#Chapter18

11 0 0
                                    

#Chapter18

Marcella's POV

"Lumakas yung ulan" natigilan kami sa pag uusap namin ni Francisco at tumingin sa labas. Nakita ko naman na pumasok ang mga manager namin at mga staffs sa cafe.

"Teka pano tayo lalabas? Frans?" Lumingon naman ako sakanya, nakatingin lamang ito sa harapan kung saan ang cafe.

"We should run?"

"Pero mababasa tayo"

"May jacket ako wait lang" May inabot naman siya sa likod ng kotse, ngumiti naman ito saakin.

"Ako muna bababa ha?"

"Teka, oyy ano Francisco teka lang" Tawag ko sakanya pero hindi ito nakinig at bumaba na ng kotse habang ginagawang pang takip sa sarili yung jacket niya, lumapit naman ito sa katabi kong pinto at binuksan ito.

"Let's go Marcella"

"Huh? teka"

"Let's go" hinawakan niya naman ang kamay ko at ginawa nga namin yung nakikita at nagagawa ko lang sa drama na scenario basta umuulan.

Siya mismo nagsara ng pinto at hinawakan ang kamay ko, kaya hinawakan ko nalang yung jacket na nasa akin para makakita ako sa daan.

"basa ka na Francisco"

"I'm okay" ngumiti ito at tumakbo kami papunta sa cafe, kahit na ganito ang sitwasyon namin may naka tutok padin saaming camera.

Nasa harap na kami ng cafe, may umbrella style na table dito kaya dito kami naka tambay.

"Basa ka na" tinitigan ko naman siya.

"Ikaw din naman, okay ka lang?" piniga niya naman yung jacket na sobrang basa na at nilagay sa balikat ko.

"Francisco! bakit lumabas kayo?!" napatingin naman kami sa entrance ng cafe, yung manager ni Francisco ang sumigaw. Katabi nito ang manager ko at yung isang cameraman ng idol marriage, nakatutok lang saamin yung camera.

"Basa na kayo bat kayo lumabas!?" sunod na sigaw ng manager ko.

"I'm fine, Marcella is wet, give us some towel please!" sigaw pabalik ni Francisco.

"Anong you're fine?" Lumingon naman si Francisco saakin, may tumutulong tubig sa buhok niya galing at see-through suot niyang long sleeve, nakikita ko na ang pang loob niya.

Teka ano ba Marcella, wag mo ngang pag pantasyahan.

"I'm okay"

"Basa ka din naman ah?!" ngumiti naman ito sa sinabi ko, ginulo niya naman ang buhok ko.

"Okay okay, hihingi na din ako ng towel ko"

"Pupunta kami diyan okay lang ba?!" sigaw ulit ni Francisco, napailing namang bumuntong hininga yung manager niya.

"Fine!"

"You ready?"

"Teka lang" tatanggalin ko na sana yung jacket pero pinigilan niya ako.

"Okay lang basa na din naman ako" hinawakan niya ulit ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo sa entrance.

Agad naman kaming pumasok sa loob, mabuti nalang walang tao ngayon dito kaya walang mag tatakang tumingin saamin ngayon.

Sobrang basa ko na pero mas sobrang basa si Francisco.

Napasinghap naman ako sa gulat nang may nag tutok saaming camera ngayon, hinila naman ako ni Francisco papunta sa likod niya.

"Let's end this here, we're wet." mas malamig pa ang sinabi ni Francisco kaysa sa nararamdaman ko ngayon, nanginginig na ako sa ginaw at sa gulat ko din.

Secret Love ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon