Official Six

1.7K 62 12
                                    

Official Six:


"Okay na ba, Lexine?" Rinig kong tanong sa akin ni Keanu mula sa labas ng kuwarto. Nakapagbihis na rin naman ako pero syempre nahiya ang gaga.

"Teka lang kasi, compose ko lang self ko." Sabi ko mula sa kuwarto at narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Keanu.

"Ano ka ba bakla? Okay lang 'yan! Magkakaganiyan 'din naman ako e." Agad akong lumapit sa pintuan at mabilis na binuksan iyon. Sinalubong ko ng masamang tingin si Keanu.

"Anong sabi mo?" Nanliliit mata 'kong sabi sa kaniya pero inirapan lang naman niya ako.

"Ang sabi ko, magkakaroon 'din naman ako ng ganiyan, kaya huwag ka na mag-inarte diyan as if naman nakuha ko ang virginity mo." Mapanukso niyang sabi na mas ikinainis ko. Ibinuka ko ng maigi ang pintuan at nilapitan siya ng kaunti pero agad 'din naman itong umurong. tsk, ang duwag ng baby ko.

"Kinuha mo naman talaga diba? Gusto mo paalala ko sa-" agad na naputol ang sasabihin 'ko nanag malakas siyang tumili. Mabuti na lamang at umalis na si Manang at kami nalang ang nandito sa bahay at saka si Lean.

"KYAAAAAAAAH! Ano ba! kadiri ka! Bakit mo ba piapaalala 'yon?!" Nanlilisik matang tanong niya sa akin na ikinatawa ko.

"Sino ba nagmention ng virginity dito? Diba ikaw? I'm just giving you a favor. Baka lang kasi gusto mo-"

"ANO BA SIS?! Stop na okay?! Ang tagal na 'non juskopo! And how many times do I have to tell you na I was drunk that time?" Medyo kumalma na siya sa pagkakasabi sa huling mga salita.

"Drunk? Kaya pala nakapagbihis ka na tapos papaalis ka na 'rin right after we did it. Nahuli ka pa nga ni Madi diba?" Napa-iwas siya ng tingin sa akin nang sabihin ko iyon. Guilty.


-FLASHBACK-


"Lexine you're so bigat!" Nakapalibot ang mga kamay ni Lexine sa balikat ni Keanu at inakay nito si Lexine papunta sa kuwarto nila ni Madi.

"Nako! Bakit kasi iniwan tayo 'nung dalawa?! Ang bigat mo pa naman! 'Pag taaga ako, nagkamuscles, jojombagin kita!" Nanghihimutok na wika ni Keanu sa lasing na si Lexine. Medyo may tama na 'rin siya pero kumpara kay Lexine ay mas matino pa ang isip niya.

"Hindi naman kasi ako lasheng! Nahihilo lang ako pero kilala parin kita 'no!" Umirap lang si Keanu bilang tugon. Kilala niya si Lexine, once na ientertain mo ang mga sinasabi nito ay mas dadaldal ito.

"Oo nga! Kilala pa kita! Ikaw ang babes ko!" Pasigaw na sagot nito kahit na wala namang nagtatanong dito.

"Magsalita ka nga! A-Ay teka! si Keanu ka ba talaga?" Pinakatitigan pa nito si Keanu at hinawakan ang magkabilang psingi pero dahil nagmamaldita si Keanu ay iniiling-iling nito ang kaniyang ulo para matanggal ang pagkakahawak ni Lexine.

"Huwag mo ngang hawakan ang face ko! Ang dumi-dumi ng kamay mo e!" Sakto naman na nasa tapat na sila ng pintuan ng room nina Lexine at Madison.

Mabilisang dinala ni Keanu si Lexine a kama ng dalawa. Pabagsak niya itong nilapag sa kama at agad na nagstretch ng katawan.

"Grabe ang bigat mo! Ilang kilo ba ng bigas ang kinakain mo sa isang araw? Jusko dzai." Sabi niya kasabay ng pag-iinat ng katawan.

"Akala mo nalimutan ko na 'yung sinabi mo kanina?! Nahurt kaya ako 'ron." Lasing na wika ni Lexine habang nakahiga, maypaturo-turo pa ito sa kisame habang nagsasalita.

"Tanggp ko naman na hindi mo ako magugustuhan e..." Sa hindi malamang dahilan ay tila bumagsak ang puso ni Keanu kasabay ang pagtulo ng mga luha na mula sa mga mata ni Lexine.

"... tanggap ko na hanggang kaibigan lang ako. Na kaya mo lang ako pinayagan manligaw ay para mapakain ko ang sarili 'kong mga imahinasyon..." Pahina na ng pahina ang mga salitang binibitawan ni Lexine na mas ikinalungkot 'din ni Keanu. Bibihira lamang niya makitang ganito ang dalaga, kadalasan ay masaya ito at hyper, kaya't sa tuwing nakikita niya itong naiyak ay nalambot ang puso niya sa dalaga.

"Bakit ba kasi ikaw ang mimahal ko? Ang dami-dami namang lalaki diyan na handa akong ligawan pero bakit mas gusto 'ko na ako ang manligaw sa'yo?" Tila natuod si Keanu sa kaniyang kinatatayuan. Bakit siya nasaktan sa ideya na may mga manliligaw si Lexine at hindi siya nito nililigawan?

"AH! Oo nga pala! Kasi ikaw ang mahal ko at hindi sila-" Hindi na natapos ni Lexine ang kaniyang sasabihin nang mabilisan siyang inakay ni Keanu patayo at pina-ikot ang mga kamay sa kaniyang batok. ang mga kamay ni Keanu ay nakahawak sa pulsuan ni Lexine habang ang isang kamay nito ay nakaalalay sa likuran ng dalaga.

In a span of five second, he felt her soft lips against his. Ang lambot. Ito ang kauna-unahang lumabas sa utak ni Keanu. Sa una ay magkalapat lamang ang kanilang mga labi. Hindi alam ni Keanu ang gagawin! Ito kasi ang kaniyang first kiss, at parang hindi naman siya nagsisisi. Tila kumabog ng napakabilis ang kaniyang puso nang biglang higpitan ni Lexine ang pagkakahawak nito sa kaniyang batok. Dahil sa gulat ay napakapit ng mahigpit si keanu sa dalaga. Agresibong gumalaw ang mga labi ni Lexine sa labi ng Keanu na tila ba'y isa itong eksperto.

"Bakit ang galing niya humalik?" Tanong ni Keanu sa kaniyang sarili. Biglang pumasok sa kaniyang utak ang isang imahe na ikina-init ng ulo niya, si Lexine na mayroong kahalikang iba. Hapit ng bewang ng dalaga ay tinugon niya ang mga halik nito kahit na nangangapa pa siya.

"Hmm, you're good..." rinig niyang bulong ni Lexine sa pagitan ng kanilang mga halikan. mas ginanahan tuloy si Keanu sa pagtugon ay umuurong na ito paabante. Dahil nanghihina na rin si Lexine ay natumbaang dalawa sa kama. Nakapatong si Keanu sa dalaga at ang dalaga ay nasa ilalim ng binata.


"I-I don't know! Anyways, manuod nalang tayo ng movie." Sabi ni Keanu at hinawi ako papunta sa gilid. Napatawa na lang ako ng mahina. Ang sakit pala madeny?











































•••
A/N: As a promise! ❤️

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon