#Chapter19

14 0 0
                                    

#Chapter19

Marcella's POV

"FranCella" mahinang basa ni Francisco sa banner sa isang fan.

"not bad as a name of our future daughter"

"Huh?" napakurap naman ako sa sinasabi niya.

"Nothing, by the way, okay ka lang ba?"

"Yes ofcourse"

"Hindi ka nagkasakit?"

"Bakit naman ako magkakasakit?"

"Dahil sa ulan"

"I'm fine, ininom ko yung tea na binigay mo saakin kagabi" ngumiti naman ako.

Nang tumila ang ulan napag desisyonan na naming umuwi, hindi na kami nag usap ni Francisco non.

Pinatanggal niya muna yung mga camera sa sasakyan niya bago daw siya aalis.

Sasakay na nga sana ako sa kotse ko pero pinigilan ako ni Francisco at hinila sa sasakyan niya.

Hindi kami nag usap sa loob ng kotse hanggang sa maihatid niya ako sa bahay ko, pero bago ako makababa may binigay siya saaking isang bag ng organic tea, inomin ko daw bago ako matutulog.

"By the way you're beautiful"

"Yeah thank you" nahihiya kong sabi.

"Pasensya ka na sa inaakto ko kagabi ah?"

"Okay lang naiintindihan ko naman" ngumiti naman ako sakanya.

"Marcella! Francisco!" napalingon naman kami sa sumisigaw.

"Mag sisimula na yung fanmeeting!"

Nagulat naman akong naramdaman kong may humawak sa kamay ko, nag padala naman ako kay Francisco hanggang sa makasali kami sa mga kasamahan namin.

Isa isa naman silang lumabas, panghuli kaming lalabas, tahimik lamang kaming naghihintay pero naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Francisco saakin.

"lastly Marcella & Francisco!" Sinuot ko naman ang maganda kong ngiti at umakyat kami ng sabay ni Francisco.

"Ohhh masyado ata kayong sweet sa isa't isa" MC

Malakas naman na nag tilian ang lahat at yung mga press na nag kumpulang pag kuha ng litrato saaming dalawa.

Napahawak naman ako sa braso ni Francisco, nakakapit na ako sakanya ngayon, hawak niya padin ang kamay ko.

"It's okay Marcy" narinig kong pag bulong niya, napalingon naman ako sakanya, ngumiti naman ito saakin.

"Aigoooo, once again our youngest couple, Francisco and Marcella!"

Umupo naman kami sa nakalaang upuan saamin, binigyan naman ako ni Francisco ng naka bukas na na mineral water, ngumiti ako sakanyang tinanggap ito.

"Kausapin natin ang mga couple, sa tanong na gustong gusto itanong ng mga fans niyo"

Dahil kami yung panghuli, kaya tahimik lang kaming nag hihintay ni Francisco at nakikinig lang sa nakapaligid.

"Hindi ka ba nababagod?" napalingon naman ako kay Francisco, naka lagay lang yung siko niya sa mesa at nakapatong yung ulo niya sa kamay niya at lumingon saakin.

"Bakit bored ka na?"

"Alam mo bang isa ako sa makulit at madaling ma bored sa group namin?"

"Alam mo bang alam ko yun?" tumawa naman ako ng mahina at ngumiti lamang ito saakin.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon