Chapter 2: At Patriot University

369 14 1
  • Dedicated kay Cathy Udasco
                                    

NADINE

I can't believe this, ano naman kayang sinabi ni Camilla para maconvince ang parents ko na biglaang magtransfer dito?

Akala ko mahirap yung mga exam kasi this is one of the best universities pero it's really a piece of cake. Halos maperfect namin ang entrance test, sa bagay, me and my bestfriend are both top students mula nung kinder. Nagulat tuloy mga professor namin when they found out na lilipat kami. 

Well, masaya naman kapag may bago at mahalaga kasama ko pa rin si Camilla. I know she's going through pain now after what happened to her mom six months ago. 

“Hoy Nadine! Nakuha ko na ang class schedule at room natin. We still have 2 hours bago magstart first subject natin. Samahan mo muna ako."

                                                                   *****************************************

CAMILLA

Hinatak ko na si Nadine, ang dami niya pang tanong sabi ko tignan nalang niya yung form na iniabot ko. Hindi ko siya makausap nang maayos kasi hanggang ngayon namamangha ako sa ganda nitong university na bago naming papasukan. 

"Bakit naman Masscom ang course natin ha? May mga creative writing pang subjects, wala man lang accounting or kahit logic related." 

"Ano ka ba Nadine, nakalimutan mo na bang writer ang hinahanap natin? So there is 70% possibilities na magiging kaklase natin yung gago na yun!"

"Ok fine, wala nakong sasabihin, useless na rin namang magreklamo pa'ko."

Nakita ko kung pano siya bumuntong-hininga, saka ko naisip ang swerte ko sa bestfriend ko. She never left me, kahit parang makasarili na’ko minsan, sige na nga, madalas.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niya ulit. 

"Imimeet natin si Mr. Rivera, yung detective na hinire ko para hanapin yung---" sasabihin ko palang yung salitang gago, tinakpan na niya agad bibig ko. Ayaw n'ya kasing nagsasalita ako ng bad words. 

"Si  Henry Fission, ang most famous writer ngayon sa bansa. Ang pumalit sa dating kasikatang natamo ng mama mo." 

Napatigil ako, nakaramdam ako ng panghihina, para akong maiiyak pero pinigil ko, miss ko na si mommy. 

" Oo Nadine, tama ka. Siya ang sumira ng kaligayahan ko at ni mommy. Pababagsakin ko kung sino man siya." 

Nahablot ko yung form at nalukot sa sobrang gigil. 

"Pati ba naman papel pinagdidiskitahan mo, sige itapon mo na yan. Memorize ko na yung mga details, puntahan na natin si sir Rivera. Sorry rin  sa sinabi ko kanina."

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon