Chapter Sixteen

1.3K 44 11
                                    



*****

CHAPTER SIXTEEN

KELLIE’s POV

["Bakit ngayon mo lang sinabi?"] bakas ang dissapointment sa boses ni Kuya, nanginginig na naitungo ko ang ulo ko at nilingon ang paligid, pamilyar ang mga lalaking malalaki ang katawan na palakad lakad sa paligid, hindi na sila mga naka Black, for sure iyon ang mga tauhan ni Kuya medyo napanatag ako para sa kaligtasan ako pero kinakabahan parin dahil papaano ang mga kasama ko?

Hindi ko yata kakayanin kung may masama nanamang mangyari isa sa kanila dahil saakin.

Kung iniiwasan ko sila ay walang masamang mangyayari sa kanila, ako at ang pamilya ko lang ang susundan ng kapahakaman, they're better off without me. I am putting them in danger.

Hindi ko iyon naisip bago pumasok sa Saint Anthony napakatanga ko.

Si Kuya ang pinag-iinitan ng mga Donovan dahil pinutol na ng mga Andersons ang ugnayan sa mga Salazar noon pa, dahil sa Issue na nangyari kila Mama at Aaliyah na dating magkaibigan, nasira iyon ng dahil sa pag-ibig, Pag-ibig na hindi ka'yang ipaglaban. Iniwan ni Dante ang Mama ko.

Iniwan n'ya dahil mas pinili n'ya ang tunay na asawa at inabandona ako, siguro hindi ko rin s'ya masisisi kung ang asawa ang pinili n'ya, I am not in his shoes that time, napakahirap siguro para sa kanya ang magdesisyon.

Nagmahal lang s'ya nagpadala s'ya sa bugso ng damdamin, ang nakikita kong mali n'ya ay ang pamamangka sa dalawang ilog.

Alam ko ang lahat lahat, ginawa ni Aaliyah ang lahat para kay Dante dahil mahal n'ya ito, mayaman sila makapangyarihan at anong laban ng Mama ko? mapapahamak lamang siguro kami kung ipipilit ang hindi na kayang ipaglabang pagmamahalan n'on.

Pero tapos na ang lahat, nangyari na. Ang kailangan na lang mangyari ngayon ay maayos ang lahat, tapusin ang Kasamaan at ang tuluyang paggaling ng Papa ni Kuya para mailabas na ang hustisya.

"S-sorry Kuya."I heard kuya released a heavy sighs, paniguradong stress na stress na s'ya sa lahat ng mga nangyayari.

Namamahala si Kuya sa napakalaking Corporation without anyone to help him, s'ya na lang at ang Papa n'ya ang noong magkasama, successor si Leandro Salazar Sr. ng Salazar Corporation pero dahil sa nangyari sa kanya ay napilitang i-Turn over ang kumpanya kay Kuya, his Grandfather trained him hard kaya hindi n'ya naenjoy ang pagiging Binata.

(A/N: kung naaalala n'yo nabanggit na ang Tatay ni Leandro ang nagtrain sa kanya, mali po yon, eedit ko na lang, thank you!)

His both sides Grandparents were already passed away, kaya ginagawa n'ya ang lahat para hindi mawala ang pinaghirapan pa ng Lolo n'ya sa talampakan, ang Business nila. Ipinangako n'yang hindi lang s'ya ang mamumuno sa lahat ng ari-arian nila, na hindi ito babagsak ng dahil lang sa mga Donovan na matagal na nilang kaaway o kahit na sino.

(A/N: hindi naman po talaga magkaibigan si Leandro Salazar Sr. at Claudia Donovan, coincidence lang na same sila ng school n'on at nagkalapit ang landas ng dahil kila Katrina :))

["It's okay I understand wala na ta'yong magagawa. ganto na lang... I'll send double men in there so don't panic okay? Just calm yourself down, call me if something bad happen pupunta ako d'yan."] Tumango tango ako kahit hindi n'ya nakikita.

Hindi ako nakapagsalita. ["Tell them you're receiving threats for them to be aware of whats happening, You'll have my men around you."]

"Kuya baka hindi na nila ituloy ang party! Kasalanan ko 'to e!"hindi ko na napigilang mapaluha.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon