kahit pa may tatlong rule na sinabi sakin si Kristian hindi parin nya ko mapipigilan na sumabay sakanya sa bus kala nya ha. sanay nako sa mga ganyan ilang taon ko ng ginagawa sakanya to hehe, ang kaibahan nga lang ngayon ay nag-uusap na kaming dalawa hindi tulad dati. mas nauna akong bumaba ng bus dahil mas nauna syang sumakay ng bus so nakapwesto sya sa likod ng bus samantalang ako nasa bandang harapan lang.
kahit malayo ako sa kanya, ang mata ko nakatingin parin sakanya parang surveillance camera yung mga mata ko na naka autolock sa kanya hanggang makarating kami sa bus station.
nauna nakong maglakad dahil baka makahalata pa sya pag hinintay ko pa sya pero binabagalan ko parin yung paglalakad ko para mas mauna sya sakin, mas gusto ko kasi yun, kasi kahit ganun nakikita ko parin sya kahit yung likod nya lang.
nagulat nalang ako ng may biglang humampas sa ulo ko.
"aray!" sigaw ko at napatingin ako sa pinanggalingan ng kamay na humampas sa ulo ko.
tumingin lang ako sakanya habang nakangiti sya sakin ng todo.
"sino ka?" sabi ko na sinagot naman nya ng ngiti.
"ouch! grabe ka naman! nakalimutan mo agad ako? sa gwapo kong to? sa gandang katawan kong to?" sabi nya na habang nakangiti, tumingin lang ako sa kanya mula ulo hanggang paa at nagtaka kung sino to. wala naman nakong ibang kilala na guwapo dito sa school maliban kay Kristian eh.
"talagang nakalimutan mo na ako ha!" sabi nya sabay hinarap nya sa mukha ko yung palad nya at tinaklob ito.
"Jerold to, yung bigla mo nalang hinila habang tumatakbo ka, Mr. famous." nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng maalala ko si Jerold, sya nga pala yung transferred student na 4th year. sa sobrang daming nangyari sakin at iniisip, totaly nawala na sya sa isip ko.
ngumiti ako sa kanya sabay turo sakanya.
"ahhhh oo! naalala na kita! tama ikaw nga yun!" sabi ko sakanya sabay batok sa ulo nya.
"aray! ba't mo'ko binatukan!" sabi nya sabay hawak sa ulo nya.
"ba't mo rin ako binatukan?" sagot ko sakanya.
"eh kasi ang lalim na naman ng iniisip mo eh baka mamaya makabangga ka na nanaman, baka mamaya mabangga mo na nanaman ako kaya inunahan na kita." paliwanag nya sabay akbay sakin.
hala feeling close nato ha! masyado yata syang kinain ng mga salitang sinabi ko sakanya nuon na gwapo sya at maganda yung katawan nya.
"huy anong ginagawa mo?" sabi ko, tinutukoy ko yung pag akbay nya sakin,
"naka-akbay sayo. tara sabay na tayong pumasok!" ngumiti lang ako sakanya sabay naalala ko na hinihintay ko palang mauna si Kristian.
pero nanlaki yung mga mata ko ng pagtalikod ko nasa likod na namin si Kristian at nakatingin sakin ng masama.
oh shit, ayan! galit na naman sya, sobrang lapit namin sa isa't isa, sabi pa naman nya na kailangan lagi kaming magkalayo. lagot na naman ako nito sa kanya!
"uy! Kristian!" sabi ni Jerold na labis kong kinagulat.
"mag---mag-magkakilala kayo?" sabi ko sa nalilitong boses.
"oo, mag-classmate kami." sagot ni Jerold na kinalaki ng mata ko.
"you mean, you mean nasa star section ka?" sabi ko, ngumiti sya sakin at parang nagyayabang. naka-akbay parin sya sakin.
"excuse me!" pagalit na sabi ni Kristian at dumaan sya duon sa gitna naming dalawa ni Jerold na naging dahilan para alisin nya yung pag kaka-akbay nya sakin.
BINABASA MO ANG
My Dear neighbor (BL Romance)
Romance(Highest rank: # 2 ) Tatlong taon narin ang lumipas magmula ng lumipat sila Kristian sa tapat ng bahay namin at sa tatlong taon nayun ay lihim ko syang pinagmamasdan sa kwarto ko. Pero hindi ko inaasahan na malalaman nya yung sikreto ko... sikretong...