Official Eighteen

1.4K 52 18
                                    

Official Eighteen:

"We should continue this on my bed."

Nagising ako nang maramdaman ko ang gutom. Tinignan ko ang bintana tapos narealize ko na gabi parin pala. Schocks! Magdamag nga pala kaming naglinis tapos...

Wait!

Syet oo nga pala, bininyagan namin itong kuwarto niya. Napasabunot ako sa sarili ko, kinukulong ko nanaman ang sarili ko sa kaniya! Argh! Ang tanga talaga Lexine.

"Hmm, ang likot mo Lexine." Mahinang halinghing ni Keanu na nakayakap sa bewang ko at mas hinigpitan niya pa iyon.

Naramdaman ko tuloy boobs niya.

Yawa, naalala ko 'kung paano ko nilamas 'yon katulad ng paglamas niya sa boobs ko. It's a bit strange, dahil first time na may nangyari tapos... may boobs siya. Argh!

Hinarap ko si Keanu at nakita kong mahimbing parin ang tulog niya, marahil sa sobrang pagod sa pag-aayos ng bahay at paglalaro sa akin, ay chos ang bastos.

Napatulala ako sa mala-anghel niyang pigura. Siguro, 'kung buhay ang baby namin, kamukha niya. Iniangat ko ang isang hintuturo ko at marahang tinrace ang kilay niya... matangos na ilong... mapupulang pisngi... pink na labi...

"Nakikiliti ako, Lexine." Mahina niyang sabi habang nakapakit. Natawa naman ako nang mahina.

"Keanu, bitaw. Nagugutom ako. 'Di ka ba nagugutom?" Umiling naman siya at hinapit ako. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko kaya't ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Syet! Nanghihina ako.

"Hindi pwede Keanu, hindi pa tayo naghahapunan. Masama ang malipasan ng gutom." Malambing kong sabi sa kaniya at unti-unting humiwalay sa kaniya. Huhu, babye babi. Charot.

"Antok pa akez, enebeyen." Bumango siya mula sa pagkakahiga at nalimutan niya atang may boobs na siya sa sobrang antok kaya hindi niya naipit ang kumot. Natawa naman ako sa itsura niya.

"HAHAHA ano ba 'yan Keanu! 'Yung boobs mo kita!" Sabi ko sa kaniya habang nakaturo sa boobs niya.

Umirap naman siya at tumayo. Lumabas tuloy ang baby Keanu niya. Ang weird! Medyo malaki boobs ni Keanu tapos ang laki ng baby niya.

"O bakit ka nakatingin? Bastos ka naninilip ka." Sabi niya sa akin na ikinatawa ko lalo.

"Gago!" Sabi ko sa kaniya at binato siya ng unan, "Magbihis ka nga! Or 'di kaya mag bathrobe ka!" Sabi ko sa kaniya at inirapan naman niya.

"Okay, Madame." Sabi niya at sinunod ako. Halata sa itsura niyang inaantok pa siya kaya hindi siya natatawa.

"Magluto ka na rin, hihi labyu." Pang-uuto ko pa sa kaniya at sinunod naman niya ako. Pagkatapos magsuot ng bathrobe ay pinusod niya ang buhok niya at pagkatapos ay tamad lumabas ng kuwarto. Napangiti na lamang ako sa sumarang pintuan.

Sana hindi na lang matapos 'to.

Lumipas ang ilang linggo ay nagpatuloy parin ang friendship namin ni Keanu. Napag-usapan na rin namin ang nangyari noon sa bahay niya. Ang usapan na lang namin ay last na 'yon. Baka nadala lang kami ng emosyon. Masakit 'man, sumang-ayon na rin ako. Ayoko namang mag-cling sa nangyari sa amin, masyadong mahalaga ang pagkakaibigan namin 'kung mas uunahin 'ko iyon.

To: Keanu

Hello Keanubabes! Free ka ba mamaya? Wanna eat dinner and then sleepover?

Napasandal ako sa sofa habang inaantay ang reply ni Keanu. It's been weeks, nagkikita naman kami pero minsan ay tinatanggiham din niya.

From: Keanu

Sure, girl! Saan tayo?

Wow! Pumayag siya, anong meron? Buti na lang hindi siya busy. Ang sakit na mareject ha! Ilang beses na niyang nireject paanyaya ko.

To: Keanu

Dito na lang sa bahay! I'll cook.

From: Keanu

Ocakes! I'll be there in a few. Mag-aayos lang me.

Pagkasabi niya 'non ay agad akong tumayo at nag-ipit ng buhok. Hindi pa pala ako naliligo! Anyway, mamaya na lang ako maliligo after I prepare.

Nakita ko si Lean na naka higa sa carpet. Agad ko siyang binuhat ang binigyan ng kiss. Naeexcite ako!

"Baby, makikita natin ang Daddy mo later! Excited ka na?" Tanong ko rito habang yakap ito.

"Arf! Arf!"

Naging mabilis lang ang pagprepare ko ng pagkain, agad akong naligo at nagbihis. Tanging spaghetti strap na dress na pantulog ang suot ko, tutal, matutulog din naman kami later.

Narinig kong may nagdoorbell sa labas kaya agad akong lumabas ng kuwarto at tinahak ang papunta ng pintuan. Hindi na ako nagulat nang pagbukas ko ng pinto ay si Keanu ang bumungad sa akin. Nakasuot na rin siya ng pantulog at may hawak na maliit na bag, for skincare.

"Hi! Wow, ang aga mo ata maligo?" Tanong nito at binuksan ko ng bahagya ang pintuan.

"Ngayon pa lang talaga ako naligo, nakatunganga ako maghapon e." Kamot-ulo kong sabi sa kaniya kaya nilingon niya ako.

"Ang productive ng araw mo girl ha?"

"Syempre! Tara na kain na tayo, I'm hungry." Sabi ko sa kaniya at umangkla ako sa braso niya para ayain siya sa dining table.

"Ang daming pagkain! Anong meron?" Tanong niya sa akin.

"Arf! Arf!" Bago ko pa masagot si Keanu ay lumapit na ang anak namin sa kaniya. Agad naman siyang yumuko at binuhat si Lean.

"Awee! Hi baby, I missed you! Namiss mo ba ang Daddy?"

"Arf! Arf!" Napatawa naman si Keanu at binigyan ng kiss si Lean bago inusog ang upuan at umupo roon habang kandong si Lean.

"So, bakit ang daming foodie? Bibitayin na ba akez?" Natawa naman ako sa sinabi niya at umiling.

"Wala naman, gusto ko lang magluto ng marami. At saka, ngayon ka na lang ulit um-oo sa paanyaya ko! Grabe ka, nakakatampo na. Siguro may secret ka sa akin." Sabi ko sabay pout, emote langs.

"Gaga! Tampururut ka pa riyan. Andites na aketch o! Lafang na lang tayo." Sabi niya na medyo kabado.

"Anong meron parang tensed ka." Sabi ko sa kaniya na pinapanuod ang kilos niya.

"W-Wala! Tom jones ka lang sis."

"Sure ka?" Panghuhuli ko pa sa kaniya. Tumango naman siya at nagsimulang magsandok ng pagkain.

"Oo beh, sure ako. Kumain na lang tayels. Etong o lafang ka marami." Sabi niya at sinandukan ako ng pagkain.

"Okay, sabi mo e."

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon