Chapter One

3.5K 136 25
                                    











****

CHAPTER ONE

KELLIE's POV

"I'm hooome!"

Tinanggal ko ang scarf na nakapulupot sa leeg ko kanina pa sa airport, ewan ko ba nilalamig parin ako kahit nasa pilipinas na ako, siguro dahil narin sa sobrang lamig na inabot ng katawan ko sa Canada na nadala ko rito sa pilipinas.

Napabuntong hininga ako ng maalala nanaman ang dahilan ng pagsakit ng puso ko. Hanggang ngayon ay masakit parin sakin ang ekseang 'yon ilang oras pa lang ang nakakalipas.

Hays Kellie tama na, move on na. Ani ko sa sarili.

"Anybody home?"si Leandro na kakapasok lang. pansin ko rin mukhang walang tao napakatahimik kasi. Usually hindi ganto sa bahay lalo na sa mga kapatid ko na Maya't maya ang sigawan at takbuhan.






"WELCOME BACK!"May malaki silang hawak na Banner maski sa pader ay merong welcome back may confetti pa nga e.

Napangiti ako, kahit papaano ay nawala ang pagod ko dahil sa surprise nila na hindi ko naman inaasahan. si Lyra at Lila ay nandito rin na napakalaki ng pinagbago lalo na si Lila na hindi mo aakalain kung makikita mo ang picture nya noong mataba pa s'ya, halos walang bakas ng dating Lila. Sa totoo lang ay nanliliit na ako sa sarili sa ganda nya. Si Lila malaki rin ang pinagbago mas lalong gumanda at nagmatured na tignan. Si Hazel na malaki rin ang pinagbago hindi papatalo, mukha na syang babaeng babae hindi dati na para syang Lesbian wala na ang cap na laging suot nya nagsusuot narin ng palda kahit hindi pumapasok.

Halos lahat nagbago, well ganon naman talaga lahat nagbabago pero maliban sa nararamdaman ko.

"Siiiis! I miss youuu!"Mabilis akong nilapitan ng dalawa para yakapin, niyakap ko sila pabalik at ngumiti.

"Gosh! hindi lang yata two years ng umalis ka e, it's like Ten years! namiss kita sobra,"si Lyra na halos humagulhol na.

Hinarap ko naman sila. "Namiss ko rin ka'yo, sobra,"

Lumapit naman si Hazel at niyakap rin ako ng mahigpit, niyakap ko rin sya pabalik. "Pasalubong ko ah? Hehe,"

"Syempre, ikaw pa ba makakalimutan ko?"

"Ayun! kaya lab kita e, dika madaling makalimot hehe,"Nginisian ko lang s'ya paniguradong magugustuhan n'ya ang T-shirts at iba pang pasalubong ko sa kanya na gustong gusto nya.

"I'm so hungry naaa!"

Natawa naman kami ng sumigaw si Lillian na hinimas pa ang sikmura n'ya napaka cute na bata. actually kasama naming umalis si Lillian tutal kapatid naman sya ni Leandro kaya tinuring narin namin syang kapamilya. namatay ang mommy n'ya sa hindi malamang dahilan at hindi naniniwala si Leandro na nagpakamatay ito dahil sa depression ng itago ni Leandro ang ama matapos manganak.

Wala parin akong alam kung nasaan ang tatay ni Leandro hindi nya sinasabi saamin.

"Nagugutom na ang Lilli. halina't kumain,"si Mama na nakangiting niyaya kami papuntang sala, may malaking mesang inihanda at napakaraming pagkain, may mga pagkaing luto sa Canada na madalas lutuin ni mama ng matutunan n'ya maski ang niluluto ko ay niluto rin ni mama ang paborito ko.

Nilapitan naman ako ni mama matapos kausapin si Leandro. "Anak kumain ka ng marami alam kong napagod ka,"Ngumiti lang ako matapos ay umalis na si mama.

Sa totoo lang ay may Jetlag parin ako kaya gustong gusto ko ng magpahinga pero gusto ko namang kumain baka magtampo si mama na hindi ko manlang kinain ang handa nya para saakin.

Still YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon