Official Twenty- Two

1.3K 67 15
                                    

Official Twenty- Two

Naging magaan ang pag-uusap namin ni Brayan, he also asked me out for breakfast, hindi naman ako tumanggi at gutom na rin naman ako. He told me na he is a CEO of their company, napa-wow na lang ako. Sa itsura niya kasi ngayong nakapang jogging attire siya ay parang wala lang. He also told me na hindi siya out sa family niya, nafeel niya raw na mapagkakatiwalaan ako kaya agad niyang sinabi ang sexuality niya sa akin. Ang bilis naman.

"So ayon nga, gusto ako ipakasal ni Daddy sa anak nung kumpare niya. E ang chaka naman 'non." For a first meeting, ang daldal ni Brayan, he literally told me everything about him.

"Ganito ka ba talaga? I mean kapag kahit first time mo pa lang nakita, kinukwento mo na buhay mo?" Medyo napatigil naman siya sa sinabi ko kaya na-alarma ako.

"Ay sorry, ang daldal ba masyado?" Na-alarma naman ako nang bigla siyang parang nalungkot.

"Hala hindi! Okay lang, nagtatanong lang hahaha, sorry 'kung na-offend ka." Nagkibit balikat naman siya sa akin.

"I'm actually mataray to other people, pero ewan ko, feel kong kaibiganin ka. Ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo." Sabi niya sa akin habang hinahati niya ang pancake na inorder niya. I don't know pero I feel flattered. Aminado rin naman ako, magaan din ang loob ko sa kaniya.

"Thank you," Tanging nasabi ko sa kaniya at ngumiti. Nagpatuloy naman siya sa pagkukwento at pagpapatawa sa akin.

Matapos kumain ay nagoffer na siyang ihatid ako sa bahay, nahihiya 'man ay pumayag na rin ako lalo na nung sabihin niyang same village lang kami.

"Dito ka na?" Tumango naman ako sa kaniya habang hawak ko si Lean.

"Okay! I live a few blocks away lang pala. Sige, ingat ka pagpasok, babye Lean!" Magiliw niyang sabi sa aso ko at sa akin. Kumaway na lang ako sa kaniya nang magsimula siyang maglakad papalayo.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at namg tanggalin ko 'yung tali ni Lean ay may naalala ako bigla.

Tangina oo nga pala, malungkot nga pala ako.

Staring at my whole living room made me sad for a bit. Dito kami naghaharutan e. Dito kami nagchichismisan. Dito kami masaya.

Hindi ko napansin na tumulo nanaman pala ang luha ko, akala ko ubos na.

I stood up and breathe, kaya ko 'to. Hindi na 'to bago Lexine, kakayanin mo 'to.

Dumating ang gabi, nawala sa isip kong pupunta nga pala si Keanu hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng doorbell.

Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos ng itsura, para saan pa? Mag-uusap lang naman kami.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Keanu, blooming. Wow, sana all.

"H-Hi, I brought dinner!" Kabadong sabi niya sa akin. Ilang segundo akong walang imik hanggang sa unti-unti akong ngumiti sa kaniya, hindi abot hanggang mata pero nakangiti.

"Pasok ka..." Sabi ko sa kaniya at mas nilakihan ang bukas ng pinto.

Tahimik naming tinahak ang loob ng bahay. Nilibot naman niya ang tingin sa living room.

"N-Nag-linis ka? Umiba ang ayos ng mga gamit mo..." Sabi niya sa akin, tumango naman ako sa kaniya habang inaayos ko ang dala niyang pagkain.

"Oo, for a change." Hindi na ako nakarinig pa ng salita mula sa kaniya nang sabihin ko iyon. Nagulat naman ako nang hatakin niya ako paharap sa kaniya at niyakap ng mahigpit. Lexine, sinasabi ko sa'yo huwag kang iiyak. Tama na ang isang linggo.

"I missed you, I'm sorry..." Mahinang bulong niya sa balikat ko. Naramdaman ko ring nababasa na ang balikat ko dahil umiiyak na rin siya.

Mahina ko siyang tinulak palayo, nang magkaharap na kami ay ngumiti ako sa kaniya.

"Kain na muna tayo?" Tinignan niya lang ako kaya napaiwas ako ng tingin at tinalikuran siya ulit.

Nang maayos ang hapag ay sabay na kaming umupo sa silya at magkatapat na umupo.

Habang kumakain ay naramdaman ko ang panaka-nakang tingin ni Keanu sa akin. Gusto niya na atang mag explain.

"Sige go, mag-explain ka na." Sabi ko sa kaniya habang nakain. Narinig kong bumuntong hininga siya at inayos ang upo.

"Lexine, I'm sorry. Hindi ko naman intensyon na itago sa'yo 'yon. Gusto kong ikwento sayo, gusto kong sabihin pero..."

"Pero ano?" This time, tumingin na ako sa kaniya. Nakita ko naman na parang nataranta siya.

"Natatakot ako..."

"Bakit ka naman matatakot? Nagsex na nga kayo natatakot ka pa?" That was harsh, pero go Lexine. Pakatatag ka self.

"Hindi naman 'yon Lexine, natatakot ako... Natatakot ako sa magiging reaksyon mo." Mahina niyang sabi sabay tungo. Napatawa naman ako ng peke.

"Natatakot sa sa magiging reaksyon ko? Pero sa mararamdaman ko dahil tinago mo sa akin, hindi ka natakot?" Nanatili lang siyang naka-yuko. Hindi niya ako tinapunan ng tingin.

"K-Kaya nga I'm sorry..." Mabagal at mahina niyang sabi sa akin.

"Tanginang sorry 'yan Keanu. Paulit-ulit." Biglang nagflashback lahat ng mga sorry niya sa akin. Pucha, lahat na 'yon pinatawad ko.

"Sino 'yung lalaki na 'yon? Boyfriend mo? Fuck buddy? Sexmate?" Tanong ko sa kaniya habang nilalaro ang tinidor na hawak ko.

"Boyfriend." Nabitawan ko ang hawak kong tinidor sa sobrang gulat.

"W-Wow... Kailan pa?" Ay hala sige Lexine saktan mo sarili mo.

"B-Bago pa ako bumalik dito." Naramdaman kong naghargumento ang puso ko nang marinig ko iyon. Ang lakas ng tibok ng puso ko, nabubuhay ulit 'yung sakit.

"W-Wow ulit..." Hindi ko alam ang sasabihin ko! Grabe, gusto kong sumabog.

"A-Ang tagal nating magkasama dito K-Keanu, h-hindi mo man lang nabanggit? Ang tagal nating nag-uusap, hindi man lang sumagi sa isip mo?" Naiiyak ako, fuck emotions.

"H-Hindi pa ako handa, natatakot nga ako. Kaya nga nag-sosorry ako Lexine." Nanatili ang titig ko sa kaniya. Padabog akong tumayo at akmang iiwan na siya nang kunin niya ang pulsuan ko.

"L-Lexine naman..."

"Umalis ka na Keanu." Kalmado kong sabi sa kaniya pero hindi siya natinag.

"Bingi ka ba? Sabi ko umalis ka na!" Medyo naging emosyonal kong sabi sa kaniya, nagsisimula na ring lumabo ang mga mata ko.

"Kaya ayaw kong sabihin Lexine e. Nag-sorry na nga ako diba? Sincere ako, ayoko ng ganito Lex..." Pagmamakaawa niya sa akin, kita ko ang pag-angat baba ng balikat niya pero wala akong pakielam.

"Tinatanong pa ba 'yan Keanu? Nagsinungaling ka! Nagtago ka ng sikreto! Masakit 'yon sa part ko Keanu! Wala ka bang tiwala sa akin?" Madamdamin kong sabi sa kaniya. Ang sakit! Sobra!

"Kaya nga nagsosorry ako, nagsisisi ako. Bakit ba hindi mo matanggap 'yung sorry ko?" Umiiyak niyang sabi, still, nakahawak siya sa pulsuan ko.

"Hindi Keanu, ayoko parin. Alam kong mababaw pero Keanu alam ko kung ano ako bilang isang tao, ayokong may pinanghahawakan ako tapos nababali lang naman." Naalala ko nanaman 'yung lecheng sinabi niya na walang taguan ng sikreto. Ang lakas magsabi, siya naman pala 'tong malihim. Ang galing.

"B-Bakit? Hindi na nga ako uulit diba? Nagsisisi na ako, ayoko ng ganito Lexine hindi ko kaya." Tinanggal ko naman ang kapit niya sa akin. Nakita ko ang pamumula nito. Tinignan ko sa mata si Keanu.

"Nakaya mo nga akong hindi kausapin ng matagal dahil diyan sa lalaki mo. Paanong hindi mo kaya?" Peke akong tumawa, "huwag nga tayong maglokohan dito."

===
xoxo

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon