Rigore Point of View
Panigurado kapag nakita ito nung apat, magugulat sila sa naging performance ni Sidrisse dito sa arena. In a short period of time, nagawa nyang magimprove or aralin ang sarili nyang magic.
She spent so many days in studying or reading book of her mother's or any types of books available and sa isang maiksing araw, application lamang ang inaral nya. Nakakagulat talaga. She is really something else. Ano pa bang aasahan mo sa anak ng dalawang well-known magic user?
Sana pagnagka anak ako ganito din katulad nya. Pero impossible. Napakababaero ko naman kasi. Hindi maiwasan at napakagwapo ko.
At ang gwapo rin naman ng katabi ko, at dalawang babae ang naglalaban dahil sa kanya. Hayst! Tyrian, how to be you?
Tyrian Point of View
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Na ano? Naglalaban sila ng dahil sakin. Kaya dibdiban ang nangyayari.
Nako kahit anong mangyari, manalo matalo man si Sid hindi ko yun lalayuan.
Supposedly, tapos na dapat ang laban. Olivia conceded her defeat pero hindi pumayag si Sid.
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o hindi. Lagi na lamang try again ng try again, paano na lamang kapag naperfect na ni Olivia ang sinasabi nya. Edi talo sya?
"In born na yun sa kanya."sagot ni Tito Rigore.
"Ganyang ganyan si Serafina, ang mama nya nung mga bata pa kami. Tumuntong din kami dito sa arena na ito, to fight and also application ng mga natutunan. Ganitong ganito din ang nangyayari, her strategy is more like kay Noxous, her father. Yung pangiinis at pagkilala muna sa mga ability, skills and reading his opponent's strategy. Yung nasa gitna ng arena, nagsesermon and also nagsusorry sa dulo ng laban, minana nya yun sa kanyang mama. Ayaw nya ng may napapagiwanan kaya ayun, at the end tie ang laban." Paliwanag ni Tito Rigore.
Tumango tango na lang ako at bumalik na ulit sa focus sa panonood ng laban.
So in this case, baka tie din ang maging kalabasan.
"In two minutes, the fight is over." Nilalagyan na ng oras ang mga ganitong klase ng laban lalo na at more on sword attacks na lamang. In this kind of case also, nagiging tie and magrerematch pagdating ng susunod na laban.
Sidrisse Point of View
"Hindi ako papayag na matatalo ako ng isang katulad mo." Sa bawat pagatake nya, wala pa ring pagbabago. Ganito pa rin at puro galit.
Ang kaibahan nga lang ay mas malakas ang bawat collide ng aming weapons. Sobrang lakas ng sounds nito na parang nabibingi na ako.
Mas bumibilis ang movement nya at ako kailangan ko din bilisan para sumakto ang timing ng atake nya at pag dodge ng spear ko. Yes, wala na akong ginawa kundi ang umiwas. Kasi napakadami nyang butas. Napakadaming lugar or parts of her body na pwede kong atakihin anytime.
Likod, her both sides, her arms and feet. Kitang kita ang bawat part na yun na open sa bawat pagtira nya. Hindi sya tatagal kung magpapatuloy na ganito ang way of fighting nya. Masyado syang umaasa sa kapangyarihan o magic na ibinibigay nya para mas maging malakas ang sword nya. Kung ordinary sword lamang yun baka basag na kanina pa iyon.
Napakaboring na ng ginagawa ko. Gusto ko man na tirahin na yung sides na talagang open para matapos na ito. But I don't want to take advantage of her weakness lalo naman at school activity ito at hindi actual fight.
"The fight is over." Isang boses ang nagpatapos ng pag atake nya at ang barrier na parang nagkukulong samin ay nagvanish na.
"Welldone. It's a tie." Tumango kaming dalawa ng nasa harap na namin si Tito Rigore.
"You may now take your rest." Naglakad na si Tito pabalik sa school.
Nakikipagshake hands ako pero dinaanan nya lamang ako. Dumertesyo sya kay Tyrian.
Napaka obsess mo naman ate. Sorry ka na lang kasi hindi sya sasama sayo. At sure na ako dun.
"Hi Tyrian."Mula sa malayo rinig ko ang boses nya. Ay hindi naman super layo. Ayos lamang para marinig ko.
"Ahh hello. Well done." Nakipagshake hands si Tyrian at tinanggap naman ni Olivia ng may halong landi.
Ano ba Tyrian, nilalandi ka na nya ohh. Di mo pa napapansin.
"Sayang, kung ako ang nanalo baka napalayo ko na sya sayo. Sa rematch namin magpapractice ako ng maigi. Hindi na ako papayag na matalo nya ako." Nakita ko ang pagkamot sa ulo ni Tyrian.
"Pero, Thank you sa panonood mo sakin ha?" Yayakap sana ni Olivia kay Tyrian at umibo magisa ang paa ko. Inilayo ko ng isang hakbang si Tyrian.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Dapat ako ang magtanong sayo niyan." Galit nyang sagot.
"At bakit, ang sabi mo lalayo ang matatalo hindi ba? Parang ang pakakatanda ko, dapat talo ka na."
"Wow! Wala ka sa posisyon na yan para hawakan si Tyrian. Bago ka pa lang dito at napakalandi mo na."
"Ahh ako pa ang malandi? Ehh ikaw nga itong lapit ng lapit sa kanya, may pagyakap ka pang nalalaman, ayaw naman sayo nung tao." Galit ko rin na pagtatanggol sa sarili ko.
"Kung ayaw nya sakin, mas ayaw nya sayo!!" sigaw nya sakin.
"Talaga ba?" ayan na naman sya, hindi ko na makokontrol sarili ko nito.
"Sige patunayan mo kung talagang gusto ka nya, at hindi ako." Panghahamon nya.
"Oyy, teka lang. Wag na naman kayo mag away, kasi Manalo o matalo man si Si..." hindi ko sya pinatapos at gumalaw magisa ang buong katawan ko.
Shems! I kissed him. Ramdam ko ang hesitation sa kanya. Pero in the end, he responded. Bumitaw naman ako sa kanya at nakita ang pagngiti nya.
"Sapat na ba yun? Nagrespond ata si Tyrian?" Pang aasar ko sa kanya. Kung siguro lalagyan to ng special effect katulad sa ginagawa sa mortal world, umuusok na ilong pati tenga nito.
"You are mine, no matter what. Am I right, Tyrian?" Nakita ko ang pagngiti niya at hinawakan ang kamay ko.
"Yes. Sayong sayo lang." Shems! Habang sinasabi nya yun, nakatingin sya sa mata ko at ramdam ko nagblush ako. Damned! Kinikilig ko.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pag alis ni Olivia at naghiyawan ang mga estudyante.
Lumakad papuntang gitna si Tyrian and oo kasama ako kasi magkaholding hands kaming dalawa. Ohhh myy gush nakakahiya.
"Based on our observation and at the same time nagdecide na kami ng buong Ignite Troupe, that Sidrisse Stoax is the qualified student to join the group. May hindi ba sang ayon?" Rinig ko ang sigawan nila na.
'She is the best!'
'I want her to be part of the group!'
'She is my idol.'
Napangiti ako sa bawat pagsigaw nila.
BINABASA MO ANG
Heart of Immortality
FantasíaSidrisse Stoax, daughter of the Stoax couple who are well-known wizard and witch in the Grindelward. Tyrian Sharpe, son of the Legendary Witch who is the caretaker of Light of Tombs. This two person has the biggest role in the Grindelward. Sidrisse...