Chapter 12: Creative Writing

153 9 2
  • Dedicated kay Angela Rivera
                                    

Chapter 12: Creative Writing

KHALEB

Hindi naman natin minamahal ang isang tao dahil perpekto siya kundi dahil ang totoo nagmamahal tayo kahit alam nating may mali sa kanya.  

Corny na naman, ilang papel na ang napilas at naishoot ko sa basurahan. Mahirap magsulat kapag binibigyan ng paksa mas okey pa yung papairalin mo kung ano yung trip mo lang isulat. Bakit sa dinami-dami ng topic tungkol pa sa pag-ibig ang ibinigay ni Mrs. Magpusao?

Fifteen minutes na lang mag-start na ang klase namin at isa-isa pa kaming magbabasa, kainis naman, anong irerecite ko?

*****************************

ENRICO

Ayoko ng creative writing class lalo na kapag ganito, wala na akong mapiga sa utak ko. Bahala na nga si Batman, naku naman pati si Batman dinamay ko na naman sa problema ko. Panigurado yung mga babae lahat tapos na, ito pa naman yung prefinal exam namin.

No choice, time na, kaasar naman ‘tong araw na’to. Umabsent na lang kaya ako o kaya---sige na, ito na malapit na ako sa pinto ng room. Slow motion tuloy kilos ko, tamad na tamad na naman ako. Una ko pang nakita si Khaleb parang ang sarap tuloy manghamon ng suntukan para may magawa lang akong matino.

“Enrico yung article daw para sa group project natin ipasa mo na kay Shane after ng class. Saka nga pala, ang galing mong mag-soccer, napanuod kita kahapon.”

Tumango lang ako, sino nga ba siya, ah… si Nylecor classmate ko siya mula nung high school pala kami. I smiled at her, madalas n’ya akong nginingitian baka isipin naman niyang sobrang suplado ko.

“Alam mo Enrico you look much better when you’re smiling. Sige, goodluck sa prefinals exam ha? I wanna hear your… poem or story, what did you write?”

Napatitig lang ako sa kanya, hindi ko pa alam kung anong isasagot ko, lagot na, mag-oon-the-spot ba ako?

***********************

NYLECOR

Grabe, he smiled at me? After 48 years na lagi ko siyang kinakausap at todo pagpapapansin ko sa kanya it’s like this was the first time he smiled at me. He even stared straight in my eyes and I’m like melting, kilig na kilig ako. I’m not sure kung hindi ba n’ya sinagot ang tanong ko o dahil mas malakas lang tibok ng puso ko kaya hindi ko siya narinig.

Kung alam mo lang Enrico, matagal na kitang gusto, sa sobrang tagal, sa kasamaang palad, lalo nang lumala yung pagkagusto ko sa’yo.

******************************

CAMILLA

Pito na lang ang hindi pa tinatawag ni Ma’am Magpusao para magbasa ng gawa nila, maikli yung ginawa kong kwento, minadali ko kasi dahil mas inuna kong maglibot sa labas ng skul. Naguluhan lang ako lalo, bakit ba siya pa ang nakita ko dun kahapon? Yun lang naman ang nag-iisang punong nasa labas ng campus na pwedeng tinutukoy ni Henry na madalas niyang puntahan.

Umaayos ka Camilla baka ikabaliw mo na yan. Ganito na laman ng utak ko. Gusto kong manapak o kaya kumain ng isang galong icecream pampawala ng ngarag.

“Khaleb Slanzar Jao, your turn.”

Siya na, inayos ko ang upo ko. Medyo inaantok na kasi ako kanina pero ngayon kailangan kong pakinggan ang gawa ng lalaking ‘to.

Tumayo na siya sa harapan, “ehem” ang unang bungad niya.

Kinapos ang sinag na noo’y masinsinan kong pinagmasdan

Marubdob kong tinalikdan ang ilang patak ng ulan

At inasahang dudungaw muli ang bahaghari.

Manhid na ang talulot, ‘di na nagawang mamukadkad

Gaya ng sawing pangako na bumubukal ngunit naninimdim

Kailan kaya muling magtatalik ang ating pagkakataon?

Doon, kahit pa hanggang kailan.

Sinong mag-aakala na ang mukhang hambog na lalaking ‘to ay makakagawa ng isang malalim na tula? Sinundan ko siya ng tingin hanggan sa makaupo siya, hindi ko na nga namalayang nasa tabi ko na siya dahil nga seatmate kami.

“Bakit?” ang tanong niya, naghikab-hikaban ako saka ako bumalik ng tingin sa kanya.

“Anong bakit? Masama bang humikab ha?”

“Hindi naman pero masamang laging tumingin sa akin, napansin ko lang kasi yan sa’yo. Stalker ba kita ha?”

Ang hambog na’to, e kung iflash kaya kita sa toilet bowl! Gusto ko man sabihin sa’yo tong laman ng isip ko hindi pwede, hindi pa.

“Bakit masama bang hangaan ka kung sakali? Paano nga Khaleb if I’m gonna tell you na interesado ako sa’yo at gusto kita, would that be a problem ha?”

Hindi siya sumagot. Katabi ko rin si Nadine at narinig kong parang may nahulog siyang gamit. But I did not keep my eyes away from him, all I want is to look at him straight—eyes to eyes, heart to heart parang sa Unofficially Yours lang.

“Alam mo Camilla you’re an ideal girl, that’s true. But there’s something inside me telling that I should avoid you.”

“Why? Is it because you are afraid of falling in love?”

Ito na yung moment na papunta na sa climax yung palitan ng mga diyalogo namin pero bigla kaming napahinto nang biglang nagsalita si Enrico dahil siya na ang nasa harapan.

“Yung dalawang nasa likod, Khaleb at si transferee girl, I listened to the both of you nung kayo yung nagbabasa ng gawa n’yo, please be fair to me.”

Nakaramdam naman ako ng hiya, dali-dali kong inayos ulit ang upo ko.

“Tula rin po ang isinulat ko, hindi ganun kahaba Ma’am.”

Saka siya nagsalita, wala siyang dalang notes, ibig sabihin memorize n’ya.

Ang dagitab mo ay tila isang nukleyar

Na wari ko’y kayang marating ang Italya

Doon sa malayo na minsang kong narating

Kahit na hindi pa marunong maglakbay ang puso.

Hinimay ko ang sakit, kirot, pighati

Inakala kong madarama mo rin o makikita ang aking repleksyon

Pero bigo ako, ngunit hindi siya, subalit ako.

Dahil ang sinat ay naglalang ng nakasisilaw na pag-iisa,

Dumamba at nagdulot nang madalasan pagkupas ng pula at bughaw

Tila isang nukleyar na sana hindi na lang nanalanta o nagligalig

At itong tibok ay hindi na muli pang pumintig.

Sa pagtatapos ng kanyang pagbigkas ng tula, parang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit yung kahit hindi na siya makahinga. Hindi ko rin alam kung bakit nang hawakan ko ang mukha ko, may luhang pumatak. Napaluha ako ng binigkas n’yang mga salita—hindi ko alam kung masyado lang bang malungkot yung narinig ko o dahil nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na pinangingilidan ng luha na pinigil n’yang wag pumatak.

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon