Chapter 10 : so this is your secret

1.5K 69 2
                                    

"nasan kaya si Kristian? saan kaya pumunta yun?" wika ko habang nilalapag yung bag. iniisip ko kung saan pwedeng magpunta si Kristian lalo na't alam ko na nakauwi na sya dito sa bahay nila. hindi kaya meron syang mineet? hindi eh, kilala ko si Kristian, hindi naman mahilig gumala yun, ni hindi nga mahilig lumabas ng bahay yun eh pero san ba sya nagpunta? nasaan na kaya sya?

sobra akong napapraning ngayon dahil wala pa si Kristian sa paningin ko, nakasabit na yung bag nya sa gilid ng studying table nya. arrrrgghhhh! nababaliw nako kakaisip kung nasan na sya.

mas maganda siguro kung maligo na muna ako para naman lumamig na yung pakiramdam ko at makapag isip kung saan sya posible nagpunta, naku-nako malaman ko lang na meron kang iba Kristian makikita mo hinahanap mo!

bumaba ako sa CR at nagsimula ng maligo, as usual matagal ako maligo mabilis na ang thirty minutes sakin, hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa ko eh ba't ang bagal ko maligo.

nagbabanlaw nako ng katawan ko ng biglang tumunog yung door bell nila Kristian. hindi malakas pero alam ko na galing yun sa kanila. finally, umuwi na si Kristian san naman kaya to pumunta?

*dingdong

Narinig ko pang tumunog ito ng isa pang beses.

"wait lang babe! nagbibihis lang ako." sabi ko pa habang sinusuot yung tshirt ko.

nagmadali akong lumabas ng CR at nagtungo agad sa salas para buksan yung pinto hindi ko na napansin yung paligid ko dahil nakatingin ako sa damit ko na ngayo'y inaayos ko.

pag harap ko malapit sa pinto nanlaki yung mga mata ko ng makita ko si Kristian na nasa gilid ng pinto na parang sya ang nagbukas nito at lalo akong nagulat ng makita ko ang mga taong nasa labas ng pinto, halos mahulog yung mata ko sa gulat kasabay ng pagkahulog ng plastik na bitbit-bitbit ni Pol.

Napatingin ako kay Kristian na ngayo'y nakatingin lang sa kanila, tumingin ulit ako sa tatlong to na gulat na gulat parin ang itsura.

"a-a-anong ginagawa nyo rito!?" nanginginig kong sabi.

biglang tumingin si Kristian sakin kaya naman napatingin din ako sakanya, nanlilisik yung mga mata nya kaya naman iniwas ko agad yung mga mata ko at binalik kila Pol.

"care to explain?" wika ni Camille na gulat na gulat parin.

"a-anong ibig sabihin nito Jepoy?" tanong ni Pol.

"katatapos nyo lang ba? kaya ba ayaw mo kami papuntahin sa bahay nyo?" dagdag pa nya.

"hindi, hindi. ano-- wala ahhh... ano... ano kasi!" natataranta kong sabi.

Napapikit nalang ako sa sobrang kaba ko, iniisip ko na kung pano ako papagalitan nanaman ni Kristian. Pano kung totohanin nya yung sinabi nya na sa labas nya ko patutulugin pag may nakaalam ng sitwasyon namin? Bakit naman kasi hindi binigay ni Mama yung susi ng bahay eh. Kalsada lang naman yung pagitan ng bahay namin kila Kristian.

Sobrang tahimik, walang nagsasalita sa aming apat habang nakaupo kami sa sahig at nakaharap kami sa lamesa na nasa salas. Feeling ko ilang beses nakong sinaksak ni Pol dahil sa talas ng tingin nya sakin pati si Camille isama pa yung nananaksak nyang kilay.

Nararamdaman ko na yung pawis ko na tumutulo sa ulo, likod at harapan ko. Anong gagawin ko? Nasan naba si Kristian bakit andun sya sa kwarto nya.

"So hindi ka talaga mag sasalita!?" Pagtataray ni Pol.

"Ha!?"

"Ha!--Ha!? Haha-hin mo yang mukha mo. Futa naman Jepoy kaibigan mo ba kami, ano to!? Kailan pa to?" Pakiramdam ko nasa loob ako ng interrogation room at si Pol yung nag i-interrogate sakin na any moment pwede nya kong saktan.

"Pano nyo pala nalaman na andito ako!?" Pagligaw ko sakanila ng topic.

"Malamang! Sinundan ka namin! Alam namin na may kakaiba sayo akala namin bumisita kalang dito sa kapitbahay niyo, ang tagal mong lumabas kaya kumatok na kami para i-surprise ka yun pala kami ang masusurprise! Teka lang! H'wag mo nga ibahin yung usapan!" Sigaw ni Pol, galit na galit lang!?

So ibig sabihin nung dumating ako at nagbihis parating narin si Kristian nun? Bakit hindi nila nakita si Kristian na pumasok dito sa bahay nila kung sinundan nila ako?

"Eh kasi naman sinabi ko na sayo na katukin na natin nung nakita natin syang pumasok dito eh, edi sana may nasaksihan tayo! Pabili-bili ka pa kasi ng pagkain sa convenient store eh!" Paliwanag ni Camille na umiirap-irap pa habang nagsasalita.

"Eh pano nyo nalaman na andito parin ako? Na wala ako sa bahay?"

"Hello! Naka-locked parin gate nyo! Teka bat ang tahimik mo dyan?" Sabi ni Pol sabay tingin kay Jerold.

"Hindi ko alam na nakatira pala kayo sa iisang bahay!" Sabi ni Jerold na parang batang nagmumukmok.

"Teka nga, teka! Gusto ko lang linawin sainyo na walang nangyayari samin ni Kristian no! Isa pa kahapon lang din ako lumipat dito!" Pagkasabi ko nun parang mga bata tong mga kasama ko ngayon na gustung gustong makarinig ng istorya.

Huminga ulit ako ng malalim.

"Okay, kahit ako nagulat hindi ko akalain...... blah blah blah blah." At kinwento ko na nga yung nangyari kung bakit ako nakatira ngayon dito sa bahay nila Kristian.

"Kaya nga sinabi ko sainyo na hindi pwede, kasi wala naman ako sa bahay ngayon."

"Pero kamusta naman kayo ni Kristian? I mean anong feeling? Close naba kayo?" Masayang tanong ni Pol, yung kaninang galit na halit at hayok na hayok sa detalye kung bakit kami magkasama ni Kristian sa iisang bahay ngayon parang maamong tupa na.

Yumuko lang ako.

"Okay naman yung stay ko rito. Medyo masungit nga lang sya sakin, yung parang lagi syang galit sakin." Sabi ko.

"Tanga! I-enjoy muna, ito na yung pagkakataon mong makilala ka pa ni kristian... malay mo diba?" Masayang sabi ni Camille.

"Ano kaba! Nakalimutan nyo naba yung sinabi sakin ni  Kristian? Na nadidiri sya sa tulad ko... (malungkot kong sabi) kaya malabo na magustuhan nya ko.. malabo na makilala nya pa ko... haaay, tanggap ko naman na yun eh na hindi talaga ako matatanggap ni Kris--" nanlaki yung mga mata ko ng mapatingin ako sa hagdanan! nakatayo si Kristian at mukang narinig nya yung mga sinabi ko tungkol sa kanya! Anak naman ng tokwa oh!

"Huy, anong nangyari sayo?" Sabi ni Pol sabay tingin kung saan ako nakatingin ngayon.

Napakalamig ng mukha ni Kristian, ganyan na ganyan yung mukha nya nung nagkasalubong kami nuon yung parang walang pakilam sa mundo at sa mga taong nakapaligid sa kanya, napayuko agad ako ng magtama yung mga mata namin. Pero kung ako tatanungin mas maganda pa yung ganyan nyang itsura kesa naman yung galit o yung pagkairita nyang itsura.

"Ay! Kristian. Kung maitatanong mo kaibigan ako ni Jepoy!" Masayang pagbati ni Pol pero hindi sya pinansin ni Kristian na para bang wala tong pakilam sa sinabi ni Pol nagpatuloy lang sya sa pagpunta nya sa  kusina.

"Ay Kristian, baka pwede mo kaming tulungan mag review! Andito na si Jerold pero mas maganda kung dalawang taga homogeneous ang magtuturo samin!" Masayang sabi ni Camille na talagang ikinabigla ko.

"Ano kaba! Hwag mo na syang guluhin!" Pabulong kong sabi kay Camille pero satingin ko narinig nilang lahat yung bulong kong yun.

"Ano kaba! Para satin din to!" Pagpupumilit ni Camille.

"Ay! Wag na! Wag na! Alam ko busy ka, okay na kami." Mabilis kong sabi habang kinukumpas ko yung mga kamay ko na wag na.

"Bakit kaba nangunguna!" Sabi ni Camille sabay siko sakin at ngumiti bigla kay Kristian. Aaaray ha!

Tumingin lang si Kristian sakanya at tumingin din sya sakin pero mabilis kong iniwas yung tingin ko.

Gusto pa ata akong ipahamak nito ni Camille, alam na nga nyang galit na to si Kristian dahil pumunta sila dito sa bahay niya at may nakakaalam na na magkasama kami sa bahay! Mukang kailangan ko ng ihanda yung higaan ko sa labas.

Tumingin ako kay Camille ng masama pagkatapos kong umiwas ng tingin kay Kristian.

"Sige!" Nanlaki yung mga mata ko at napatingin agad kay Kristian ng marinig ko yung sagot nya.

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon