Chapter 4: Transferee Mode

228 8 2
                                    

CAMILLA

Humikab na ako ng ilang beses bago dumating si Mr.Rivera, ang alam ko nasa 40's na siya pero kung titignan ang mukha n'ya he look younger. Siguro nung binata siya, maraming girls ang nainlove sa kanya. 

"How are you Miss Sanchez, sorry for the long wait."

" I'm good, natagalan nga lang po kami ng bestfriend ko sa paghihintay sa'yo kaya sana makuha ko yung mga useful info."

Tinapik ni Nadine ang balikat ko, meaning I sounded rude pero totoo lang naman ang sinabi ko.

"Again my apology. Isa pang dapat kong sabihin, bigo tayong malaman ang real name ni Henry Fission. Loyal ang publisher sa pagsecure ng identity n'ya parang yung pagtatago ng isang publisher ng tunay na katauhan ni Bob Ong. Malaking pera na ang inilabas mo but the only thing we have found out: isa talaga siyang lalaki, a college student dito sa university na ito."

Focus lang ako sa pakikinig tapos may iniabot siyang folder sa akin.

"Kung babasahin mo ang ilang part na yan sa isang story n'ya, he described some of his interest at may ilang lugar na karaniwan niyang binabanggit na madalas niyang puntahan. I'm not sure if he changed some of the details, if those are just fiction."

                                                ***********************************************

NADINE

Ang pogi ni sir Rivera, saka halatang matalino. Yun nga lang after siyang makausap ni Camilla, halatang lutang na ang utak ng bff ko habang hawak ang folder at tulala.

"Konting minutes na lang, our class is about to start."

                                      ***********************************************

 CAMILLA

Sumakit bigla ang ulo ko sa mga narinig ko, daig ko pa ang nagbabasa ng Special Section ni Onneechan at iniisip kung sino yung tunay na killer. Hay naku, parang suntok sa buwan na makilala ko yung gagong Henry Fission na yun ah! Paano ko magagawang maghiganti sa kanya? 

"Class these two ladies are transferee, please introduce yourselves."

Nasa harapan na pala kami ng mga new classmate namin. Nakapagsalita na si Nadine then tinapik na niya ako, it's my turn.

"I'm Camilla Kate Sanchez." 

Naghihintay sila kung may susunod pa akong sasabihin pero wala na ako sa mood magsalita. 

"Yun lang ba Miss Sanchez, how about your interest para naman makilala kapa namin." sabi ni Mrs. Magpusao, ang prof. namin sa Creative Writing.

"Mahilig po akong magsulat ng tula, yun lang po." 

"Alright, class again Miss Nadine Villora and Miss Camilla Kate Sanchez, your new classmates."

"Buti naman may mga bago tayong makakasama, by the way I'm Harjit Seso." 

"Ako naman si Bianca Sevilla, Student Council Secretary ng ating university." 

Mukha namang okey ang mga kaklase namin, may mga kumaway at nagpakilala habang naghahanap kami ng mauupuan. 

May apat na bakanteng silya sa likod, I put my bag on the floor, huminga nang malalim. "Nandito ka kaya, kung oo, sino ka sa kanila, kung wala, nasaan ka?" naibulong ko sa sarili. 

"Excuse, upuan ko yang inuupuan mo." 

Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita, isang lalaking matangkad na may pagkasingkit ang mga mata, makapal ang kilay pero nasa tamang kurba, ang kinis pa ng balat. Nakabukas ang botones ng polo n'ya,  nabasa ko yung statement sa panloob nyang shirt: "Some words are better left unsaid.

"You didn't hear what I've said, upuan ko yan." nakasimangot na siya habang sinasabi 'to. Saka lang ako napatayo, tinignan ko siya ulit  at masama na ang titig n'ya sa'kin. 

"Sorry, I'm not aware na iyo to kasi wala namang pangalan 'tong upuan." Napansin kong natawa yung ilang new classmate kong lalaki na nakarinig sa sinabi ko. Pero yung ibang babae napataas ang kilay sa'kin, don't tell me ako pa masama sa sinabi ko e itong lalaking nasa harap ko ang presko't ungentleman. 

Lumipat ako sa tabing upuan, then nagtaas ako ng kamay saka ako nagtanong, medyo nilakasan ko ang boses ko at halatang naiinis.

"Ma'am may nagmamay-ari ba ng upuan na'to?" 

"Wala naman, sige Miss Sanchez, d'yan ka na umupo." 

Binalikan ko ng tingin yung antipatikong lalaki na yun and by that time nagsusulat na siya. Ang sarap n'yang pektusan!

                                                 *************************************

KHALEB

Mali bang paalisin ko siya, dito naman talaga ako nakaupo at dito ako komportable. Kesyo wala raw ritong pangalan ko, pinipilosopo pa'ko. Bakit naman magkakaroon ng transferee ngayong pasembreak na, dalawa pa sila.

Kinuha ko na lang notebook ko para hindi mabadtrip. Naku naman, kailangan ba talagang sulyapan niya ulit ako nang masamang tingin? Ano bang problema ng babaeng 'to?

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon