Chapter 18: the truth

1.2K 58 1
                                    

Nang makita ko si Tita Krizia, Nanay ni Kristian agad akong napatayo at napatakbo, narinig ko pang sumigaw si Camile kung saan ako pupunta pero hindi nako nakasagot dahil ang tingin ko naka-focus lang sa Nanay ni Kristian. Gusto kong malaman kung nasan na sila nakatira, gusto kong malaman kung bakit bigla nalang silang umalis ng walang paalam, gusto kong maintindihan lahat.

Alam ko walang gusto sakin si Kristian pero iba yung sinisigaw ng puso ko, kahit pilit ko mang sabihin na wala, na isa lang din syang tao na dumaan lang sa buhay ko pilit parin syang hinahanap ng puso ko para sagutin lahat ng mga katanungan na gumugulo sa isip ko.

Sa pagsunod ko sa Nanay ni Kristian hindi ko namalayan na nasa harap nako ng ospital. Anong ginagawa nya rito? Sino yung bibisitahin nya? Hindi ko naisip na baka meron pa syang dadaanan bago umuwi sa kanila. Hihintayin ko nalang ba sya dito sa labas o susundan ko sya sa loob? Gusto ko ng matapos to, gusto ko ng umuwi si Tita dahil alam ko na sya ang magtuturo sakin kung nasan si Kristian.

Pero parang may tumulak sa likuran ko at bigla nalang akong pumasok ng ospital habang nakasunod ang mga mata ko. Hindi kaya bibisitahin ni Tita ang tatay ni Kristian? Come to think of it hindi ko nakikita at kilala yung tatay ni Kristian.

Nang sumakay si Tita sa elevator agad kong tinignan kung anong floor hihinto yung elevator buti nalang sya lang yung pumasok sa groundfloor kaya sure ako na sya yung lumabas sa thirdfloor, agad akong pumunta sa helpdesk at nagtanong.

"Nurse anong room sa third floor si patient Uytico?" Alam ko hindi ako sure kung Tatay nga ba talaga ni Kristian ang bibisitahin ni Tita pero nagbakasakali nalang ako kaya ginamit ko yung last name nila.

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?"

"Ah kaibigan po, family friend po ako. Kakilala ko po si Krizia Uytico at si Kristian Miguel Uytico" sabi ko ng mabilis pero hindi ako sure kung bakit ko ginagawa to, pwede naman akong maghintay nalang sa labas pag uwi ni Tita.

"Wait lang sir ha." Sabi ng nurse habang nag eencode sa computer na nasa harapan nya malamang sinesearch na nya sa system nila.

"Sa room 306 po sir."

"Sige po, maraming salamat po!" Sabi ko sa masayang boses at agad na umalis sa helpdesk.

"Sir wait lang po, kunin ko po yung fullname nyo pati ID po for security purpuses po natin." Sigaw ng nurse na agad na nagpatigil sakin at bumalik.

Kinuha ko yung ID ko sa wallet ko at binigay sa nurse na agad naman nyang i-encode sa system nila, nakita ko rin na pinicturan nya yung ID ko. Parang naisip ko tuloy yung data privacy act, pero alam ko naman na hindi idedespose ng hospital yung information ko eh.

Nagpasalamat ako at agad na tumakbo sa elevator at agad na pinindot ang 3rd floor. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, iniisip ko kung pano ko kakausapin si tita, kung pano ko malalaman kung nasan na sila nakatira o kamusta na si Kristian. Kunwari nalang siguro napadaan lang ako?

Pagbukas ng pinto ng elevator hinanap ko agad yung room 306, may nakita pakong mga nurse na nagmamadaling pumasok sa isang room na nakabukas. Ang hirap talaga dito sa ospital di mo alam kung hanggang kailan kanalang kaya bilib na bilib ako sa mga nurses.

303, 304----- teka 305? At yung subod na room 306 ayun yung room na nakabukas ah na may tumatakbong mga nurse.

Tumayo ako sa gilid ng pinto.

"Kaya mo yan! Kaya mo yan! Normal lang ba to nurse?!" Narinig ko na natatarantang sabi ng nanay ni Kristian.

May naririnig akong umuubo ubo. Boses ng lalaki, mukang tama yung naisip ko baka tatay nga ni Kristian to. Baka kaya umalis na sila sa tinitirahan nila dahil sa pagpapagamot ng tatay ni Kristian.

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon