Chapter 13: Random Thoughts

150 6 2
                                    

FLASHBACK

“Bakit kayo magkasabay pumasok kanina ni Khaleb saka hawak pa n’ya kamay mo? May hindi ka ba sinasabi sa’kin Nadine?”

“Kasi sabi niya terror terror daw si Sir Oliveros then even me, nagulat nung hinahawakan niya kamay ko at nagmadaling naglakad. I hope you are not mad at me, I am not trying to get close to him Kate, I don’t wanna ruin your plan.”

“Of course I know, you’re my bestfriend Nadine. Kaya nga kita kinakausap ngayon to make things clear. Gusto mo ba na ikaw na lang ang magpahulog ng loob ni Khaleb tutal naman parang mas malaki ang chance na magustuhan ka n’ya kaysa sa’kin.”

“No, I don’t like, kaya mo naman yan Camilla. I’ll be your support pero hindi ko kaya na ako mismo ang gagawa n’yang balak mo. Please lang…”

“Salamat Nadine, salamat bestfriend.”  

*********************************

CAMILLA

Lumabas ako ng campus at natuklasan ko sa aking paggagala ay mayroong malaking puno ng mangga na may lilim, pwedeng upuan ng mga taong emo kagaya ni Henry Fission. Isa lang yung punong ganun na malapit sa campus, gusto kong subukang umupo kaya lang mag-isa naman ako. Si Nadine kasi kinailangang umuwi agad dahil may pupuntahang debut ng pinsan n’ya.

Lalapit ba ako sa puno na yun, medyo nakakatakot baka kasi may kung anong lamang-lupa ang makita ko o kumuha sa akin at dalhin ako sa mundo nila. Biglang nawala yung takot ko nang masulyapan na may nakaupo roon at nakasandal sa malaki nitong sanga. May hawak pa siyang cup ng Starbucks, kaya sigurado akong tao siya at hindi lamang-lupa maliban nalang kung ganun na kasosyal ang mga yun ngayon na nagkakape na rin…teka lang, may naalala ako dun sa note ni Henry.

Ayaw ko ng maingay mas gusto kong hanggat maari bulong ng hangin at huni lang ng ibon ang naririnig habang humihigop ng mainit na kape.

Nakaramdam ako ng excitement na sa wakas ito na siya, makikilala ko na si gago, si Henry Fission. Habang papalapit ako sa kinaroroonan n’ya mas lalo akong nakumbinse na siya nga yun dahil may hawak siyang ballpen at notebook, nagsusulat siya.

Gusto ko nang makita ang mukha n’ya saka ko naisip na lumikha ng inggay para makuha ko ang atensyon n’ya.

“Aray ko ang dami namang antik dito, ang kati sobra, aray kinakagat ako ng mga antik.”

Nakita kong mabilis siyang tumayo at natapon yung kape at kumalat ito sa notebook niya. Nang humarap siya sa akin, nagulat ako sa kung sino ang nakita ko.

“Ikaw! Ikaw si….” muntikan ko nang maisigaw  buti nalang at napigil ko ang sarili ko.

“Miss Sanchez, ano namang ginagawa mo rito? Don’t tell me, ikaw naman ang stalker ko ngayon? “

Nairita ako at napasimangot bigla, bakit ba ang eengot na ng mga lalaki at mga feeling.

“Grabe ka naman JM, gusto ko lang namang maranasan ang simoy ng hangin dito sa lilim ng puno. Ikaw ba, bakit ka nandito? Madalas ka bang nagpapahangin at sumisilong rito para magsulat?”

“Teka lang Miss Sanchez, hindi dahil ngagandahan ako sa’yo ay papaulanan  mo na ako ng mga tanong.”

“Sorry nakalimutan kong ikaw nga pala ang SC President namin Juan Miguel Lacanaria, pasensyan na talaga.”

“I didn’t mean that way, sige I will answer your questions: nandito ako to finish my homework, oo madalas na nandito ako dahil tahimik, nagsusulat din ako kapag wala na akong magawa.” 

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon