#Chapter7

20 0 0
                                    

#Chapter7
Marcella's POV

May mga naging kilala din naman ako, sa pag dating ko, may mga lumapit naman na siyang nag pagulat saakin pero agad din naman akong kumalma.

Na traffic pa kami papunta sa airport ganina tapos may air traffic pa pag dating namin dito kaya tumatakbo ako papunta dito, sinabihan nga akong hayaan nalang na nahuli ako kaysa sa pag dating ko sa resort ay mukha na akong hindi tao, pero hindi ko padin sila pinakinggan at tumakbo nalang dahil sa hiyang alam kong ako nalang ang wala at alam kong hindi mag sisimula hanggat hindi na kokompleto. Iniwan ko nga sila sa pag takbo ko, narinig ko pa ang pag tawag nila saakin pero hindi na sila pumalag at sumunod yung isang camera man saakin.

Umupo naman ako sa bandang likod habang hinihintay yung MC ng show. Sinisimulan kong kapalin ang mukha ko ngayon hahaha. Medyo nahihiya padin akong makipag usap lalo na't wala akong kakilala kundi si Brian lang, si Brian kasi yung kababata kong kaibigan, senior ko yung grupo nila at kuya din ang turing sakanya, nakababatang kapatid naman ang turing niya saakin, minsan lang naman kami nag uusap sa sns pero pag nagkikita naman kami, syempre hindi mawawala saaming mag usap.

Noong nag training ako para maging isang idol, siya ang lagi kong karamay pag hindi ko na kaya, siya pa nga ang palaging nag momotivate saakin para ipag patuloy ko ang gagawin ko. Masaya naman kami sa mga narating namin sa isa't isa.

"Sino yung kasaling Belles Hommes?" mahina kong tanong kay Brian.

"Si Francisco bakit? may gusto ka sa grupong yun?"

"Tinatanong ko lang, sa ngayong season kasi ang pinagkagulohan ng lahat, dahil kasali ang isa sa mga sikat na grupo sa buong mundo"

"Yeah hindi ko nga maisip isip bakit hinayaan na sumali si Francisco dito?"

"Maybe just to improve something? I knew Francisco"

"Oh talaga? ah! oo nga pala mag kasama kayo sa isang drama niyan diba?"

"Yeah"

"Ikaw din ba? kaya ka sinali ng agency mo para mawala na yung pagkahiyain mo?"

"Maybe, yun ang hinala namin nila Elijah eh"

Dumating naman yung MC, sinabi saamin ang mga gagawin namin dito sa resort at on cam na kami,  nakikinig lang ako, tumango tango pa ako bilang sagot.

Sa pag alis ng MC, nag kanya kanya naman ang lahat, may mga partner na at may mga plano na ito, pati si Brian iniwan na ako kasi may pinangakoan kasi siyang sasamahan nitong mag surfing kaya naiwan lang ako dito sa upuan ko.

Bumuntong hininga naman ako at tumayo naman, aalis na sana ako sa lugar na yun.

"Hi" napalingon naman ako sa bumati saakin.

"I'm Francisco, Marcella right?"

"Yes, I'm Marcella" nakipag kamayan naman ako sakanya.

"May plano ka ba?"

"Actually wala, lilibotin ko nalang siguro ang resort?"

"sasamahan na kita" tumango naman ako bilang sagot sakanya at sinabayan niya akong maglakad, kahit yung mga camera man kasama namin sinabayan na kami sa pag lalakad, nakita ko naman ang pag ngiti ng producer na nakasama ko kanina sa byahe ko papunta dito.

Sinabihan niya akong mag ingat daw ako sa mga galaw ko lalo na't kahit sino daw mga lalaking andito, agresibo daw ang mga taga suporta nila kaya kung sino daw yung partner ko, mag ingat daw ako sa mga galaw ko baka yun pa daw ang magiging dahilan ng kasiraan ko kung sakali.

"Wala bang ibang lumapit sayo?" unang tanong naman ni Frans saakin, napalingon naman ako sakanya, sinulyapan niya lang ako at binalik ang tingin niya sa harapan namin.

"Parang nag usap usap na ata ang lahat kanina eh, bakit ikaw wala ka bang nakausap?"

"Wala, sinabi ko nalang kung sino ang maiiwan sa upuan ay yun ang sasamahan ko, hindi ako marunong makipag salamuha sa ibang tao"

"Yeah I know"

"Oh talaga? alam mo?" gulat naman itong lumingon saakin, humarap naman ito saakin at patalikod na nag lakad habang tinitignan ako.

"Yeah, nagkatrabaho na kasi tayo noon pa"

"Talaga?"

Parang may nakalimot ata sa mga kung sino sino ang mga naging kasama sa trabaho ah? tumawa naman ako ng mahina at tumango sakanya.

"Yeah nag kasama na tayo about don sa High School students stories"

"Talaga ang tagal na non" napakamot naman ito sa batok niya.

"Francisco baka madapa ka" saway naman ng producer na kasama niya, pero hindi niya ito pinansin, pinag patuloy niya padin ang mag titig saakin.

"Umayos ka nga sa paglalakad baka madapa ka pa" tumawa naman ako ng mahina.

"Tinitignan kita noon sa screen ang ganda mo, tapos nung napatingin ako sayo kanina na bago kang dating ang ganda mo padin kahit sinasabi na ng make up artist mo na hagard ka na tapos ngayon tinitigan kita ng malapit sobrang ganda. Pano pa kaya kung sobrang lapit no?"

Nagulat naman ako na kumurap kurap habang tinitigan si Francisco, ang lapit na niya saakin.

"T-teka, wag ganyan kalapit Francisco" narinig kong saway ng manager ko, umalma na din ang manager niya nang sabihan ito ng manager ko.

"Bakit?" kunot noo naman itong lumayo saakin, nakatingin pa ito sa mga manager namin pero lumipat naman ng tingin niya saakin.

"I have a trauma" tipid kong sabi.

"Oh I'm sorry for that, natakot ba kita?"

"Kinda but not totally" tipid akong ngumiti sakanya.

"Bakit hindi kita maalala kung nag trabaho na tayo noon?"

"It's been a long time ago Francisco, sa dami mo ba namang projects"

"Bakit ikaw? bakit naalala mo pa?"

"Kasi yun ang huli kong drama, bago ko pinasok ang movies"

"Bakit yun ang huli? wala bang nag ooffer sayo ng projects?"

"I'm not the best actress to have a flooded offers." humarap naman ako sa dagat kahit na init na init okay lang saakin dahil andito naman kami sa ilalim ng puno ng niyog, napangiti nalang ako habang tinititigan ang dagat.

"I don't think so Marcella, may kanya kanya tayong potential hindi pa para sayo yung dramas or teleserye, maybe movies"

"Yeah, but I have a lots of commercial projects and offers, yung iba ako mismo nag reject, ako lang din kasi yung pinapapili ng kompanya namin"

"See?, you're the face of this country"

"I'm not hahahaha"

"Still your pretty and nice"

"Thanks" nahihiya kong sabi, hindi ko naman aakalaing si Francisco yung una kong makakausap, actually I'm expecting Brian will be my partner, kasi mag kakilala na kami pero iniwan niya ako, may napangakoan na pala siyang maging partner niya. Kaya nung naiwan nalang ako sa upuan, nag eexpect na ako non na ako yung maeeliminate agad, sinisisi ko pa nga ang sarili ko, bakit ba kasi ako nag pahuli. Pero andito sa harapan ko si Francisco.

"Will you be my partner?"

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon