#Chapter11

10 0 0
                                    

#Chapter11

Marcella's POV

"May pumili sa clue mo" pag anunsyo ng isang producer na sumalubong saakin pag dating dito sa Baker's Hill at binigyan agad ako ng mission card.

"Welcome to Baker's Hill take a picture that can lead your husband to you. Enjoy!"

Agad ko namang ginawa at binigay ito sa producer na sumalubong saakin kanina. Dumiretso na ako sa kanilang baker shop at nag order ako nang eh anunsyo ito ng producer na kasama ko ngayon.

"My husband is coming" ngumiti naman ako sa camerang hawak ko ngayon.

"Sana he'll enjoy everything while I'm with him"

"By the way Marcella, dalawa kayong andito ngayon, we don't know if you or the other girl ang makikita niya" biglang singit naman ng producer.

Yung akala mo perpekto ang lahat, dahil sa mga nakikita mo sa telebisyon ko kahit yung behind the scene, kahit kasi ganon pinipili pa din nilang kung anong magandang ipapalabas. Kaya wag na wag kayong maniwala sa nakikita niyo. It's all the imagination of the people behind the cameras.

"My husband, please find me hmmm?" kausap ko padin ang camera.

Naalala ko noon mahirap para saakin na makipag usap sa harap ng camera yung tipong ganito? kahit wala kang matatanggap na response mag papatuloy ka pading mag salita na parang nag sasalita yung camera.

May binigay saaming script pero hindi yun tulad sa mga drama na pati mga sasabihin namin andon din, nakalagay lang kung ano ang pwede naming gawin, even in this reality we're not free to express our feelings, no I mean we can but we're not free like the viewers always think.

"I'll open my telepathy" pumikit naman ako na parang binubuksan ko talaga ang telepathy ko.

"Ah! I know where he is! and for sure he know where specifically I am right now" ngumiti naman ako sa camera.

"I'll eat first before meeting my husband" natahimik naman ako at sinumulan kong kainin ang inorder ko.

Binaliwala ko na lamang ang naka rolling na camera at inenjoy ang pagkain.

"Marcella control your eating, your still on diet" biglang sita ng manager ko.

Bigla akong napatingin sakanila ng inosente, nag mamakaawa gamit lang ang mga mata ko, gusto ko man magsalita pero hindi ko kaya.

Being a visual to your group is not easy, para mag stand out ka sa lahat ng member mo, kailangan mo paghirapan ito. Hindi ako tutol sa pag work out. Ilang years na kami sa entertainment industry mahirap padin para saakin ang mag extreme diet, mas okay na saakin ang mag enjoy kumain sa loob ng cr ng companya namin kaysa tulad nito sinisita ako.

I can't have my cheat day either, mabilis din tumaba ang mukha ko kaya sobrang strikto ng manager ko pagdating sa pagkain.

Kaya kahit gusto kong ubosin ang inorder ko na cake, binaliwala ko nalang ito at ang kape ko nalang ang inubos ko.

"Wow! buti nalang dito ako napunta"

"Kahit medyo marami yung tao okay lang,  atleast nature is with us right?" ngumiti naman ako at humarap sa paligid.

"Can I go around?" tanong ko sa staff, tumango lang sila.

"Okay! let's go" agad akong tumayo habang hawak ang camera stick.

Inenjoy ko naman ang lakad ko.

"Ang ganda!" excite kong sabi nang makakita ako ng peacock.

"All of the animals have their own beauty pero hindi mo talaga mapigilan mamangha sa ganda ng peacock."

"Masyado silang maganda para baliwalain"

Natigilan naman ako sa pag eenjoy nang may binigay ulit na mission card ang producer.

Francisco's POV

"Your wife is helping you, for you to know where is she... the second clue is.."

Pagkatapos kong basahin, may binigay ulit saaking cellphone, wala na akong pag pipilian, di na ito tulad ng unang clue, tinitigan ko lamang ito.

"May chance pa ba akong maka internet?" tanong ko sa mga kasamahan ko, kanina pa kami bumabyahe sabi nila malapit na kami sa Baker's Hill.

Nang makita ko ang pangalawang clue, nag aaalanganin ako dito sa pupuntahan ko.

"Andito ba sa Palawan ang Chocolate Hills? hahaha"

"Andito na tayo sa Baker's Hill" anunsyo naman ng manager ko na nag mamaneho.

Sumilip naman ako sa labas, baka may makita akong katulad ng picture na sinend saakin.

Bumaba naman ako.

"Lilibotin ko muna yung lugar, di talaga akong sigurado dito eh, may kutob ako" pakiramdam ko tuloy hindi si Marcella yung pinuntahan ko dito ngayon. I feel that I'm cheating. joke lang hahaha.

Sumilip silip naman ako na parang mag tinataguan.

"Can I search again? pleaseee?" pag pacute ko ulit, ilang ulit akong nagpacute sa harap nila kahit alam kong nakakahiya.

"Yes!" masaya kong sabi nang iabot sakong ang cellphone ko, agad kong sinearch ang pangalawang clue.

"Sana naman dumating na yung asawa ko, medyo boring na yung ako lang mag isa" nagulat naman ako sa narinig ko kaya agad akong sumilip. Nagtatago kasi ako ngayon, ayokong makita ng sinong babae ngayon na andito sa Baker's Hill baka yun na ang magiging asawa.

Gulat naman ako nang makita ko kung sino, agad akong bumalik sa pinagtataguan ko pero agad din namang umalis.

"Seryoso si Stella andito?" gulat na tanong ko sa harap ng camera.

"Actually Lima silang andito, ikaw mag decide kung sino sakanila ang lalapitan at magpapakilala ka bilang husband" producer.

"I'll search for others" baka isa sa mga yun ay si Marcella.

"Give me back your phone Francisco" hindi pa ako nakapag search kinahu na ito saakin, busy akong lumayo kay Stella kaya hindi ako makapag search!

Hindi na lamang ako pumalag at nag lakad lakad.

"Si Francisco ba yun?" narinig kong mga bulong bulongan ng mga nadadaanan ko.

"Si Francisco nga!" biglang tili ng dalagang babae. Now everyone know that I am here! baka pag nalaman ng mga babae na andito ako, sila na mismo lalapit saakin.

"Guys please calm down, I need to find my wife" kausap ko ngayon ang camera na hawak ko. Ang mga producer na kasama ko ngayon ang pumipigil sa nga itong makalapit saakin.

Ang camera man nalang ang naiwan na siyang nag lalakad saunahan ko ng palinga linga ito sa likod.

Kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Wife where are you?" pag mamakaawa ko sa harap ng camera.

Pero naputol ang pakikipag usap ko sa camera na hawak ko nang may bumangga saakin.

"Omo I'm sorry!" biglang pag umanhin nito at nag bow pa ito sa harap ko, lumaki naman ang mga mata ko sa nakikita kong babae ngayon.

What the fck?!

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon