Chapter 17: Where are you?

1.3K 55 1
                                    

Pag gising ko, inalala ko ulit yung nangyari kagabi... mali nga ba na ipilit ko parin yung sarili ko kay Kristian? kung bakit kasi hindi ko napigilan yung sarili ko na sabihin yung nararamdaman ko sakanya, kahit pa alam ko naman na, na alam na nya na may gusto ako sa kanya, pero bakit kasi pakiramdam ko kailangan ko paring sabihin sakanya yun ng galing mismo sakin hindi yung aksidente nya lang narinig.

huminga ako ng malalim at tinakpan ko ng unan yung mukha ko habang sumisigaw, pano ko ba naman haharapin si Kristian nito pag nagkasalubong kami at sa school. Malamang nito hindi na nya ko pansinin talaga ng lubos.

nagmadali akong mag ayos ng sarili para pumasok at agad na bumaba sa labas, tulad ng dati sa gilid lang ako ng gate nakatayo habang hinihintay ko si Kristian lumabas. pero bakit hindi pa sya lumalabas ng bahay nila? anong oras na? sumilip ulit ako sa bahay nila pero this time lumabas nako at naglakad malapit sa gate nila. tumingin ako sa bintana nya at sa bintana sa kusina nakasara parehas pati yung main door nila nakasara.

hindi kaya pumasok na sya? parang naninibago ako, dahil dati kahit hindi pa kami nag-uusap lagi ko syang nakaksabay pumasok pero ngayon parang wala na sya? parang antahimik ng bahay nila.

Bakit iba rin yung pakiramdam ko? Para bang may something sa puso ko na nagsasabi na parang may mali? Parang may hindi tama? Baka naman dahil to sa pagtatangka kong sabihin sakanya yung nararamdaman ko?

Pagkatapos ng klase namin pumunta agad ako sa room nila Kristian pero padungaw palang ako sa pintuan nila bumungad na agad sakin si Jerold palabas ng pinto. Pero hindi nya ko pinansin nagpatuloy parin syang maglakad, galit parin ba sya sakin? Mabilis akong sumilip sa loob ng classroom nila Kristian pero hindi ko sya nakita kaya naman hinabol ko si Jerold.

"Jerold!" Pero hindi nya pinapansin yung pagtawag ko sakanya kaya naman tumakbo ako at hinawakan agad yung kamay nya para tumigil sya maglakad.

"Jerold... hwag naman sana tayong ganito." Hindi sya tumitingin sakin nakatingin lang sya sa harapan nya.

"Kahit anong mangyari, gusto parin kitang maging kaibigan... pwede bayun? Pwede bang bumalik na tayo sa dati? Yung Jerold na nakilala ko?" Tumingin sya sakin at ngumiti ng taimtim pero bakas parin sa mukha nya ang pagkalungkot.

"Hindi ko mapapangako sa ngayon, pero bigyan mo muna ako ng panahon... kung okay lang..." napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay nya at ngumiti ulit sya sakin at nagpatuloy ulit syang maglakad.

"Kung hinahanap mo si Kristian..."

"Ha?"

"Hindi sya pumasok ngayon." Sabi nya at nagpatuloy na ulit syang maglakad.

Simula ng araw nato hindi ko na nakikita pang nagka-ilaw yung kwarto ni Kristian o kahit anong lugar sa bahay nila. Hindi narin sya pumapasok. Kahit si mama hindi alam kung saan nagpunta sila Tita pero pakiramdam ko may tinatago sya.

dumaan ang mga araw, ang linggo, ang buwan pero ni anino ni Kristian hindi ko na nakita? nasan kana? bakit bigla bigla kanalang nawala? bakit kung kailan masaya nako, kung kailan may rason nako para mag stay dito. kung bakit sa unang pagkakataon naging masaya ako ng lubos dun kapa biglang nawala na parang bula. ni hindi man lang sya nagsabi o nagparamdam o kahit anong sign na mawawala sya.

Sa halos apat na taon na lagi ko syang nakikita sa halos apat na taon na lagi kong inaasam na makasama sya sa isang iglap nawala lahat ng yun, ganito ba kasakit maiwan? kahit alam ko na wala naman syang iiwanan dito pero may karapatan naman siguro akong masaktan, hindi ba? nasanay nako na lagi syang nandyan nasanay nakong laging nasa likod nya... na maging anino nya.. na mahalin sya.

ganito pala kasakit pag isang araw nawala nalang sa mga mata mo yung taong mahal na mahal mo, paulit-ulit kong sinisisi yung sarili ko kung bakit naisipan ko pang tangkain na ipaalam yung nararamdaman ko sakanya, okay naman na kami diba?pero bakit kailangan ko pang sirain yun? ang tanga-tanga ko. siguro kung hindi ko tinangkang sabihin yung nararamdaman ko siguro andito pa sya... siguro nakikita ko pa sya. kahit dun lang masaya nako, kahit dun lang magiging okay nako dahil magiging kontento nakong mahalin sya ng malayo at sa sarili kong mundo kesa sa mawala sya sa mga mata ko.

sa sobrang pagmamahal ko sa kanya... sa sobrang pag ikot ng mundo ko sakanya nung nawala sya bigla, parang gumunaw narin yung mundo ko, nawalan ng kulay at saya. minsan iniisip ko na may karapatan ba kong magmahal? may karapatan bakong mahalin? bakit kailangan saakin pato mangyari?

pinipilit kong gawing bato ang puso ko para wala nakong maramdaman, wala ng sakit na parang tinutusok tusok ng karayum ang puso ko, wala ng luha ang tumutulo sa mga mata ko. wala ng hinagpis at tanong na bakit at pano.

sinubukan kong hanapin kung nasan na si Kristian pero nabigo ako wala rin naman kaibigan si Kristian sa school na pwede kong pagtanungan, kahit sa adviser nila tinanong ko narin pero Nanay nya lang daw ang pumunta sa admin office nun, kahit si Jerold walang balita o hindi rin alam kung ano nangyari kay Kristian nung araw na umalis agad sya sa beach ayun narin yung huling araw na nakasama namin sya. ano na kayang nangyari sakanya?

minsan tuloy napapaisip ako kung totoo bang may Kristian akong minamahal oh baka gawa lang sya ng isip ko dahil sa kagustuhan kong mag mahal.

"huy Jepoy! ano na? 2 months kanang ganyan ha." sabi ni Pol.

"hayaan mo na, broken hearted kay Kristian, ito naman kasi si Kristian bakit bigla-bigla nalang nawala? ni anino hindi natin makita. kala mo hindi tayo naging kaibigan sana kahit nagpasabi man lang kay Jerold." wika ni Camille habang hinihimas himas yung likod ko.

"tara kumain nalang tayo" yaya ni Camille.

"Kaya ang taba mo eh, puro ka kain!" Sabi ni Pol.

"Bakit!? May problema ka sa matataba?! Ano ha?!"

Sigh. Gusto ko sanang mapag-isa para makapag-isip ng maayos pero pano ko gagawin yun kung ang ingay ingay nitong dalawang kasama ko? Kung bakit kasi sa dinami rami ng lugar dito sa school nahanap pa nila ako.

"Tara na nga! Kumain nalang tayo!" Sigaw ko sabay tayo, tutal wala narin naman akong choice kung hindi sumama dahil kung di ako sasama, mag i-stay rin silang dalawa rito at di rin ako makakapag-isip ng maayos dahil malamang magbabangayan lang tong dalawang to.

"Anyways, kamusta na pala kayo ni Jerold? Nag-uusap naba kayong dalawa?" Tanong ni Camille.

Tumungo lang ako sa kanya bilang pag sagot ng oo. Actually nag-usap lang kami ni Jerold nung tinanong ko kung alam nya ba kung nasan si Kristian, alam ko may tampo sya sakin dahil sa nagawa ko sakanya pero alam ko naman na mapapatawad nya ko dahil kinausap naman na nya ako nung nagtanong ako sakanya baka siguro kailangan nya lang talaga ng time.

"Dun tayo kain sa bagong bukas na resto sa san Andres! Balita ko masarap daw dun ha? Mura pa." Aya ni Pol.

"San Andres! Ang layo layo nun! Isang oras byahe papunta ruon ano? Field trip?!" Sigaw ni Camille pero bigla rin syang sumang ayon ng sikuhin sya ni Pol.

Alam ko naman na takbo ng bituka nitong mga to eh gusto lang nilang kumain sa malayo para makakita ako ng bagong lugar para huminga. Alam ko kahit hindi nila sabihin pati sila naapektuhan narin sa biglang pagbabago ko. Gusto ko naman maging masaya pero nahihirapan talaga ako.

Umalis na kami at agaran na nakarating sa San Andres para kumain. Umupo ako sa tabi ng bintana para makita ko ang labas, magkatabi naman sa kabilang side si Camille at Pol. Pagkaupo namin dumating agad yung waiter para ibigay samin yung menu na agad naman namin kinuha.

Naghahanap ako ng oorderin ko ng bigla akong mapatingin sa labas, sa kabilang side ng kalye nakita ko ang isang familiar na mukha. Nanlaki yung mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko na para bang hinahabol ang paghinga.

Si tita Krizia! Nanay ni Kristian, habang tinitignan ko syang naglalakad parang tumigil ang mundo ko at sakanya lang nakafocus ang mga mata ko. Sa ilang buwan na paghahanap nakita ko yung isang tao na nakakaalam kung nasan yung taong mahal ko. Binitawan ko agad yung hawak kong menu at agaran na tumakbo papalabas ng restaurant.

Basta ang nasa isip ko ngayon, makikita ko na si Kristian. Kaya hindi pwedeng mawala sa mga mata ko ang Mommy ni Kristian.

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon