Chapter 17: An Agreement

223 6 4
                                    

JUAN MIGUEL

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Camilla kung bakit naisip nya akong halikan. Bigla akong kinabahan kasi first kiss ko ito. Pero hindi dahil sa choosy ako, may iba akong gustong unang mahalikan at siya ang babaeng mahal ko.

Di'ko naiwasan, naitulak ko siya at ramdam kong hindi rin n'ya gusto ang kanyang ginawa. Wala akong nakitang kakaiba sa mga mata nya, walang sparks. Oo, sobrang ganda niya at kung tutuusin ang swerte ko.

"Kung may problema ka Ms.Sanchez, papakinggan kita. I know how it feels when you want to express yourself but there are no listening ears."

Napaluha siya at tuloy-tuloy yun. Tumingin siya sa mata ko and this time nakaramdam ako ng lungkot dahil nabatid kong mabigat ang dinadala niyang problema.

"JM, I want to find someone who will love me, ayoko ng maging malungkot."

Nagpatuloy ang kanyang pag-iyak, hinaplos ko ang kanyang buhok at inabot ang aking panyo.

"Ms.Sanchez, minsan mararamdaman talaga natin ang maging malungkot." ang tanging nasabi ko sa kanya habang pinipilit kong pigilan na wag siyang sabayan sa pag-iyak.

Muli kong naalala yung ilang beses kong nasaksihan na umiiyak ang babaeng mahal na mahal ko. Maraming beses na rin yung nabalewala lahat ng paghihirap ko para sa kanya dahil wala siyang oras para pansinin ako. Sa kabila ng siya lang ang tinitignan ko, sa iba siya nakatingin.

"Will you love me JM? I know I may sound so desperate but give me a chance, I don't want to be alone now. I promise to make you happy."

                                                                               ******************

CAMILLA

Siguro siya si Henry Fission at malapit ko nang maisagawa ang paghihiganti ko. Hinintay kong sumagot siya sa tanong ko at masaya ako sa narinig ko.

"Let's give it a try Camilla, siguro panahon na rin para magmahal naman ako ng iba. Gusto ko nang pakawalan lahat ng sakit."

Ipinasok ko sa isip ko ang mga sinabi niyang iyon. Sino kaya ang girl na minamahal n'ya? Ibig sabihin ba JM loves someone and still not moving on?

Di bale, I'll find out who she is and if he is really Henry Fission. Sa ngayon hahanapin ko naman si Enrico Tuazon.

Nagkasundo kami ni JM na pag-aaralang mahalin ang isa't isa but we have to hide it from the others kasi malaking isyu yun saka para makuha ko rin si Enrico at Khaleb.

Babalik na ako sa campus, didiretso muna ako sa pub office para ipasa yung mga picture sa computer. Nasa labas na ako ng pinto, bahagya itong nakabukas at narinig kong may nag-uusap sa loob.

"Hindi ganyan si JM kaya kung ako sa'yo wag mo siyang gawan ng balita na hindi mo muna siya nakakausap."

"I'm writing the truth, ito ang nasasaksihan ng studentry and becoming irresponsible sa pagiging SC President. I understand that the two of you were classmates since high school pero ang layunin natin ay isiwalat ang katotohanan, you must be reminded Enrico."

Si Khaleb yung nagpapaliwanag at high blood na naman siya.

"Sige ipublish mo yang article na yan, pero wag mo nang asahan na itatago ko yung sekreto mo Khaleb."

Nabigla ako sa narinig ko, lalo akong napatigil sa pagpasok.

"But I trusted you, alam mong akong mapahamak kapag may mga nakaalam ng sekreto ko."

"And you know na this is the first time na hihingi ako ng pabor sa'yo, bilang isang kaibigan."

"Ok. Pagsabihan mo si JM na ang posisyong hawak n'ya ay hindi biro. He must do all his responsibilities."

"Makakaasa ka, salamat."

Gusto kong magtago dahil alam kong isa sa kanila ang papalabas na sa pinto, nagmadali akong lumayo at nagpanggap na naglalakad papalapit sa pub.

Si Khaleb ang lumabas at bakas sa mukha n'ya ang pagkadismaya.

"Khaleb, ililipat ko na itong mga picture ha?"

Pinilit niyang ngumiti sa akin, "Nuclear ang password ng laptop. Ikaw na ang bahala pati sa captions. Thanks."

Only Love Can Do ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon