CHAPTER TWEENTY ONEKELLIE's POV
Dinaluhan ako ng dalawang men in black na tauhan ni Kuya patungo sa bahay, may isang SUV sa gilid at ang Black Honda ni Kuya sa gilid ng SUV, mas dumami ang mga tauhan.
Pagkapasok sa loob ay natatanaw ko na ang living room, si Kuya nakatalikod sa gawi ko, his hair is messy as usual, wearing his longsleeves rolled till his forearm, mukhang kagagaling lang n'ya sa opisina, si Mama ay maluha luhang nakatingin sa lalaking nasa wheelchair na nakatalikod sa gawi ko, may isang lalaking doctor sa gilid at ang isa ay babaeng nurse.
Nang tuluyan na akong nakapasok sa loob ay hindi naalis ang tingin ko sa lalaking nakatalikod sa gawi ko, nakaupo sa wheelchair.
My mother noticed my presence, she walked towards me with tearful eyes, namumutla mukhang nag-aalala. Pakiramdam ko'y hindi ako ang dahilan kung bakit s'ya lumuluha, kundi sa lalaking naka wheelchair.
She embraced me with a warm hug, I hugged her back and look at Kuya with consufed look, bakit ganto ang kinikilos ni Mama? anong nangyari.
Pumungay ang mga mata ni Kuya na nakatingin saakin, I faced my mother and looked at her confused, can someone tell me what's happening?
"Bakit, ma?" My voice laced with concern. She just shook her head and smiled at me waryly.
"Ang papa... ang p-papa... Ang papa ng kuya mo, nandito... A-akala ko anak, w-wala na s'ya..." naiiyak na sagot ni Mama, her cheeks filled with new set of tears. Mabilis kong pinunasan ang magkabilaang pisngi n'ya at niyakap para aluhin.
May tinawag na kasambahay si Kuya para bigyan ng maiinom si Mama at pamunas para sa luhang kanina pa umaagos, pinakalma ko ito matapos paupuin sa malapit na couch.
Hindi nagsasalita ang Tatay ni Kuya kundi nakatulala lang sa kawalan seems to be unpredictable. Seryoso at madilim ang mga mata, hindi maikakailang mag-ama nga sila ni Kuya. They both have the same virile and ruthless features, they also both have intimidating dark brown eyes.
Tingin ko'y nasa mid 40's na ito kagaya ni Mama. They have a sort of good relationship before, pero kahit ganoon ay nabiyayaan parin naman sila ng supling and that is my brother.
Kumalma na si mama habang si Kuya ay kinakausap ang Doctor sa tabi ng kanyang ama.
Nang makatulog si mama sa aking tabi dahil sa pag-iyak ay ilang minuto kong pinagmasdan si Leandro Salazar Sr. ganoon parin wala talagang nagbabago sa nahahabag pero madilim nitong ekspresyon.
Namilog ang aking mga mata ng dahan dahan nitong inilihis ang ulo patungo sa direksyon ko ka'ya nakatingin na ito saakin ngayon, unti unting pumupungay ang mga mata. My lips parted, I don't know what to react! Hindi ko alam kung ganito ba s'ya, na ngayon lang ba n'ya ito nagawa?
"He still don't have any improvements." malungkot na sagot ng kanilang Family doctor. Kuya carressed his nape and looked at his father when he noticed it! He just turned his head on me! And suddenly his eyes become tender.
Biglang nanlambot ang aking puso, ang panginginig ng aking mga palad at panlalamig ay hindi ko alam kung saan pinagmulan na pawang biglaan na lang napadpad sa sistema ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganto rin kagaan ang loob ko sakanya magmula ng nakita ko ang likod n'ya sa pintuan pa lamang.
Nilingon ko ang Doctor at si Kuya na nakatingin saakin, I bite my upper lips and shrugged my shoulders off. Hindi ko alam kung bakit nag-react ito ng ganito saakin. At kung bakit naging ganito rin ang reaction ko ng makita s'ya sa unang pagkakataon.
"I don't think so, Doc..." sagot ni Kuya.
Kinausap ni Kuya ang nurse at ang Doctor na dalhin muna ang kanyang ama sa isa sa mga guests room para makapagpahinga mula sa mahaba habang biyahe, mukhang nanggaling pa ito sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
Still Yours
General Fiction(Book 1: Kellie's Living with the Six Jerks) Disclaimer: All images used are not mine, credits to the rightful owners.