Kinabukasan...
sobrang bigat ng katawan ko para bang ang hirap bumangon. hanggang ngayon iniisip ko parin bakit nagawa sakin ni Kristian yun, sana man lang sinabihan nya ko na hindi sya makakapunta o kaya humindi nalang sya kesa sa pinaghintay nya ko sa mall, maiintindihan ko pa yun hindi yung pinag mukha nya kong tanga.
"Jepoy! gising na!" sigaw ni mama mula sa baba, agad akong nag ayos at bumaba para mag-almusal.
"ngayon na pala lalabas yung result ng exam nyo no? kamusta?"
"okay naman po, naka sunod naman po kami Ma sa mga topic namin tinuruan po kasi kami nila Jerold at Kristian, sa star section po sila Ma." paliwanag ko.
"ah ganun ba, buti at nareview ka nila sana pumasa ka."
"papasa yan ma, pakiramdam ko." sabi ko sabay ngiti.
pagpasok ko sa gate ng school namin ramdam mo na agad yung kaba sa mga estudyante lahat umaasa na pumasa sila sa exam, kahit ako kinakabahan kahit pa na confident naman ako sa mga sagot ko pero hindi parin mawala yung kaba sa dibdib ko.
after lunch ilalabas sa bulletin ang results ng exam pero ngayon palang lahat kami kinakabahan na at todo dasal na sana pumasa kami. dahil sa kaba ni hindi ko naramdaman na tapos na pala ang morning class namin mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko, kasi kung may bagsak ako nakakahiya sa mga nagturo samin, niyaya agad ako nila Pol at Camille sa bulletin hall ng school namin para icheck yung result, pagdating namin dun sobrang dami ng tao kitang kita mo sa kanila yung kaba, yung iba umiiyak na dahil may exam silang hindi naipasa ang iba naman nag sasaya na dahil pasado sila sa lahat ng exam, sari-saring emosyon ang nandito ngayon, papunta palang kami sa designated bulleting board ng section at year namin ng bigla namin nakita si Jerold magkatabi pala yung bullettin board namin. unang tumingin si Camille, ng mahanap nya yung pangalan nya at yung result nya na nakapasa sa lahat ng exam bigla nalang syang nagtitili at niyakap kaming lahat pati si Jerold, tumingin ako kay Pol na hinahanap parin hanggang ngayon yung pangalan nya, malungkot yung mukha nya kaya pakiramdam ko may mali.
humarap sya sakin na nangingiyak ngiyak ang mga mata.
"okay lang yan Po---"
"AAAAAAhhhhhHhhh! ohmygad! pasado ako mga bakla! mga letse kayo yeey!" sigaw bigla ni Pol sabay sabunot samin na kinagulat ko at the same time masyaa ako para sa kanila pero ngayon ang gusto ko lang gawin sa kanya ay batukan sya.
"ikaw, ikaw tignan mo yung results mo." lumapit agad ako sa harap ng bulletin board at inisa-isa ang mga ka-pangalan ko na andun hanggang sa makita ko yung fullname ko una hindi ako makapaniwala ayoko munang magsalita baka kasi mamaya kapangalan ko lang to baka mamaya hindi ako to pero ng masigurado ko na ako nga yung naka-list dun humarap agad ako sa kanilang tatlo at ngumiti para sabihin sa kanila na pasado rin ako.
"pasado?" tanong ni Jerold. ngumiti lang ako sakanya at tumango bilang pagsagot ng oo agad naman syang tumakbo sakin at bigla nya kong niyakap habang iniikot-ikot pa hanggang sa....
"Kristian! pasado silang tatlo!" sabi ni Jerold mula sa likod ko.
nang marinig ko yun, humiwalay agad ako sa pagkakayakap ni Jerold pero bigla nya kong inakbayan.
nakatingin samin si Kristian sabay tinignan nya yung pagkakahawak sakin ni Jerold sa balikat hala baka isipin nya na may something na samin ni Jerold. tumango lang siya at ngumiti kay Jerold sabay tingin kila Pol at Camille sabay hinanap nya yung pangalan nya sa bulletin board hindi para tignan kung pasado sya kundi tignan kung ano yung top nya sa natapos na exam.
pagkatapos nyang makita pangalan nya tumingin sya ulit sakin at sumenyas kila Jerold na aalis na sya, bumalik na talaga sya sa dating sya, yung Kristian na walang pakilam sa ibang tao, yung Kristian na tahimik at hindi nag sasayang ng laway sa iba.
"alam ko na!!! dahil pasado tayo mag beach naman tayo!" yaya ni Camille.
"ay magandang suggestion yan, may naiisip karin pala na maganda no!" biro ni Pol.
"dali na, dali na hahaha sa Friday ano?" sumang ayon naman ang lahat sa naisip ni Camille, actually hindi pa ako sumasagot pero satingin ko sila na ang sumagot para sa akin.
"basta text-text nalang!" dagdag pa ni Camille.
nag-paalam na samin si Jerold dahil may pupuntahan pa sya ganun din si Camille na may isasauling libro sa library sa cafeteria nalang daw kami magkita. kaming dalawa naman ni Pol nauna na sa cafeteria ng school at umorder ng lunch namin, inorderan narin namin si Camille since alam naman namin yung gusto nyang kainin malamang porkchop yun para hindi narin sya pumila ng mahaba marami kasi ngayong estudyante rito dahil nga lunch break.
mga ilang minuto dumating na si Camille pero nag sisimula na kaming kumain ni Pol, umupo si Camille at nag-simula naring kumain.
"nga pala, niyaya ko si Kristian." nagulat ako ng biglang sabihin yun ni Camille pero hindi ako nagpahalata, sandali akong napatigil sa pagkain ko.
"uhmmm..." sagot ko lang sabay nagpatuloy na ulit kumain.
pero sa tingin ko hindi sya sasama simula kasi ng magkahiwalay kami ng bahay hindi na nya ako pinapansin, hindi na nya ako kinakausap. ni hindi nga sya pumunta sa mall ng sinabi ko na magkita kami dun, marahil ay iniiwasan na nya ako tulad ng dati. balik nanaman sa simula.
"anong sabi nya? sasama raw ba sya?" tanong ni Pol pero hindi parin ako nagpapakita ng pagkainteresado sa pinag uusapan nila pero deep inside na nanalangin ako na sana sumama sya.
"sasama raw sya eh." nanlaki yung mga mata ko at napatigil sa pagkain, napatingin agad ako kay Camille ng sabihin nya yun, halata na siguro sa mga mukha ko ang pagkabigla at parang hindi makapaniwala.
"beh, Friday pa naman yun, may isang araw ka pa para magpaganda" sabi ni Pol sabay nagtawanan sila.
"ano ba yang sinasabi nyo?!" pag de-deny ko.
pero sa loob-loob ko, sobrang saya ko parang galak na galak yung puso ko at gustong tumalon sa sobrang saya syempre kahit hindi ako pinapansin ni Kristian masaya parin ako makasama ko lang sya at makita kahit pa na hindi na nya ako pansinin kontento na ako duon.
pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room namin pero dahil sa nalaman ko na sasama si Kristian ayun lang yung iniisip ko sa buong afternoon class namin. hindi ko narin masyadong nakikitang lumalabas si Kristian parang iwas na iwas na talaga sya sakin.
BINABASA MO ANG
My Dear neighbor (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 2 ) Tatlong taon narin ang lumipas magmula ng lumipat sila Kristian sa tapat ng bahay namin at sa tatlong taon nayun ay lihim ko syang pinagmamasdan sa kwarto ko. Pero hindi ko inaasahan na malalaman nya yung sikreto ko... sikretong...