Chapter 1: meet my neighbor

6K 120 6
                                    

Krrrriiiiinggggg! Krrriinggg! *alarm

Pilit kong binuksan yung mga mata ko kahit hirap na hirap ako, napuyat kasi ako kagabi kakatingin sa bintana ng kapitbahay namin na si Kristian Miguel Uytico. Pano ko nalaman yung full name nya? I have my ways. Hahaha!

Di ko makakalimutan nung bagong lipat pa lang sila dito sa lugar namin. first year highschool ako nun at hindi ko pa alam na magkasing edad lang kami nun.

Natatandaan ko pa wala pa kong pakilam sa buhay ko nun o sa sarili ko. Halos tinatamad nako sa buhay ko nun dahil pakiramdam ko lagi nalang paulit ulit yung araw araw kong ginagawa.

Hanggang makita ko siya mula sa taas, sa bintana ng kwarto ko at laking gulat ko pa ng malaman kong magkatapat lang ang bintana ng kwarto ko sa bintana ng kwarto nya. Napakaswerte ko talaga! Simula nun naging masaya na ang buhay ko at para bang nagkakulay yung mundo ko ng makita ko sya.

Kaso ang problema hindi ko akalain na sobrang talino pala nitong lalaking to. kaya sorry mga kapatid kong katulad ko na nagbabasa nito dahil binigo ko kayo. Ako ang living proof na hindi lahat ng katulad natin ay matatalino. Kung bakit kasi average lang yung pag iisip ko eh!
Kung naging kasing talino rin sana ako ni Kristian siguro ngayon lagi ko syang nakakasama sa school.

Pero kahit ganun paman yung sitwasyon namin ngayon ginamit ko nalang para mag aral ako ng mabuti at maging matalino.. pero ang hirap pala no? Hanggang pangarap nalang ata yung maging classmate ko sya. Simula first year highschool kami nasa homogeneous section na sya samantalang ako nasa heterogeneous lang.

Pero kahit anong effort ko hindi ko talaga kayang makapasok sa section nayun pano ba naman kasi mga halimaw ata sa sobrang talino ng mga estudyante dun. Kilala rin sa tawag na star section ang homogeneous isang section lang sila pero lahat sila dun matatalino! Samantalang ang heterogeneous naman may anim na section dito yung mga pinaghalo-halong estudyante regardless sa general average nila from last year basta ito yung mga estudyanteng hindi umabot sa average ng mga homogeneous.

inaasahan ko pa naman na makakaabot ako sa cut off ng avaerage para sa mga homogeneous ngayong year nato pero hindi pa pala umabot pero atleast konting kembot nalang muntikan nakong makapasok 4 points nalang ata.. sayang! Huling taon pa naman na namin to sa highschool.haay

Kaya naman ngayon palang tinanggap ko na na hindi na kami magiging mag-classmate ni kristian. Wala ng chance para magkakilala kami o maging close kami sa isat isa. Todo imagine pa naman ako na nagtatawanan kami habang sabay umuwi pero wala eh parang nakatadhana ata na maging crush ko nalang sya sa malayo at pagmasdan sya sa sarili kong mundo.

Siguro naman alam nyo na kung bakit sya yung kinukwento ko sainyo diba? ang haba haba na ng pag uusap natin pero si Kristian lang yung bukang bibig ko hehe.

Kaso hindi naman ata sya pumapatol, kaya feeling ko wala talaga kaming pag asa! Ano sa tingin nyo? Guys tulungan nyo naman ako oh! pano ba mapansin ng crush mo? Ano bang dapat kong gawin?

Eto pa alam nyo ba maliban sa sobrang talino ni Kristian, sobrang tahimik niya? Bakit kaya ganun pag sobrang talino ng isang tao sobrang tahimik din? Explain nyo nga sakin?

sya yung tipo ng tao na bilang na bilang lang yung mga salitang lumalabas sa bibig nya. Pano ko nabilang? Sabi ko nga sainyo i have my ways! Wahahahaha! Gusto nya rin yung lagi syang mag isa, halos wala nga akong nakikitang kasama nya eh kahit mga classmate nya maliban lang sa mga malalanding nagpapaturo kuno sa kanya! pero dont me! alam ko yung mga ganyang galawan. Rank 1 kasi sya sa section nila at hindi lang sa klase nila ha sa buong school namin. kaya syempre para paraan din tong mga mahaharot na babaeng to.

Ang dami ko ng chika sa inyo, pero hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.eherm! Ako nga pala si Jeffrey Torres, tawagin nyo nalang akong Jepoy for short oh diba? Lalaking lalaki yung pangalan ko! pero alam ko naman na na alam nyo na rin na lalaki rin ang hanap ko diba? hahahahha!

6:30 am. Twing 6:30 ng umaga nagigising si Kristian kaya naman ganong oras na rin ako nagigising. Tatlong taon ko naring ginagawa to, pero hindi ko alam kung napapansin nya ba ako o hindi.

Hindi ko rin alam kung alam nya ba na may gusto ako sa kanya o alam nya bang pumapasok kami sa iisang school. Ni hindi ko nga rin alam kung alam nya na kapitbahay nya ko eh.

Mag aalas syete na ng umaga kaya naman tumakbo agad ako malapit sa bintana ko para silipin kung gising na si Kristian kailangan ko kasi syang unahang mag ayos para masabayan ko sya pag pasok nya sa school. Pero syempre pinapauna ko sya, lagi lang akong nasa likod nya nagmamasid sakanya. Hindi naman ganun kalayo yung school namin sa bahay pwede kang sumakay ng jeep o bus o kaya kung gusto mo ng exercise pwede mo namang lakarin kaso talagang pagpapawisan ka lalo na pag mainit yung panahon.

"Hi Kristian! Good morning!" Masaya kong bati sakanya ng pag labas nya sa gate nila. Pero syempre sa isip ko lang sinabi yun ha.hehe

Well in fact kanina pako tapos mag ayos hinihintay ko lang talaga syang lumabas ng gate para paglabas nya lalabas narin ako ng gate namin pero as usual hindi nya ko tinitignan.

Pagkalabas palang nya ng gate halos sampung hakbang agad yung nilakad nya ano to? Marathon?

Last year na namin to pero hanggang ngayon hindi parin kami magkakilala. Lalo na ng nalaman kong may balak syang mag aral sa maynila pagkatapos naming grumaduate ng highschool, pag nangyari yun wala na talaga akong pag asa sa kanya.

Kaya naman lalakasan ko na yung loob ko. Its now or never beybeh!

Hinabol ko sya pero hinayaan ko parin syang mauna ilang hakbang nalang yung layo ko sa kanya at amoy na amoy ko yung pabango nya! Sobrang bango nya talaga! Gwapo na matalino pa at ang bango bango pa! Saan kapa diba? Eto na malapit na kami sa school kailangan ko na syang kausapin.

"Ahmmmmm....." omygad! This is it seryoso na ba to? Talagang kakausapin ko na sya? Nakakahiya!!!!!!!

"Uhmmmmmm...." ow shit! Oh shit! Narinig nya ata yung boses ko bigla syang huminto sa paglalakad hala sobrang bilis ng tibok ng puso ko aatakihin na ata ako sa sobrang kaba! Jusko!
Napalunok nalang ako ng laway ng makita ko na akma na syang lilingon sakin.

"Kristian!!!!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan na agad naman nyang nilingon.

"Andyan kana pala! Sabay na tayo." Sabi ng babae na akala mo maganda! Kitang kita ko pa yung pag papacute nya kay Kristian.di naman maganda! Hmmp!

Nakakainis! feeling ko talaga ayun na eh, malapit nakong magpakilala sakanya pero naudlot pa haaay. Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad. hindi pa sila nakakalayo kaya namin naririnig ko pa yung nakakairitang boses ng babaeng yun feeling nya siguro bagay sakanya yung pag papacute nya! Nakakairita! Oo na bitter na ko kung bitter! Nagseselos ako!

Naglalakad lang ako habang nakatingin sa kanila kaya naman hindi ko na napansin na may ibang tao na sa harap ko kaya naman sa isang iglap nabangga ko sya ng hindi sinasadya ang malupit pa dun may hawak syang apple juice na agad namang tumapon sa katawan ko kaya napasigaw kaming dalawa dahil sa nangyari. Agad naman itong umagaw ng atensyon sa ibang tao, kasama na dun si Kristian.

"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw ng babaeng nabangga ko.

Ng makita ko na patingin na samin si Kristian pati yung classmate nyang babae na feeling maganda agad akong tumalikod at tinago yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay. Shit naman nakakahiya! Ayokong makilala nya ko na ganito.

"Huy! Anong problema mo ha!"

Sumilip ako at nakita ko silang dalawa na naglalakad na papasok sa gate ng school.

"Baliw kaba! Panshdkkdsjsjxkmsbshusisjjs....." ni hindi ko na naintindihan yung sinasabi nitong babaeng katabi ko. Nakatingin lang ako kay Kristian habang naglalakad papasok.

Bakit ganun? Bakit ba ayaw ng tadhana na magkakilala kaming dalawa?

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon