Chapter 5 Campus Crush ng Patriot University

192 9 1
                                    

NADINE

"Sana nagsorry ka nalang, first day natin here yet nang-away ka na."

Sinisermunan ko siya though I know na hindi naman siya nakikinig. 

"Ang cute pa naman n'ya Camilla."

Hindi man lang siya nagreact, busy lang siya sa pagbabasa nung mga papel na nasa folder na ibinigay ng detective kanina.

Napadaan kami sa malaking bulletin board then my attention was caught by a certain article na nakasulat: CAMPUS CRUSH. I stopped to see who they are, then I saw him, yung classmate namin na nagpaalis sa inuupuan kanina ni Camilla. 

"Khaleb Slanzar Jao, yun pala ang name niya."

                                                        *************************************

CAMILLA

May itatanong sana ako kay Nadine pero paglingon ko ang layo ko na pala sa kanya. Nandun siya at may binabasa sa bulletin. 

"Hoy! Tara na, gutom na’ko." She just ignored me, focus siya sa binabasa n'ya. I have no choice kundi lapitan siya. 

"Kate tignan mo, come over here!" tinawag nya ako sa second name ko, ganyan s'ya kapag sobra siyang excited o kaya kapag sobrang galit na s'ya sa akin pero twice palang yun nangyari. Lalo tuloy akong nacurious. 

"Ano ba yan ha? Campus Crush? Bakit ka naman biglang naging interesado sa ganyang bagay?" Sa mga previous school namin si Nadine ang madalas top 1 sa survey result ng mga campus crush at ako pumapangalawa lang, pero very high school naman yun, 3rd year college na kami para magtuon pa ng attention sa ganitong bagay. 

"Yung sinasabi mong antipatiko nating kaklase kasama siya rito: Khaleb Slanzar Jao at siya rin ang Editor-In-Chief ng The Patriot."

"So what?" yun lang ang reaksyon ko. 

"You're not thinking Kate," parang kumikislap ang mata niya at may pag hawak pa sa kamay ko.

" Yung totoo Nadine, crush mo ba siya ha?"

"No, what I mean is... what if siya si Henry Fission, come to think of it, he is a writer at maraming nagkakagusto sa kanya same with Henry, madali silang makaattract ng girls, so they have something in common ng hinahanap natin, este ng hinahanap mo." 

Napasigaw ako, "Gosh! Ang talino mo talaga samantalang ako 'di ko yun naisip." 

Ngayon may isa na akong oobserbahan at tama ang bestfriend ko, pwedeng siya nga ang matagal ko nang hinahanap. 

"Wait, meron pa rito, top 3, he's name is Enrico Tuazon, parang di siya marunong ngumiti,  pero infairness cute parin siya. He is a varsity player  and at the same time literary editor ng The Patriot." 

Tinignan ko yung picture n'ya kasi to check if nasa classroom din ba s'ya kanina pero di'ko napansin, parang wala 'ya dun.

 Tama nga siya, ang cute n'ya. Matangos ang ilong siguro foreigner ang magulang parang mala-German o Italian ang itsura, masculine ang pangangatawan dahil athlete, pero isa ang mas kumuha ng atensyon ko, yung mga mata n'ya na parang malungkot. Hindi nga siya nakangiti dahil parang may lungkot siyang tinatago. 

"Natulala ka na d'yan ha? Tell me is it because of Khaleb or Enrico?" 

"Tangek! Tantanan mo nga ako! Natutuwa lang ako kasi unti-unti na akong nakakakita ng pag-asa sa katuparan ng mga balak ko and soon we will find out who's the real  Henry Fission." 

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon