Chapter 14: Rejected

149 6 4
  • Dedicated kay Nylecor Migrino
                                    

NYLECOR

Ang lalim ng gawa n'yang tula, on the spot na naman n'yang ginawa yun sa isip niya. Ano bang laman ng isip mo Enrico? Bakit ang hirap mong ireach out?

Palihim ko siyang sinulyapan gaya ng palagi kong ginagawa. Yung hawak n'yang blangkong papel nilukot niya. Pansin ko rin naman na parang naluluha siya kaya lang hindi niya yan iiiyak, hindi ganun ang Enrico na nakilala ko. He choose to hide what he feels.

Kung hahayaan niya lang ako na tulungan siya sa kung anong pinagdadaanan niya, I will make him happy and let him know na he is not alone. May isang gaya ko na sobra siyang pinahahalagahan. It's been seven years Enrico.

                                                                                     **************

JUAN MIGUEL

Naglalakad ako sa hallway ngayon, hinahanap ko siya, nagbabakasakaling makita ko ang kukumpleto ng araw ko.

"For sure makakakuha ulit siya ng 1.00 sa creative writing. Enrico made Ma'am Magpusao cried. Yung tula n'ya, ang lalim, matalinhaga."

Dinig kong sabi ng mga taga-3E class. Nagpasikat na naman pala ang lalaking yun.

"Hoy JM!" tawag sa'kin ng boses galing sa likuran ko. Si Camilla pala.

"Mag-eemo ka na naman ba dun sa ilalim ng puno? Can I join you?"

How can I say no to her, ang makasama ang tulad niyang kahit boyish ay napakaganda naman. Pero kung papayag ako--hindi pwede, baka malaman niya ang sekreto ko.

"Nuclear Bomb!" dinig kong paratingna ang kukumpleto ng araw ko, ang babaeng makulit na nagpapasaya sa'kin mula noong high school classmate kami. Her cute face na mahirap makalimutan, hindi man katangusan ang kanyang ilong nangingibabaw naman ang ganda ng nangungusap niyang mga mata. Yung mapula niyang labi kahit na walang lipstick.

"Alam mo Nylecor tigilan mo na yang pagtwag mo sa'kin ng ganyan ha? Mapipikon na'ko sayo. Baka ikiss kita bigla."

"Nakakaistorbo ba ako sa inyo?" sabat ni Camilla, nawala kasi sa isip kong kinakausap pala n'ya ako.

"I'm going now maybe tomorrow nalang JM."

Hindi ko na siya nasagot dahil nagmadali siyang lumakad paalis. Di bale, she's just my crush pero si Nylecor, she is my first love. Lilinawin ko my first SECRET LOVE.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo ha? Anong ikiss?! Loko ka talaga, flowery words. Akala mo naman maisasama mo ako sa mga girl na madadala mo sa mga mapanlinlang mong salita."

Nakangiti siya at hinahampas pa ako, gusto kong hatakin kamay niya at totohanin na ikiss pero hindi ko naman kaya. Saka school violation yun: Student Council president caught kissing someone in the campus hallway. Ano namang iisipin ng lahat sa akin?

"Sige na nga, next time ko nalang gagawin kapag ready ka na. Saka Nylecor, bakit parang ang babaero naman ng tingin mo sa'kin. Hindi naman ako gaya ng iniisip mo sakin noon pa. Tignan mo nga till now wala akong girlfriend."

"Pa'nong girlfriend e never ka naman kasing nagseryoso di ba?"

Nakangiti siya habang sinasabi yun. Napatigil ako, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Kung alam mo lang,alam mo lang Nylecor.

                                                                                ****************

CAMILLA

Yari ang hirap namang masolo si JM, paano ako mapapalapit nang husto sa kanya para maconfirm kung siya nga si Henry Fission. Yung pagiging Student Council President n'ya ang isa sa dahilan kung bakit lagi siyang busy at napapalibutan ng mga tao dito sa campus.

Kakaiba nga lang ang aura at ningning ng mata n'ya nang makita n'ya ang babaeng yun. Sino nga ba siya, ahmm... kaklase ko siya e. Siya si Nylecor Montemayor. Siya raw ang pinakamahusay na blogger na maipagmamalaki ng campus. Maraming follower ang blog n'ya at bukod dun madalas din siyang nananalo sa mga Science Brain Challenge.

Di bale, marami pa namang  pagkakataon para mapalapit ako kay JM, konting hintay lang.

"Aray! Anak ng Pasig naman o!" may bumangga sa'kin tumama tuloy yung sakong ko sa edge ng locker, sino namang 'to tangang 'to?

"Yung mga pinagsasabi sa'kin kanina sa klase, ano yun ha Camilla?"

Si Khaleb pala, aba bakit parang inis pa siya. Bakit panget ba'ko para mabwisit siya na gusto ko siya?

"Bakit Khaleb masama bang magkagusto sa'yo ha? Wala ka namang girlfriend di ba? Kung meron man, that's the time na iiwasan at tatantanan na kita."

Unti-unti niyang inalapit ang mukha n'ya sa akin, napaatras ako nang konti, he's too close to me.

"Pwede ba, Camilla Sanchez, maganda at matalino ka pero wala akong oras na makipagbiruan o makipaglaro sa'yo kaya pwede ba, wag na lang ako. Please lang."

Napasandal ako sa locker at hindi na nakapagsalita hanggang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nireject n'ya ba ako ha? He's the first guy who did this to me.

 

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon