#Chapter26

7 0 0
                                    

#Chapter26

Marcella's POV

"Leyah, calm down" saway ko dito, hindi ito mapakali sa kinauupoan niya ngayon.

"Alam mo bang kagabi hindi ako makatulog."

Sinabihan ko kagabi si Leyah na ang gagawin namin ngayon ay eh bablind date namin siya kay Carson, everyone knew Leyah's ideal man is Carson, pag tinatanong ito, si Carson lage ang sagot niya, iba daw kasi mindset ni Carson, sabi niya pa na pinanganak daw si Carson na maging leader, natural na natural daw ito. And Leyah for being a leader to our group major turn on sakanya si Carson for being leader.

"Duh pano ako kakalma kung yung ideal man ko makakasama natin ngayon? my heart is beating so fast since last night nung sinabi mo saakin"

Recently lang may article about that fact, nag guest kasi si Leyah sa isang radio show at tinanong siya kung sino ang ideal man niya at ofcourse it's Carson.

At dahil sa pagiging pares namin ni Francisco at the same time Carson is groupmate of my husband so do I to Leyah, kaya naging hot topic ito. Our director told us about our content for today.

Kaya kinausap ko si Leyah, pumayag naman agad ito but si Carson hindi niya alam about don.

"Pero Leyah, hindi alam ni Carson na blindate yung pupuntahan niya, sinabihan lang daw siya ni Francisco na sumama lang saamin."

"Pumayag?"

"Ofcourse" ngiti kong sabi.

Sabi saakin ni Francisco, nagkukulong lang daw ito sa studio niya pag free time, marami silang free time ngayon dahil binigyan sila ng break ng agency nila dahil na din sa paparating na kasal ni Aedyx. Si Carson daw yung pumalit kay Michael sa pagkukulong sa studio. Si Michael kasi may lakad palagi hindi naman nila alam kung saan.

Nag usap kami ni Francisco kagabi about don through call, kahit off cam, nag uusap kami katulad ng pinapakita namin sa harap ng camera pero hindi tulad ng pagiging clingy, we normally talk to each other para nadin hindi awkward pag on cam na.

"Ano ba sasabihin ko pag nagkita kami?"

"Leyah I'm not good with that either, call Bea." mabilis niya naman kinuha ang phone niya at tinawagan nga si Bea.

"Hello" sagot naman ni Bea napaayos naman kaming dalawa sa pag upo.

"Bea, I need advice!" di mapigilan mapatili na sabi ni Leyah.

"Right! I heard na makikipag date ka ngayon. Mabuti naman kung ganon nagiging gurang ka na eh" tumawa naman itong si Bea sa sinabi niya, di ko din mapigilan na tumawa sa sinabi niya.

"Bigyan mo na lang ako ng advice ano ba gawin sa first meeting?" nakita ko naman ang kaba sa mukha ni Leyah.

"Pa impress ka malamang pero sa talino ni Carson, masasabayan mo ba?" tumawa naman kaming dalawa ni Bea sa sinabi niya, normal lang saamin na eh bully yung leader namin, mataas naman yung pasensya niya kaya siya yung nagiging target namin.

"Oh ghad! wala ka namang tulong!" reklamo ni Leyah.

"Pero seryoso, wala akong ma advice about diyan single din naman ako, just act normal Ley, sabayan mo ang trip kung kaya mo. Mahinhin ka pa naman, ikaw lang yung kilala kong mahinhin na tomboy"

Maypagka tomboy kasi si Leyah, lumaki itong marunong mag arnis, kasi yung tatay niya coach ng Arnis sa lugar nila at may workshop din ito. Actually hindi lang si Leyah yung maypagka tomboy si Elijah at Bea din pero ang pinagkaibahan lang sakanila Elijah and Bea is happy go lucky, wala sakanila ang salitang mahinhin pero nagiging mahinhin naman sila pag may trabaho kaming magkakasama, girly dapat kasi kami. Ako lang yung purong mahinhin yun ang sabi nila saakin.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon