malinaw na pagkakasabi ni Camilla.

Nagtaka ako, ilang oras na siyang malalim ang iniisip at pabuntong-buntong hininga.

 

“What’s the problem, are you not feeling well? Perhaps you should take a rest. Iuupdate nalang kita sa mga lecture.”

 

“Hindi talaga ako okey, nababanas ako. Si JM Lacanaria yung president ng Student Council, si Enrico Tuazon at si Khaleb Jao, silang tatlo pinasasakit nila ang ulo ko.”

 

“Are you sure na isa sa kanila si Henry Fission ha? What if you are just wasting your time to the three of them?”

 

Hindi siya sumagot sa akin at ayos lang alam kong naguguluhan na rin siya. Ayoko nang dumagdag pa at sana makatulong ako sa kanya.

“Si Khaleb, he rejected me. I told him na gusto ko siya but his response annoyed me, he wants me to stay away from him.”

 

I stared at her and deep inside me parang may kung anong pakiramdam ng tuwa. Nagkibit-balikat ako, hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya.

“And I think hindi si Khaleb ay hindi si Henry.”

 

“Bakit mo naman yan nasabi Camilla?”

 

“Hindi ko rin alam, ewan ko, basta.”

 

Maya-maya’y naramdaman naming may parating, ibinaba ko itong book na hiniram ko sa librarian, iniangat ko ang ulo ko. Nakita ko na si Enrico ang umupo sa harapan namin, hawak niya ang librong: The Love Made in Italy.

 

Napansin kong parang sa tula na nirecite n’ya last time nabanggit din n’ya ang Italy, anong meron sa bansang iyon. Teka lang…

“Kate, tara, samahan mo ako sa café shop, dun kasi malakas ang signal ng internet ko, may isesearch tayo.”

 

Wala naman siyang reklamo at agad na tumayo para samahan ako. I opened my ipod and search on the google. I typed the word Henry Fission, ito ang ilan sa mga lumabas na information:

- Henry’s Law Constants for Dissolution of Fission Products in a Silicate Fallout Particle Matrix

- An excerpt from Henry Gives Up His Room, published in The Secret Life of Fission and Descendant.

Itinype ko naman sa ang name meaning, nag-open ang link sa Behind the Names tinype ko ang ENRICO:

Gender: Masculine

Usage: Italian

Meaning: Italian form of Henry. Enrico Fermi was an Italian physicist who did work on the development of nuclear bomb.

 

Ito na yun, yung sagot, ang Enrico ay Italian word na ang iba pang kahulugan ay Henry. More to this, Henry is associated to a mathematician who works on Fission products.

HENRY, FISSION, ITALY = ENRICO

 

Ipinabasa ko kay Camilla yung mga kinopy ang paste ko na details, nakita kong nakapokus siya sa mga iyon.

“Hindi ba masyadong madali ito para ganun ganun lang Nadine? Parang kung ang pagbabasehan natin ay ito, oo si Enrico nga si Henry Fission…”

 

Hindi ko na siya pinatapos sa mga sasabihin pa n’ya ako na ang nagsalita.

“Kate, magaling siyang magsulat remember sa prefinals natin kay Mrs. Magpusao, he made a poem on the spot, literary editor siya which proves that he is good in writing short stories. He is here in Patriot University, one of the campus crush. He is so mysterious, tahimik most of the times. So what makes you not think na hindi siya si Henry Fission ha?”

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon