Official Fifteen

1.8K 60 6
                                    

Official Fifteen









"Oo." Mahinang bulong niya na mas ikinagulat ko. He- She just gave me a smirk at sa hindi malamang dahilan ay napatingin ako sa mapulang labi niya. He did the same, those stares...

"GOODMORNING PHILIPPINES! GOODMORNING WORLD!" Napatalon ako mula sa pagkakaupo dahil sa gulat, ang ending ay kalong-kalong ako ni Keanu dahil nakapulupot ang legs ko sa bewang niya. Hindi ko namangmaiwasang mamula dahil sa pwet ko siya nakakapit.

"Ano ba 'yan sis ang aga ang ingay niyo!" Singhal ni Keanu sa mga bagong dating. Napahagikhik naman sina Max at Madison. Yep, sila 'yung bagong dating at kasama pa nila si Craige. Umupo ang mag-asawa sa sofa habang kandong ni Madison si Craige.

"Ngangang!" Masiglang bati ni Craige sa akin pero hindi ko naman sila masalubong dahil kalong parin ako ni Keanu.

"Ay ang shala, ang aga aga may kalungan na ganap. Partida naka nighties ka girl." Pang-aasar sa amin ni Max na ikinapula ko naman. Si Keanu 'yung sinasabi ni Max na naka- nighties, 'yun kasi 'yung pinalit ko sa damit niya kagabi. I know kasi na mas comfortable siya when she wears nighties pag matutulog.

"'La 'kang pake!" Sabi nito at mas hinigpitan ang kapit sa akin.

"Baba mo na si Lexine, Keanu, nakikita ng bata." Mahinhing sambit ni Madison kay Keanu. Ang hinhin naman ng buntis na 'to! Marahan akong binaba ni Keanu at hindi na ako tumingin sa kaniya, diretso akong lumapit kay Craige. Pinantayan ko ang bata at hinaplos ang buhok.

"Goodmorning, Craige! Did you eat your breakfast na?" Sabi tanong ko sa dalawa.

"Opo nang, how about you po? Did you eat na?" Pacute na tanong sa akin ni Craige kaya 'di ko naiwasang pisilin ang pisngi nito.

"Nako anak mukhang nagkakainan- este kumakain na si Ninang at Ninong mo." Mabilis naman na lumipad ang kamay ni Madison sa balikat ng asawa.

"Aray mamsh! Masheket!" Maarte bigkas ni Max.

"'Yang bibig mo! Bata 'yan, Max." At dahil under si Max ay nanahimik na lang ito.

"Kakain muna kami ni Ninang baby girl, do you want to join us?" Nagulat ako nang biglang tumabi sa gilid ko si Keanu at pinantayan din si Craige, inakbayan pa niya ako.

Nahihiya namang tumingin si Craige sa magulang niya na para bang nagpapaalam.

"Pero I ate na po ih," ngumuso siya sa amin at tinawanan naman namin ito.

"Hayaan mo na sina Daddy mo, ako bahala. Come on, kain ka ulit with Ninang and Ninong." Sabi ni Keanu at inakay ang bata. Hinawakan naman ni Keanu ang kamay ko kaya hindi ko naiwasan hindi mapasunod sa dalawa.

"Hoy paalala lang, kami magulang niyan! Jusko, para kayong family chenelin! Gumawa na ka- Aray love! Huhu joke lang, sige enjoyin nyo 'yung bata." Sabi ni Max na ikinatawa namin.

We started eating habang sina Max naman ay nanuod ng movies. Si Keanu ang madalas na kinakausap ni Craige dahil lately lang niya nakita muli ang Ninong niya. Ang cute lang dahil kahit babae na ang anyo ni Keanu ay mas prefer pa rin niyang tawagin siyang Ninong 'nung bata.

Nang matapos kumain ay bumalik si Craige sa magulang niya at naiwan kami ni Keanu sa hapag. Mabilisan 'kong inimis ang lamesa at dadalhin na sana ang mga pinggan sa lababo nang pigilan niya ako.

"Ako na," Sabi niya sa akin at inagaw ang mga pinggan.

"Hindi, ako na." Pagpupumilit ko pa sa kaniya pero tonaasan niya lang ako ng kilay at binigyan ng masamang tingin. Tsk, as if matatakot ako sa kaniya?

"Ako na sabi, ako ang babae diba?" Sabi niya sa akin na ikinatawa ko.

"O bakit? babae rin naman ako?" Sabi ko sa kaniya at akmang kukunin niya ulit ang mga pinggan sa akin nang may biglang humablot nito mula sa gilid.

"Ako na gays, baka hindi mahugasan ng maayos ang mga pinggan, kawawers namern." Sabi ni Max at dumiretso ito sa sink. Napatawa na lamang kaming dalawa.

Sumunod naman kaming dalawa ni Keanu sa sala 'kung saan naabutan namin si Madi at Craige na nanunuod ng disney movie. Iniwan namin si Max sa kusina na naghuhugas ng pinggan at naki-upo sa tabi nina Madi.

"Bakit nga pala kayo napabisita?" Tanong ko kay Madi, ngumiti naman ito.

"Well, it's been a long time mula 'nung huling nandito si Keanu, so bumisita kami para naman makabonding ulit kayo ni bakla." Sabi nito sa akin at tumango-tango naman ako rito.

"Kamusta nga pala 'yung baby?" Pag-uusisa ko rito.

"Okay lang naman, hindi pa gaanong halata pero sabi 'nung doctor healthy naman daw. Ikaw ba? Magkasama pala kayo ulit ni Keanu sa iisang bubong? You did not tell us." May himig na tampong wika nito na ikinangiti ko nalang ng slight. Nahiya rin kasi ako bigla.

"Sorry, he's actually staying sa condo niya pero dito lang siya nagstay muna para raw magcatch-upo kami." Sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman ito.

"That's good naman, pero eto lang ha? A piece of advice from a good friend."

"Ano 'yon?"

"Guide your heart. Alam kilala kita Lexine, you may not show it to everyone pero I know na deep inside, you're still hoping for another chance between the two of you."


I know.

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon