Habang nag-iinuman sila Jerold, Camille at Pol umalis na muna ako para magpahangin, nawalan narin kasi ako ng gana wala na kasi si Kristian sa grupo baka bumalik na sya sa room namin para magpahinga kahit pa na hindi kami nag uusap, napapansin ko sa kanya na parang andali na nyang mapagod. Matagal ko na syang pinagmamasdan pero ngayon ko lang napansin na mabilis syang mapagod simula ng makasama ko sya sa bahay nila. Siguro mas lalo lang naging detalye yung pagtingin ko sa mga bawat galaw nya.
"San ka pupunta?" Si Jerold.
"Sa baybay lang, magpapahangin." Sabi ko sabay naglakad nako papuntang pampang, umupo ako sa medyo madilim na part ng pampang para walang makakita sakin gusto ko lang kasi munang magpahangin at alisin yung kalasingan ko.
Pumikit lang ako at dinama ang ihip ng hangin kasabay ang pagdinig ng hampas ng alon sa dagat. Tanging ilaw lang ng buwan ang nagsisilbi kong ilaw ngayon.
"Aaahhhhhh!" Napasigaw ako ng may biglang umahon mula sa dagat at naaninag ko na si Kristian yun, wala syang damit pantaas kaya naman nag iilaw yung kaputian ng katawan nya.
"A-anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ko habang gulat na gulat parin pero sa katawan nya ko nakatingin hehe.
"Ano pa edi naliligo."
Hindi nako sumagot sa sinabi nya kasi kinakapa ko pa sya baka kasi biglang hindi na nya ko pansinin lalo. Buti nga ngayon sumagot sya eh.
Nakatingin lang ako sa katawan nya ng bigla syang lumapit sakin.
"Teka! Anong gagawin mo?." Kinakabahan kong sabi baka kasi kung anong gawin nya sakin lalo nat dalawa lang kami dito baka mamaya ito na yung ganti nya sa nagawa ko (kung meron man) kaya hindi nya ko pinapansin.
Napapikit nalang ako para hindi ko sya makita peeo ng imulat ko yung mga mata ko nakaupo na sya malapit sakin. Amoy alak na sya at mukang medyo lasing na sya. Tumingin ako sa kanya at napatingin din sya sakin na naging dahilan ng biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Alam ko lasing nadin sya, kaya hindi nako nagtaka ng bigla nyang nilapit yung muka nya sa mukha ko, siguro nakalimutan nya na, na hindi nya ko sinipot sa mall at lalung lalo na, na iniiwasan nya ko.
Napapikit nalang ulit ako para hintayin yung halik nya ang lapit kasi ng mukha nya sakin tapos lasing pa sya, pero tulad ng paghihintay ko sa mall hindi dumampi yung labi nya sa mga labi ko o kahit saang parte ng mukha ko. Kaya naman napamulat ako at nakita ko syang nakangiti halos maduling nako.
Tumawa sya bigla. Anong problema nitomg lalaking to? Bakit ang hirap nyang spellingin?! Okay kami tapos biglang hindi to the point na walang pansinan at usapan, tapos ngayon ganito sya sakin? Baliw na ba sya? O sadyang pinaglalaruan nya lang yung pakiramdam ko?!
"A-a-anong ginagawa mo!?" Nahihiya kong sabi.
"Kukunin ko yung damit ko naupuan mo." Sabi nya sabay tawa. Naguguluhan ako bakit biglang naging ganito yung mood nya nung dalawa nalang kami?
"Ay sorry!" Agad kong sabi sabay kinuha yung damit nya na, naupuan ko at inabot sakanya. Di parin nawawala yung ngiti sa labi nya, pinagtatawanan nya ata ako dahil may inisip nanaman akong iba pero this time hindi nya sinabi sakin na may kalokohan ka nanamang iniisip no?
Pinagpag nya yung damit nya at tumalikod sya nagulat ako ng mapansin ko sa katawan nya yung mga maliliit na pasa tapos parang pumayat din sya.
Napatayo agad ako bigla at pinigilan syang magbihis.
"Ano to? Bakit may mga pasa ka? San mo nakuha yan!" Pag-aalala ko, hindi kaya, kaya hindi sya nakapunta sa usapan namin dahil nabugbog sya?!
"Aahhh... ayan ba? Sa pagtulog ko yan, sensitive kasi balat ko kaya pag nadaganan mabilis magpasa wala yan normal lang yan sa balat ko." Sabi nya sabay ngiti. Ibang iba sya ngayon. Ilang minuto lang iba yung mood nya tapos ngayon ito na naman parang yung magkasama kami sa bahay nila, hindi kaya may dual personality sya?!
BINABASA MO ANG
My Dear neighbor (BL Romance)
Roman d'amour(Highest rank: # 2 ) Tatlong taon narin ang lumipas magmula ng lumipat sila Kristian sa tapat ng bahay namin at sa tatlong taon nayun ay lihim ko syang pinagmamasdan sa kwarto ko. Pero hindi ko inaasahan na malalaman nya yung sikreto ko... sikretong...