Official Five

1.8K 66 18
                                    

Official Five:

THE DINNER was great! Tito Fred's joke will never get out of style. Tapos, he would often ask me questions like, how am I doing, my parents, Max and Madi and the best question is when will I marry Keanu.

Pero syempre, si Keanu 'yon, kaya automatic na titili iyon at hindi sasang-ayon. Napaparolyo nalang tuloy ako ng mata, pakipot pa kasi, if I know, inlove na 'rin siya sa akin. Charot!

"Medyo madili pala sa loob, mukhang gumala si Manang Gina kasama si Lean." Sabi ko kay Keanu na nasa tabi ko. We decided to have a sleepover. Yes, kami lang, sina Paula at Antonia kasi ay magbabarhopping 'raw and besides, bonding na 'rin 'daw namin ni Keanu ito.

"Lean?! Omg! I wanna see her! Namimis ko na ang baby natin!" Nahulog ang puso ko nang sinabi niya 'yon. Syete lang! Hindi ako prepared! Nag-overthing tuloy ako bigla na pagbukas ng pintuan ay sasalubong ang mga anak namin ni Keanu na sabik na sabik sa amin- chareng!

"'Bat katulala, sis?" Tanong niya sa akin ng nasa gilid ko. Hindi ko pa pala napapasok ang susi sa doorknob. Nagulantang kasi ako diba.

"Ginugulat mo kasi ako! 'Di nagpump ng blood ang heart ko for five seconds." Natawa naman si babes sa sinabi ko.

"Funny ka talaga sis! Hanggang ngayon talaga ganiyan parin effect ko sa'yo?" Tanong nito at binuksan ko na nga ang pintuan. Nauna akong naglakad papasok papunta sa kusina at siya naman ay nakasunod. Syet, nalagpasan namin 'yung ilaw.

"Oo, baka kahit 20 years na ang nakalipas, ganito pa 'rin e." Sabi ko sa kaniya at nilingon siya. Napatitig naman siya sa akin at ako naman ay nailang. Umiwas ako ng tingin at naglakad kaso lang tanga ang ate niyo girl, natapilok.

"Ay!" Napapikit na lamang ako ng mariin dahil ineexpect ko na ang malamig na sahig kaso may naramdaman akong mainit na bagay na pumulupot sa aking bewang.

"Ang clumsy mo pa 'rin talaga." Sabi ni Keanu na malapit ang mukha sa akin. Naduduling ako! Tsaka ano, hindi ako makahinga! Ang lapit niya, huhu.

"Oo nga e, hanggang ngayon kasi nahuhulog parin ako sa'yo." Ow shiii- hindi ako nautal! Nice job Lexine.

Lexine- 2
Keanu-0

"Pero lagi naman akong nakakasalo sa iyo." And i-

"Hindi naman lagi."

"Atleast nasasalo parin."

"Hindi parin talaga counted."

"Counted 'yon kasi sinasa-"

"Hindi nga e! Kasi hanggang ngayon mahal pa 'rin kita pero hindi mo pa 'rin ako mahal!" Napatigil siya sa sinabi ko at 'don ko na kinuha 'yung chance para makatayo. Though nagjejelly ang mga tuhod ko dahil sa sagutan namin.

"Lexine?" Rinig ko ang mahinang tawag mula sa sala. Mukhang si Manang Gina na iyon.

"Nandito po sa kusina!" Malakas na bigkas ko at napatingin naman ako kay Keanu na tahimik parin. Nagbukas na ang mga ilaw at bumungad na rin si Lean na tumatakbo papalapit sa akin. Lumuhod ako at sinalubong si Lean. Dinambahan naman ako nito.

"Lean! Omygosh! Namiss ka ni Mommy!" Sabi ko sa kaniya kahit na ilang oras lang naman kami nagkahiwalay.

"Lean?" Sabi ni Keanu na animo'y naiintindihan ni Lean ang pagtawag niya. Pero parang taong lumingon si Lean at tinahulan si Keanu.

"Arf! Arf!" Sabi nito atumalis sa kandong ko at sabik na lumapit kay Keanu. Napangiti naman si Keanu nang abot tenga at kinarga si Lean.

"Ang laki na ng baby namin! Omg namiss ka ni Daddy! Inaalagaan ka ba ni Mommy ng maayos ha?" Sabi nito at hinimas ang mabalbon nitong balat. Dinilaan naman ni Lean si Keanu at tumawa naman si Keanu sa kakulitan ni Lean.

Napangiti tuloy ako, ang saya nila tignan. Well, before kasi umalis si Keanu, siya ang nag-aalaga kay Lean, pabisita-bisita lang ako kahit na bigay na niya sa akin si Lean. Kaya nga noon ay halos sa bahay na niya ako tumira dahil gusto ko lagi ko silang nakikita.

"HAHAHA ang cute mo pa 'rin! Nako 'kung wala ang mommy mo dito iuuwi na ulit kita!" Nanggigil na sabi niya at dinilaan naman siya ni Lean.

"Tama na 'yan Keanu, nakamake-up ka pa." Sabi ko sa kaniya at kinarga si Lean.

"Palit ka muna ng damit at maglinis ka na muna 'ron bago mo panggigilan si Lean." Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Napatulala naman ito sa akin. Anong meron? Kanina pa siya natutulala.

"Huy?"

"A-Ah, oo. Tataas lang ako. Sige po Manang," Sabi niya at nagmamadaling umakyat despite of his 6 inch heels.

"Nakauwi na pala si Keanu?" Tanong ni Manang sa akin.

"Opo, kanina lang po ulit kami nagkita." Sabi ko kay Manang at umalis na kami ng kusina.

"Kamusta naman? Ayan? Kamusta iyan?" Sabi ni Manang sabay turo sa puso ko. Natawa naman ako ng mahina sa tanong ni Manang. Kilalang kilala niya talaga ako. Alam kasi niya ang sitwasyon namin ni Keanu, nanghihinayang 'man siya sa amin sapagkat maganda raw ang magiging tandem namin ay wala naman na 'raw siyang magagawa. Hanggang pag'fafangirl' na lang siya sa amin.

"Okay naman ho... masakit parin." Sabi ko kay Manang at nginitian naman niya ako.

"Ganiyan talaga ang pag-ibig hija, dahil malalaman 'mong tunay ang pag-ibig 'kung may sakit." Sabi niya at niyakap ako.

"Sige na at ako'y magpapahinga na. Ibaba mo na 'rin iyang si Lean at maglinis ka na 'rin na iyong katawan." Tumango naman ako kay Manang at iniwan na kami ni Manang.

"Baba muna kita baby ha? Liligo lang si Mommy." Sabi ko rito.

"Arf! Arf!"










Natapos na akong maligo 'nang mapansin 'kong wala pala akong damit. No choice tuloy akong lumabas sa banyo ng nakatapis lang. Wala 'rin naman kasing ibang tao sa kuwarto, may sarili 'rin kasing kuwarto si babes di-

"Ahhhh! Bakla ka bakit ka nakatapis lang?!"

"Arf! Arf! Arf!"

Dahil sa gulat ay nadulas ako at boom! Ang sakit ng pwet ko at balakang. Tangina bakit kasi nanggugulat?!

"Aray ko po! Jusko! Bakit ka nanggugulat babes?! Ouch! Huhu," napapikit kong sabi 'nang naka-upo pa 'rin at hinihimas ang aking pwet.

"Ano 'di mo ba ak-" napatigil ako sa aking sasabihin 'nang makita ko si babes na nanlalaking matang nakatingin sa pagitan ng hita ko at sobrang pula ng mukha. 'Di ko 'rin naiwasang mamula at agad na tiniklop ang legs ko.

"TANGINA BAKLA KA LABAS!"

MGA GAGO WALA AKONG PANTY!!!

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon