Chapter 17

23 2 0
                                    

Sidrisse Point of View

Grabe kapag tinitigan mo ang mata nung nagsalita, nakakatakot.

"He is Ethan Halfore. Ethan this is Sidrisse Stoax." Pagpapakilala sakin ni Tyrian. Yumuko na lang ako sign of respect.

"Nice to meet you, Sidrisse. Don't mind my eyes, alam ko na ang first impression mo dyan at hindi lang ikaw ang unang nakapansin yan." Sabay ngiti nito.

Mabait naman pala sya.

"Sid na lang po." Sabi ko sa kanya.

"Napakagalang mo naman. Although, maybe we are not in the same age let's just be casual na lang alright?" Tumango na lang ako rito.

"Where are the others?" tanong ni Tyrian.

"As usual. They are at the Ignus. Punta muna ako sa library, alright? Dalhin mo na sya doon. Sa nakikita ko, mukhang bagong pasok lang talaga sya." Sabay tap sa balikat ni Tyrian nung Ethan. Nakipagkamay ito sakin at umalis na.

"Wow!" naglakad na kami ni Tyrian.

"Wow? Saan?"

"Akala ko cold sya, mukhang mabait naman." Comment ko about dun sa nakilala namin kanina.

"Ahh, yup inborn na sa kanya ang mata nayun. Ganun kasi ang papa nya. Malakas daw ang genes kaya halos lahat nakuha sa kanyang Papa." Napatango na lang ako.

"Ayy nga pala, narinig ko about Ignite Troupe? Ano yun? Pati saan yung Ignus?" Dalawang tanong na agad ang pinagsunod ko haha para wala na akong iba pang tanong.

"Ahh okay. Ignite Troupe, kami yung may mga pinaka rarest sa lahat ng may magical powers. As you read, di ba kada generation there are always rarest people na may magical powers. Sila na nasa Ignite Troupe, instead na magical weapon ang gamit they use magical circle." Teka parang di ko nabasa yun ah?

"Magical circle are more like magical weapon, ang kinaibahan nga lang hindi sya physically existing. Makikita mo lamang ito kapag nagcast na ang mga tao nay un ng spell para lumabas yun. Apat silang nandun sa Ignite Troupe na rare ang magics." Dagdag nyang paliwanag.

"Pero bakit ka kasama? Di ba wand naman sya and commonly use sya ng mga wizards sadya?" Grabe naman nakakagulat to ah?

"Ahh ako kasi kaya ko pagsabayin ang magical circle at magical weapon ng isang gamit lang or parehas ko silang kayang gamitin." Napa wow na lamang ako bigla.

"They consider me as the rarest of them all, kaya ginawa nila akong Troupe Leader. Although malalakas silang lahat, they still claiming na beyond ako sa kanila. Hindi ko man gustong aminin pero still pinagpipilitan nila, kaya wala na rin akong magawa." Wow! Napakahumble din pala nya.

Shems! Tyrian wag kang ganyan please!

"Sid?"tapik nya sa balikat ko at nagising ako sa katotohanan. Shet! Nakakahiya na.

"Tara na sa Ignus. Base namin yun, nandun silang lahat at doon kami nagsasama sama. Doon din kami natutulog kung hindi kami uuwi sa bahay namin." Hinila na nya ulit ang kamay ko at gumamit ng teleportation.

So dito sa loob pwede nang gumamit ng teleportation spell? So bakit hindi nya pa kanina ginawa yun edi sana hindi na kami napagod maglakad. Napailing na lamang ako at hinahayaan sya na hilahin ako. Kahit anong gawin ko talaga hindi ko sila maintindihan.

Nandito na kami sa harap ng isang napakasimple lang bahay na gawa sa bato. Karaniwan lang ang ganitong bahay sa Mortal world. Kita yung mga hollow blocks at hindi na sinesementuhan.

Binuksan nya ang pinto pero kakaiba ang loob. Napakaluwag at liwanag tapos ambango! Hindi mo masasabing pang ordinary lamang na bahay ito. Napakalinis din, babae siguro ang nagaasikaso dito. Tapos yung amoy nya napakafresh. Shems ansarap tumira dito.

"Oh, Tyrian maaga ka ata ngayon." Sabi ng isang babae na curly ang buhok na kulay red.

"Ahh kasi kailangan ko syang itour sa buong Luxious eh." Sabay turo nya sakin.

"Tyrian, may kasama ka?" Tanong naman ng isang lalaki na tumakbo galling sa loob ng isang kwarto. Matangkad naman sya at yung buhok nya medyo pa bao at blonde ito. Hehe! Pwede na rin naman.

"Umiiral na naman ang pagkababaero mo." Sabi ng isang babae na parang panlalaki ang gupit ng buhok.

"Seems like everyone are here except Ethan, kasi nasa library sya ngayon. This is Guille Lauren the one who came out, Anastasia Clove who has this boy-like cut and lastly Ariella Zackore kulot ang buhok. And guys, this is Sidrisse Stoax. Sana maging friendly kayo sa kanila." Pagpapakilala ulit sakin ni Tyrian at yumuko ako.

"Weyt you mean, the daughter of Stoax couple?" Tanong ni Anastasia.

"Yes. She is." Tumakbo agad sya sakin at nakipashake hands. Akala ko ayaw nya sakin kanina eh kas masama ang tingin nya sakin.

"Mahilig din kasi sya sa books kaya sya ganyan. She is a great fan ng mga books ni Mama mo kaya ayan."sabay tawa ni Ariella.

"I maging maganda ang memories natin, Sid."Makikipagkamay sana sakin si Guille, instead si Tyrian ang kumamay sa kanya.

"Napakaseloso mo naman Tyrian. Makikipag shake hands lang ako ah. Hay nako. Ang ganda mo pa naman sana, kaso taken ka na." Napakamot sya ng ulo at sumalampak sa sofa.

Ako taken na? Eh? Paano? Saan? Kailan? Kanino?

Grabe! Nakakagulat ang salitang taken, kahit hindi pa ako nakakaranas ng date. Ni manliligaw nga wala kasi hindi ako pumapayag at hindi naman ako mahilig lumabas ng bahay.

Napakamot din ako sa ulo at nagiisip.

"Wag mo na lang isipin yun. Ganyan talaga sila." Tapos tumawa sya kasabay ni Guille.

Tiningnan ko ang dalawa ng anong-nakakatawa look. Pero nagshrug lang sila ng balikat at inaya ako sa kusina.

Ang weird naman nila.

Dinala nila ako sa kusina at hinayaan na tumulong sa kanila.

"Paano mo pala nakilala si Tyrian?" Tanong agad sakin ni Ana. Sabi nya yan na lang daw kasi napakahaba daw ng first name nya at hindi rin ddaw sya sanay.

"Hmm, magkaibigan kasi si Mama at si Tita Zaleria kaya kami nagkakilala." Nakita ko na lumaki ang mata nila.

"Wow so you mean, magkaibigan ang Sharpe at Stoax?" Tumango ako at nagtatalon talon sila.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Wala lang, hindi kami makapaniwala sa nangyayari." Nagkaroon naman ng question mark sa ulo ko sa sinabi nila.

"Ano ibig nyong sabihin?"

"First time lang namin nakita si Tyrian, na may kasamang babae sa tana ng nakasama namin sya."

Napa kurap ako ng maraming beses, as in sunod sunod dahil sa narinig. So maybe kaya kamai pinagtitinginan kanina.

Heart of ImmortalityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon