Chapter 6: is this a dream!?

1.6K 68 6
                                    

"Teh, okay kalang..." sabi ni Camile habang hinihimas himas yung likod ko.

"Andito lang kami bakla." Dagdag pa ni Pol.

Umiiyak lang ako dahil sa nangyari kanina hindi dahil sa pinahiya at nilait ako ni Mary Ann sa maraming tao kundi dahil sa sinabi ni Kristian. Paulit ulit na nagpe-play sa isip ko yung sinabi nya sakin.

"Kala mo kung sino sya, oo may gusto ako sakanya pero bakit nya ko pinandidirihan? Wala naman akong masamang ginawa sakanya. Nagkagusto lang naman ako sakanya pero bakit ganun? Bakit ganun yung pinaparamdam nya sakin?" Sabi ko habang walang tigil parin ang pag iyak.

"Hayaan mo na teh! May mga tao talagang ganun, yung mga taong sarado mag isip." Sabi ni Camile.

"san ba ko nagkamali? Bakit ba nangyayari sakin to ngayon? Bakit ba ang sakit sakit nyang mahalin?..." sabi ko habang patuloy parin sa pag iyak.

Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko
sobrang sakit ng puso ko parang may sampong mabibigat na bato ang nakapatong sa puso ko at parang kinukuryente ng paulit ulit. Oo may gusto ako sakanya matagal nakong may gusto sakanya at oo nalaman nya yun sa hindi inaasahang pagkakataon pero diba hindi ko namang sinabi na mahalin nya rin ako? Na magustuhan nya rin ako? Wala naman akong sinabing ganun. Okay nako na mahalin lang sya na kahit ako lang ang nagmamahal sakanya pero pag iniisip ko yung sinabi nya kanina parang sinasaksak at pinupunit yung puso ko sa sobrang sakit.

* * *

Madilim na ng makarating ako sa bahay nagmuni-muni muna kasi ako sa nangyari sakin kanina at hinayaan ko muna na mawala yung pamamaga ng mga mata ko. Ni wala nanaman akong natutunan ngayong hapon dahil sa nangyari. Dibale magtatanong nalang ako kila Camile at Pol bukas.

Bakit nakasara pa yung gate namin? Wala pa si mama? Agad kong kinuha yung fone ko sa bag at tinawagan si Mama.

"Ma asan ka? Nakalocked yung gate natin, andito nako sa labas ng bahay."

"Sige sandali lang anak!" Sabi ni mama sabay patay ng telepono? Dont tell me pauwi palang sya?! Nagugutom nako.

"Anak!" Napalingon agad ako sa likod ko ng tawagin ako ni Mama, pag harap ko nakita ko sya kasama ang Mama ni Kristian.

"Bakit ngayon kalang! O sya tumuloy kana dito" sabi nya sabay turo sa bahay nila Kristian.

"Ma!!! Anon---- bakit dyan? Andito yung bahay natin!" Pasigaw kong sabi dahil narin siguro sa gulat.

"Ahh iho, magbabakasyon kasi kami ng Mama mo kaya naman naisipan namin na magsama muna kayo ng anak ko dito sa bahay.." haaaaah!!!!!! Pagsasamahin nyo kami! Eh ayaw nga sakin ng anak nyo!.

"Im sure magkakasundo kayo ng anak ko, Jepoy kaedad mo rin sya at sa parehas pakayong school pumapasok alam ko mag aapat na taon palang kaming nakatira dito pero sa tingin ko nakita mo na anak ko dito or sa school nyo medyo tahimik nga lang yung anak ko." Yeah right! Kilalang kilala ko yung anak nyo at hindi lang sya tahimik! Masama rin yung ugali nya!!!!

"Maaaaaa! Bakit kailangan dyan pako tumira!? Andito lang yung bahay oh! Katapat lang!"

"Eh kasi anak diba sabi mo sakin uso ngayon yung nakawan at panloloob ng bahay eh baka mamaya looban yung bahay natin o bahay nila Mare. Anong magagawa nyo? Atleast dito magkasama kayong dalawa kung looban man yung bahay natin makikita nyong dalawa! Ang maganda duon may kasama ka at may kasama rin si Kristian." Agad akong napakamot sa ulo ko at naalala ko yung sinabi ko kay mama! Tama! ayon nga yung sinabi kong palusot sakanya nung nakita nya kong sumisilip sa gate, hindi ko naman inaakala na seseryossohin nila yun.

"Oh tara na iho! Dali pasok na!" Hila sakin ni Tita Krizia, nanay ni Kristian.

Ahhhh! Ohmygod! Ano nanaman bang ganap to!!!!!! Gusto ko ng sabihin sakanila na katatapos nga lang namin magsagutan at mag away sa school tapos ngayon pag sasamahin nyo pa kami sa iisang bahay! Wait!!! Pero teka! Ito na yung pagkakataon kong makita yung loob ng bahay ni Kristian ahhhh kinikilig ako ! pero teka nga lang! Diba galit ako sakanya!?

"Ma, pano yung mga gamit ko? Mga uniform ko?"

"Andyan na lahat anak nasa kwarto na ni Kristian!" Ha! Tama ba yung narinig ko? Sa kwarto ni Kristian? Ibig sabihin magkasama kami sa isang kwarto??? Hala tutulo na ata yung dugo sa ilong ko.

"Oh anak andyan kana pala? Tapos kanaba maligo?" Nanlaki yung mga mata ko ng sabihin ni tita Krizia yun habang nakatingin sa likod ko.

Kabang kaba ako at nagpapanic sa sobrang kaba ko bigla kong tinakpan ng mga kamay ko yung mukha ko.

"Anong ginagawa mo anak?" Sabi ni Mama.

"Ahhh wa-wala!"

"Anak si Jepoy nga pala, magka-age kayo at parehas kayo ng school. Baka nakikita mo sya."

"Opo kilala ko po sya." Sagot ni Kristian sabay punta sa kusina.

"Mabuti naman kung ganun! Sabi sayo mare eh! Magkakilala na sila. Kaya wala na tayong problema." Si tita.

"Nako Jepoy umupo kana dun at sabay na kayong kumain ni Kristian. Mauuna na kami at male-late na kami."

Dahan dahan akong umupo kung saan may nakalapag na plato sa lamesa at agad ko tong inusog ng mas malayo kay Kristian. Palihim ko rin syang tinitignan pero hindi sya tumitingin sakin mukang bising-busy sya sa pagkain nya.

Jusko naman nanginginig nanaman ako at feeling ko naiihi ako sa sobrang kaba pano ba naman kasi umalis na agad sina tita at mama! Ano bang trip nila at pinagsama kami sa iisang bahay? At saan naman sila pupunta? kaming dalawa nalang yung naiwan dito sa bahay. Ohmygad! Pano kung ito na? Pano pag may nangyari samin? Hala! Aaaarrrggfhhhh di ko mapigilang tumawa at kiligin. Teka? Panaginip lang ata to!? Hinampas hampas ko yung dalawa kong pisngi sabay ngiti ng ma-confirmed ko na totoo nga! Andito nga ako sa bahay nila Kristian!

Ano kayang mangyayari samin mamaya? Aaahhhh! Kinikilig ako. Tumingin ako ng palihim kay Kristian at napasigaw ako sa sobrang gulat ko ng magtama yung mga mata namin.

Ha!? Kanina paba sya nakatingin!???

"Ba-ba-bakit?"

"Tumatawa ka mag-isa! Baliw ka nga talaga!" Sabi nya sa pagalit na boses. baliw na baliw naman talaga ako sayo eh, wahahahah!.

"Kung ano man yang iniisip mong kalokohan, itigil mo'yan!" Dagdag pa nya.

"Anong kalokohan sinasabi mo?" Sabi ko na kinakaba kabahan pa.

Wait a minute! Dont tell me naririnig nya yung iniisip ko?...

Oh baka naman alam nya yung mga ginagawa kong kalokohan at kabaliwan dati para mapansin nya lang? Hindi! Hindi! Malabo yun! Wala syang pakilam sa paligid nya kaya hindi nya malalaman na ako yung mastermind ng mga yun.

"Pagkatapos mong kumain ligpitin mo yang pinag kainan mo ha." Malamig na sabi ni Kristian.

"Saan ka pupunta?" tanong ko, sa biglaang tayo ni Kristian.

"May bibilhin lang ako saglit!" Pagalit nyang sagot. Sabay nagmadaling lumabas.

Hindi man lang nya ko sinama!  O tinanong man lang kung may gusto akong bilhin! Pero sa kabilang banda! Hahahaha ito na yung pagkakataon kong makita yung kwarto ni Kristian omygad! Omygad! Totoo ba talaga to? Dati iniimagine ko lang na makapunta at makita ng malapitan yung kwarto nya ngayon ito na! Matutulog pako mismo sa kwarto nya! Teka naiihi na ko! Gawa to ng sobrang kilig hahaha!

My Dear neighbor (BL Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon