Pag gising naming dalawa ni Kristian, parang wala sya sa mood, tumitingin lang sya sakin na mas lalong nagpapahirap sakin.
"Mukang ito na yung huli na magkakasabay tayo magbreakfast" pagputol ko sa katahimikan naming dalawa pero ngumiti lang sya sakin.
"Babalik na ulit tayo sa normal nating mga buhay." Sabi nya. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti pero deep inside ang sakit ng nararamdaman ko. Parang isa narin to sa mga araw na sobrang lungkot ko.
Pagkatapos ng klase namin agad akong tumakbo sa room nila Kristian pero wala na sya kaya naman nagmadali akong umuwi sa bahay nila. Pumasok ako sa gate nila at binuksan yung pinto.
"Oh? Jepoy, kamusta?" Bungad sakin ng Mommy ni Kristian. Nakita ko rin si Kristian na pinupunasan ng tuwalya yung buhok nya na para bang katatapos nya lang maligo. Nawala sa isip ko na hindi na pala ako nakatira dito.
"Ay sorry po Tita, ahh kukunin ko lang po sana yung mga gamit ko." Palusot ko.
"Ay nako, kinuha na lahat ng Mommy mo kanina nung dumating kami."
"Ah ganun po ba, sige po ahmm ano... isosoli ko na po pala tong susi nyo." Sabi ko sabay tingin kay Kristian. Nagtama pa yung mga mata namin pero umakyat na sya bigla ng kwarto nya.
"Nako salamat Jepoy ha."
"Sige po, una na po ako." Paalam ko sabay nagmadali nakong umuwi sa bahay. Wala akong susi ng bahay kaya naman kakatok sana ako pero bago ako kumatok inikot ko muna yung door knob. Nakabukas yung pinto kaya naman di ko na kinailangan pang kumatok at pumasok nalang ako.
"Ma!" Sigaw ko sabay yakap kay mama.
"Oh bakit ganyan itsura mo parang natalo ko sa sugal"
"Wala po ito ma, masaya lang po ako na andito na po kayo." Sabi ko sabay nagpaalam ako na aakyat nako ng kwarto.
Pagkatapos ko kumain at maligo sinilip ko ang bintana ni Kristian na nakabukas pa ang ilaw. Iniisip ko kung kamusta na kaya sya?... kung ano yung ginagawa nya ngayon. Pero hindi pa nakakalipas ang limang minuto na tinitignan ko yung bintana nya bigla nang namatay ang ilaw. Parang ang aga naman ata nyang matulog ngayon.
Kinabukasan, parang nagbago ang lahat parang bumalik na naman kami sa simula. Pero ngayon hindi ko na makita ang anino ni Kristian. Pag nasa school naman kami, pag nagkakasalubong kami ni hindi na sya namamansin kahit pa na binabati ko sya, Ano bang nangyari sakanya?
Ilang araw nakong iniiwasan ni Kristian, ganito nalang ba kami? sa isang iglap babaliwalain nalang ba nya yung napag samahan namin? Siguro naman kahit papano, ngayon, kahit konti lang! siguro naman may katiting na syang nararamdaman sakin bilang kaibigan nya.
Hindi nako nakatiis pa kaya naman hinintay ko sya malapit sa room nila, gusto ko syang kausapin gusto kong itanong sakanya bakit bigla syang nagbago, gusto ko ng rason, gusto ko ng sagot sa mga katanungang gumugulo sa isip ko.
"Kristian, pwede ba tayong mag-usap." Nilaksan ko na ang loob ko.
Humito sya sa paglalakad. "May gusto sana akong sabihin sayo pero hindi sana dito." Lumunok ako ng laway.
"Magkita tayo sa CityMall mamayang alas sais, please?" Sabi ko, tumingin lang sya sakin at nagpatuloy ng maglakad. Maglalakad na sana ako papuntang room namin ng pagtalikod ko nakita ko si Jerold na nakatayo malapit sakin.
"Jerold?" Mukang hindi okay yung muka nya. Ngumiti lang sya sakin ng napakaliit sabay naglakad narin sya papasok sa room nila.
Pagkatapos ng huling klase ko agad akong pumunta sa room nila Kristian para tignan si Kristian pero wala na sya kaya naman si Jerold nalang yung tinanong ko.
BINABASA MO ANG
My Dear neighbor (BL Romance)
Romansa(Highest rank: # 2 ) Tatlong taon narin ang lumipas magmula ng lumipat sila Kristian sa tapat ng bahay namin at sa tatlong taon nayun ay lihim ko syang pinagmamasdan sa kwarto ko. Pero hindi ko inaasahan na malalaman nya yung sikreto ko... sikretong...