Official Nine

1.6K 48 2
                                    

Official Nine

(play niyo 'yung nasa multimedia para feels!! Enjoy reading!❤️)

"Ang sakit Madi... Ang sakit sakit." Sabi ko kay Madison, nandito ako sa bahay nila ni Max. Sinasamahan akong uminom ni Max at Madison ngayon.

"Hindi ka ba nagkulang?" Tanong ni Max na ikina-iling ko.

"Hindi, sobra pa nga e. Sobra-sobra..." Muli akong humagulgol at ininom ang alak na aking hawak. Nabigat na ang katawan ko, nahihilo na 'rin ako.

"Baka nasakal?" Madison said na ikina-iling ko.

"Hindi 'rin, ang sabi niya wala akong ginawang mali," sabi ko sa kanila at humagulgol.

"Hoy! Hinay hinay sa paghagulgol at tulog na si Craige." Saway sa akin ni Max pero pinagpatuloy ko lang ang aking pag-iyak.

"Nacontact mo na ba si Keanu?" Tanong ni Madison sa akin at akmang iinom siya nang pigilan siya ni Max.

"Hindi ka iinom ngayon, love. Baka magising si Craige, hindi ko kayang patahanin 'yon." Pang-aasar nito kay Madi na ikina-inis ko.

"Huwag nga kayong magharutan sa harap ko! Pag ako nainis hahampas ko sa inyo 'tong bote." Sabi ko sa kanila na ikinatawa nila. Umirap naman ako at muling uminom.

"Kinocontact ko siya, pero hindi talagasiya nasagot. Nagpalit ata ng number, lagi kasing 'toot, too,'"

"Nako, nakablock ka na." Mas napaiyak ako sa sinabi ni Max at muling uminom.

3rd Point Of View

Hindi na malaman ngmag-asawa ang kanilang gagawin sa kaibigan. Nakalupaypay na kasi ito sa kanilang lapag. Minsan ay tatawa pagkatapos ay iiyak naman. Halata sa babae ang sobrang pagkalasing.

"Keanuuuuuuu!" Umiiyak na tawag ng babae kahit na wala naman ang kaniyang hinahanap sa bahay ng mag-asawa. Naisip tuloy ni Max na videohan ang dalaga.

"Uy love, anong ginagawa mo?" Tanong ni Madison na nakasandal sa kaniyang balikat.

"Shh, isesend ko 'to kay Keanu." Sabi ni Max sa asawa.

"Nakocontact mo si Keanu?" Nagulat na tanong ni Madiso. Tumango naman ang huli at napahawak sa bewang si Madison na animo'y papagalitansi Max.

"Bakit hinintay mo pa na magkaganiyan si Lexine bago mo sabihing nakocontact mo si Keanu?!" Naiinis na sabi ni Madison kaya napatigil sa pagbibidyo at nilingon ang kaniyang asawa na galit na.

"Hihi, sorry love. As much as I want to help the both of them, hindi naman iyon pupwede. Masyado akong magiging paepal sa kanila." Sabi nito at niyakap ang asawa sa gilid.

"At saka, I am very sure na may rason si Keanu, we know how much they love each other." Tila narealize naman ni Madison ang sinabi ng asawa at tumango ito. At maya-maya ay naka-isip ito ng ideya.

"Pano 'kung imessage mo kaya si Keanu, love? Tapos pasundo mo si Lexine." Sabi ni Madison pero umiling ang asawa nito.

"Hindi naman pwede 'yon, love. Pa'no makakamove-on si Keanu 'kung susunduin niya si Lexine?" Sabi ni Max pero hindi nagpatinag si Madison sa asawa.

"Dali naaaa! Try mo lang naman, kapag sinundo niya si Lexine, that only means na he- I mean she still loves her. Pero 'kung hindi, dadalahin na natin si Lexine sa guest room." Napa-isip naman si Max sa sinabi ng asawa at tumango naman ito.

"Sige, pero kiss muna." Sabi ni Max na ikinatawa ni Madi.

"Mwuah! Ayan, text mo na dali." Pabgungulit nito sa asawa kaya agad na binuksan nito ang cellphone at nagcompose ng message para kay Keanu.

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon