Official Ten

1.7K 51 6
                                    

Official Ten

Naunang nagising kinabukasan si Keanu sa dalaga dahil sa sinag ng araw na nakatapat sa kaniya. Pansin niyang bumigat ang kaniyang braso kaya nilingon niya 'kung anong nandon. Si Lexine, ang mahal niya, muli ay nasa bisig niya kahit sa kaunting sandali.

"Mahal na mahal kita..." sabi ni Keanu sa dalaga at dahan-dahang inalis ang kamay mula sa pagkaka-unan ng dalaga.

Nag-ayos lamang ito ng kaunti at naghanap ng papel at ballpen. Kahit 'man lang sa sulat ay maipadama niya sa dalaga 'kung gaano niya ito kamahal.





Bandang alas-onse ay nagising si Lexine, akmang tatayo ito 'nang kumirot ang ulo nito, syet, nag-inom nga pala siya ng bongga.

"Anong nangyari kagabi?"

Kinapa niya sa sidetable ang kaniyang cellphone upang tawagan sina Madison. Ngunit imbes na cellphone ay isang papel ang kaniyang nakapa. Kinuha niya ito at binasa, nagpaulit-ulit pa siyang pumikit upang mas mabasa ang nakasulat sapagkat may mga muta pang nakaharang sa kaniyang paningin.

Mahal,

Hello mahal! Goodmorning or goodafter noon! Gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita. Pasensya ka na 'kung hindi sigurado ang jowa mo sa mga bagay bagay kaya't humantong tayo sa ganito. Pasensya ka na at medyo gaga 'rin 'to. Nalilito na rin kasi ako mahal, pero panghahawakan ko 'yung mga sinabi mo kagabi, sana lang, maantay mo ako. 'Kung bumalik 'man ako at hindi na tayo single parehas, sana 'man lang kahit 'yung friendship? Mahal na mahal kita! This is a goodbye for now.

Keanu Babes ni Mahal<3


Napapunas si Lexine sa kaniyang pisngi nang maramdaman niyang may tumutulo na palang luha mula sa mga mata niya.

Totoo pala 'yung mga panaginip niya kagabi? Bakit ganon? Bakit ang sakit, sakit. Tanda pa niya ang mga sinabi niya, akala niya kasi ay panaginip ito. Sana pala nilubos na niya, para kahit papaano ay masaya siya kahit kaunti.













"Wakey, wakey na sis! Magtatanghali na." Rinig niyang tawag sa kaniya ni Keanu.

"Eto na nga babango na." Sabi niya at pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. Sandali siyang naghilamos at bumaba na para kumain. Amoy na amoya ng luto ni Keanu na kaniyang namiss ng sobra. Noon kasi ay si Keanu na talaga ang nagluluto para sa kanila dahil siya daw ang house wife sa kanilang dalawa. Natatawa na lamang siya sa tuwing inaalala ang mga iyon.

"Bakit ka umiiyak?" Salubong ni Keanu sa kaniya nang marating niya ang kusina. Nakita niyang nakaligo na ito at nakabalot pa ang buhok nito sa towel. Suot-suot din nito ang favorite apron niya na hindi niya tinapon noong naghiwalay sila. Nagkibit-balikat naman si Lexine kahit na ang totoo niyan ay napanaginipan niya ang nangyari sa kanila noon.

"Oo nga pala, nagyaya sina Max na magkita-kita tayo. So ano girl? G ka ba?" Tumango naman si Lexine at nagsimula nang magsandok ng pagkain.

"Bakit ang tahimik mo sis? Hindi ka pa nagtutoothbrush 'no?!" Pang-aasar nito sa kaniya pero umirap lang si Lexine bilang tugon.

"Nagtoothbrush ako 'no. Tikman mo pa." Agad naramdaman ni Lexine ang lumipad na basahan sa kaniya.

"Ang bastos ng bunganga mo girl, kulang sa mouthwash." Natawa na lamang si Lexine sa sinabi ni Keanu.

"Alam mo ba," pagsisimula ni Lexine sa usapan.

"Hindi ko pa alam." Pangbabara nito sa dalaga na ikinabwiset ni Lexine.

"Edi hindi. Balakajan." Sabiy ng dalaga at nagsimula na ulit kumain.

"Charot lang girl, ano 'yon?" Tila umamo si Keanu sa dalaga.

"Hindi, wala na. Ayoko na." Sabi ni Lexine at nagpatuloy sa pag-kain.

"Ihh ano ba iyon? Nacurious tuloy ako ng bongga." Sabi ni Keanu at umupo na ito sa harapan niya. Napa-angat naman ng tingin si Lexine kay Keanu at kita niya ang maaliwalas na aura nito. Mukhang naka fresh look make-up ito.

"Ang ganda diba?" Sabi ni Keanu sa dalaga kaya nawala sa pagtitig si Lexine.

"Diyan 'din ang puwesto mo dati." Pag-uungkat ng dalaga sa nakaraan. Napatigil naman si Keanu sa dalaga at umupo ito ng ayos. Si Lexine naman ay napakagat na lamang sa kaniyang kutsara. Wrong move.

"Lexine..." mahinang sambit ni Keanu.

"Hmm?" Sagot ng dalaga at sunod-sunod na sumubo ng pagkain.

"Akala ko ba, okay na?" Malumanay na wika ni Keanu sa dalaga kaya hindi nito iwasang mapaluha. She was trying her best na hindi tumulo ang kaniyang luha, luckily, she did. Malas nga lang dahil namumula agad ang ilong niya at mga mata niya.

"Oo nga, okay lang. Naalala ko lang naman sis, ano ka ba? HAHA sige na, kain ka na 'rin." Kahit na may bumabara sa kaniyang lalamunan ay pinilit niyang diretsuhin ang pagsasalita para hindi mahalata na naiiyak siya kahit na namumula na ang mga mata niya at ilong.

"So, uhm..." Ang awkwaaaard!

"Ano nga ulit sasabihin mo?" Tanong ni Keanu sa kaniya kaya napaangat siya ng tingin dito.

"Ha? Ano 'yun?" Takang tanong niya. Nalimutan niya kasi.

"'Yung sasabihin mo! Ayan nalimutan mo nanaman. Napakamalilimutin mo talaga." Sabi ni Keanu at nagsimula nang kumain.

"Hindi kaya! Tanda ko pa nga 'rin 'kung paano kita minahal..." Naging mahina ang huli g mga salitang kaniyang binigkas kaya hindi ito naunawaan ni Keanu.

"Ano 'yon?"

"Wala, sabi ko ang makakalimutin ko nga." Sabi niya kaya tumango na lamang si Keanu bilang tugon.

"Oo nga pala, mamaya na 'yung meet-up na sinasabi nina Max, tapos, sa bar daw." Natuwa naman si Lexine sa sinabi ni Keanu.

"Wow! Bar?! Himala ata at pinayagan ni Max si Madi?" Natawa naman si Keanu sa dalaga.

"Pinilit ko e." Sabi ni Keanu kaya nanliliit ang mga mata ni Lexine kay Keanu.

"At bakit naman? Siguro hahanap ka ng boys 'no?" Pang-aasar ni Lexine kahit na masakit talaga 'yon para sa kaniya.

"Ofcourse! Sayang namanang opportunity 'no." Sabi ni Keanu kaya umirap na lamang ang dalaga.

"Hmp, bahala ka." At nagpatuloy na sila sa pag-ubos ng umagahan.

Officially Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon