Chapter 11: Strange Message

138 9 0
                                    

HENRY FISSION

Minsan ang hirap ipaunawa sa iba kung ano yung gusto mong maintindihan nila.

Binuksan ko ang account ko sa Express Journal, puro comments and messages ng mga reader na hindi matahimik kesyo sino raw ba talaga ako, na gusto nilang makipag-meet sa’kin, na sana daw mapapirmahan nila yung mga kopya ng libro kong binili nila. Bakit ba hindi nila mauwaan na gusto ko lang magsulat pero hindi ang magpasikat?

I never expected that my first story will caught everyone’s attention, that it will be the talk of the country. But I felt happy that some of the readers were inspired, some thanked me and some prayed for me.

Nagsimula akong mag-scan ng inbox, sa pagbabasa ng mga message kahit pa’no lumilipas ang oras ko nang di’ko namamalayan.

Open. Read. Delete. Paulit-ulit.

Kaya lang may isang message na hindi ko agad nabura. Someone sent this:

Henry Fission,

Because of you, the most important person in my life died with sadness. Are you happy now?

Natagalan bago ko magalaw yung mouse at maclick yung delete button. Gusto ko sanang magreply dahil sa mga tanong na nabuo sa hinagap ko, pero mas mabuti nang manahimik nalang.

Some words are better left unsaid.

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon