Chapter 16: First Kiss

163 4 0
                                    

CAMILLA

 Di’ko na namalayang nakauwi na pala ako rito at nasa kwarto ko na. Hinatid ako ni Nadine, wala na akong nasabi sa kanya. Bigla nalang akong napaiyak. Pumunta ako sa office ni mommy binuksan ang drawer n’ya, dito nakalagay yung manuscript ng mga kwento niya.

 Hinalungkat ko yung huling unpublished story na ginawa niya. Nakalagay yun sa pink colored envelope, yun kasi ang favorite color n’ya. I opened it at ang title ay:

“How Far Is Italy From My Heart?”

 Nagtaka ako kung bakit pati story ni mommy may Italy, ganoon ba talaga kasikat ang bansang iyon? Naguguluhan tuloy ako, binuklat ko ang mga unang pahina.

 Para sa aking bituin, Camille Kate, ang nagpaningning sa aking mga gabing mapanglaw. At sa aking pag-ibig, doon sa Italya.

 Nangilid ang luha sa mata ko, mommy, ikaw talaga, lagi mo po akong pinapaiyak. At sa aking pag-ibig, doon sa Italya. Sino naman ang tinutukoy mo rito? Ibig bang sabihin nasa Italya ang daddy ko? Si daddy na kahit kelan ay hindi na tayo binalikan?

 Inilipat ko ang sunod na pahina, may nakatuping papel na nakaipit, binuksan ko. Isang sulat. It came from someone whose name is Kenneth Angeles---hindi ako pwedeng magkamali, ito ay galing sa daddy ko.

 __________________________________________________________________

January 21, 2012

Trisha,

 Pasensya na sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko sa’yo at sa anak natin. Kung hindi mo ako mapatawad, mauunawaan kita. Pero gusto kong ipaalam sa’yo na nagsisisi ako na sinaktan kita. Patawad.

 Hindi ko naiwasang magmahal ng ibang babae, ng isang babae na nawala rin agad sa akin. Alam kong mas masasaktan ka lang sa mga nakasulat rito pero hindi yun ang intensyon ko Trish, gusto kong ipaalam sa’yo na minsan sa buhay ko nangyari ito. Hindi ko nagawang panindigan ang pagmamahalan natin pero napanindigan ko ang pagmamahal ko sa isang babaeng may taning na ang buhay. Binigyan ko siya ng dahilan para mabuhay, para malaman ang ibig sabihin ng pag-asa at nang iwanan n’ya ako, ginusto ko naring sumunod sa kanya.

 Trisha, yung naramdaman mong sakit, lungkot at hirap nang iwanan kita, siguro triple pa yun sa naramdaman ko. Kinailangang kong mabuhay rito sa Italy at hintayin itong oras na ako naman ang kunin ng langit. Anumang araw wala na ako sa mundo kaya gusto kong maiparating sa iyo na minahal kita, isa ka sa pinakamahalang taong naging bahagi ng buhay ko. Mahal na mahal ko si Camilla…..

 Napatak na ang luha ko hindi ko na mapigilan ang pagpatak, pinilit kong tapusin ang pagbabasa kahit basang-basa na itong papel.

 May anak si Erika na iniwan niya sa nanay niya. Umalis siya sa Pilipinas at hindi na nagpakita dahil ayaw niyang malaman nila na nagsasuffer na siya sa sakit, tuluyan ng kumalat ang lason sa kidney n’ya at kahit anong gawing dialysis hindi na mabibigyan ng lunas.

 Kung sakali man, sana maging magkaibigan sina Camilla at ang anak ni Erika dahil magkasing-edad silang dalawa.

 Paano ko makikilala yung anak ni Erika kung wala namang iba pang detalye na nakasulat rito?Gusto ko siyang makita, ito yung huling kagustuhan ni daddy, wala na naman yung galit  ko sa kanya dahil sabi ni mommy I must forgive him, things just really happen for a reason.  

                                                        *********************************************

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon