Prologue

6K 118 12
                                    

Prologue:

"OMG BABES! OPEN THE DOOR!" I screamed excitedly sa labas ng bahay ni Keanu. Yes, bahay lang niya, he lives separately from his--- her parents. And soon, bahay ko na 'rin! Chos! Ang taas lang ng pangarap 'di ba?

Kanina pa ako nakatok sa labas ng bahay ni Keanu, ang init- init pa naman! No choice 'ko nang binuksan ang pintuan gamit ang duplicate key na binigay miya sa akin.

"Babes!" Pagsigaw ko sa loob ng bahay niya pero walang sumagot. Instead, naamoy ko ang isang masarap na aroma galing sa kusina. Omg! Nakakainis naman si Keanu! Pinagluto pa ako hmp!

Patalon-talon ko 'pang nilakad ang daan papunta sa kusina, from there, i saw a pasta na readily served. Wow! Ang ganda pa ng plating, sureness na he--- she  did effort. Dahil makapal ang mukha ko, I got the fork and tasted the pasta. Ang sarap! Tinignan ko 'kung may extra sauce pa sa pan ang luckily meron pa nga. Kaya agaran akong kumuha ng sandok at nilagyan ng extra sauce and pasta.

"Lexine?" My heart jumped as I heard his voice behind me. Agaran akong lumingon sa kaniya at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan ng kusina suot ang isang oversized t-shirt at boxers.

"Babes! Omg, goodmorning!" Sabi ko sa kaniya sabay subo ng pasta. Nanlaki ang mata ni Keanu nang makita ang kinakain ko.

"What are you doing here at saka bakit mo kinain 'yan?!" Nagulat ako ng medyo nataranta siya. Bakit? Akala ko for me ito?

"Ha? Akala ko para sa akin e, nagtext kasi ako sa'yo 'di ba?" Sabi ko sa kaniya at lumapit naman ako sa kaniya. Napatigil ako nang may mapansin ako sa kaniya, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kumunot naman ang noo niya sa ginawa ko.

"Ano ba? Stop eyeing me." Sabi niya na parang kinakabahan. Nilagay ko ang plato ng pasta sa lamesa at lumapit ako sa kaniya. Dahan-dahan, with a suspicious look ay nilapitan ko siya. 'Nang malapit na ako sa kaniya ay umaatras naman siya sa akin. I have to look up pa to see him 'cause I am small and he is tall.

"B-Bakit?" Kinakabahang tanong niya sa akin. I crossed my arms and raised my brows at him.

"Alam mo, there is something in you today. You look blooming." Pagkoconclude ko sa istura niya. Kinakabahang umirap naman siya to lessen his nervousness.

"A-Ano ka ba? Normal lang sa mga magaganda 'yon. Duh?" Sabi niya sabay tawa ng peke. I looked at him with no emotion at all.

"No, your glow is different, parang ASG." Sabi ko sa kaniya with a poker face.

"A-ASG?"

"After Sex Glow," Sabi ko sa kaniya at nilapitan pa siya para amuyin, "and you don't smell like the usual." Sabi ko sa kaniya kaya napaatras siya ng kaunti.

"Are you hiding something from me?" He--- she knows our rules. No secrets, having secrets is a big sin for our friendship. Being bestfriends/his lover, he doesn't want any secrets, so do I.

"W-What? A-Ano naman itatago 'ko sa---"

"Keana! Have you seen my underwear? Hindi ko kasi makita." Napatigil ako 'nang marinig ko ang isang boses mula sa pintuan ni Keanu. Ayaw ko 'mang tignan ay hindi ko naiwasang mapalingon dito.

From my place, I saw a man, topless with a towel covering his thing. What the freak?! Sumakit ang puso ko nang makita ko iyong lalaki. Napalingon ako kay Keanu na parang nababahala, palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Did he just lie to me?
Walang sali-salita akong tumalikod at kinuha ang bag ko na nasa lamesa. I need to get out of here, I might breakdown any moment. Few more steps away from the door, I heard Keanu calling my name.

"L-Lexine! W-Wait lang I-I can explain." He grabbed my elbow at walang emosyon ko siyang nilingon. He looked so bothered and he looks like he's about to cry.

"Save your explanation Keanu. I won't understand any of them." Plain 'kong sabi, walang emosyon. Kasi I am sure that if show him my weak side right now, I might accept his apology right after.

"P-Pero Lexine..." Tinanggal ko ang kapit niya sa akin at tinignan siya sa mata. Nakita 'kong maiiyak na siya ngayon and it breaks my heart, pero ayaw 'kong maging vulnerable ngayon. I need to look strong.

"I said save it." Sabi ko sa kaniya at muli siyang tinalikuran. I was about to open the door 'nang tignan ko ulit siya.

"Oo nga pala, here's a tip. If you want to keep our friendship, you know the rules, Keanu. Tanggap ko nanaman nang ayaw mo sa akin as a lover, but please, don't throw our friendship away dahil lang doon. At sabihin mo lang if you don't want me in your life, I'll make it easier for you." Congratulations Lexine! Hindi ka naiyak! But I could feel my heart pounding so fast and a lump in my throat.

"K-Kailan kita pwedeng k-kausapin?"

"Ask me again next week. Goodbye."

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon